Wakasan ang simula
May mga bagay na dapat ng wakasan
Kahit wala pa man din nasisimulan
Kung umpisa pa lang ay may sakitan
Paano pa kaya sa gitna ng labanan
Isang mandirigmang handang magsumamo
Hindi dahil sa sugat na kanyang natamo
Susuwayin ultimo utos ng kanyang amo
Maisalba lang ang prinsipyong nanlulumo
Sa pagtaas niya ng puting bandera
Hudyat ito ng pagtatapos ng kanyang karera
Handang ipaubaya pati ang teritoryong kabisera
Matuldukan lang ang walang humpay na gyera
Hindi lahat ng nananalo ay panalo
Hindi lahat ng natatalo ay natalo
Laban man ng batalyon o mandirigmang solo
Hindi kaduwagan ang pagsuko ng bolo.
somersault-12
April 13, 2020












