warm cookies, warmer mornings
summary: a quiet, rainy day spent baking cookies, sharing laughs, and finding home in each other.
"tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa" - leonora, sugarcane
weekend morning sa apartment mo. umuulan sa labas. naka-pajama ka pa, habang si samuel ay nakaupo sa sahig, nilalaro si sugar na excited na umiikot sa pagitan ninyong dalawa.
nakaikot ang kumot sa katawan mo habang pinapanood mo si samuel sa sahig, nakaluhod at nakikipaghabulan ng tingin kay sugar. ang liit ng shih tzu niyo, pero grabe kung makakampay ng buntot. sobrang cute.
"baby, tingnan mo ‘to oh," sabi ni samuel, ngumiti habang hawak-hawak ang maliit na stuffed toy na kulay pink. "tingnan mo ‘yung mukha niya! parang gusto ka na niyang gisingin."
napatawa ka, lalo na nang biglang tumalon si sugar sa paanan mo at sinubukang akyatin ang kama gamit ang maikli niyang paa. "hi, sugar," bulong mo habang kinarga siya. "saan na naman kayo naglaro ni sam ha?"
si samuel tumayo, lumapit sa kama, tapos lumuhod sa gilid mo habang chinichin up ka. "hmm... baby," lambing niya, naka-pout pa. "ako rin, gusto ko ring kargahin mo."
napairap ka nang may ngiti. "ikaw talaga. kanina pa kayong dalawa ni sugar nag-uunahan sa pansin ko."
"bakit ba," aniya, saka sumampa na rin sa kama at humiga sa tabi mo, dumikit nang sobra. "minsan lang kita makasama nang ganito. gusto ko ng cuddles… now na."
"mas matanda ka kasi, ‘di ba? dapat inaalagaan mo ako."
"hoy, three years lang ‘yan, hindi mo ako nanay!"
tawa siya nang tawa habang ginagapang ang mga daliri niya sa tagiliran mo para kilitin ka. "sige naaaa, baby. please?" bulong niya, this time medyo seryoso na, habang nakayakap na sa’yo. "rainy days are for cuddles. tama ako ‘di ba, sugar?"
napatingin kayo pareho kay sugar na nakapwesto na ngayon sa paanan ng kama, nakatulog habang nakadapa sa pink stuffed toy.
tumawa ka ng mahina. "tingnan mo ‘yan. mas behaved pa sa’yo."
samuel smiled, mas malambing, saka dahan-dahang humalik sa noo mo. "thank you for letting me stay, baby. alam mong dito lang ako tahimik talaga."
hinawakan mo ang pisngi niya, sabay daplis ng labi sa pisngi mo. "thank you din. for being my quiet."
tumabi siya sa’yo nang mas mahigpit, inakay ka papalapit, at sa ilalim ng kumot, pareho kayong nakikinig sa ulan habang si sugar ay humihilik na sa dulo ng kama. tahimik. mainit. puno ng lambing na hindi kailangang isigaw.
habang nakabalot pa kayo sa kumot at nakatambay lang sa kama, marahang bumuntong-hininga si sugar mula sa paanan. gumalaw siya ng kaunti, parang nag-iinarte, sabay tumahol ng mahina na parang sinasabing, “tama na ang cuddle time, gutom na ako.” napatawa ka at napailing habang si samuel naman ay bumaling sa kanya, kunwaring seryoso. “hoy, ikaw ha, akala ko kami muna ni baby,” sabi niya, sabay kinurot ang tagiliran mo nang mahina.
“gusto mo ng cookies, sugar?” tanong mo, at agad siyang kumekendeng, halatang excited.
“pati ako, gusto ko rin,” singit ni samuel sabay tayo, bitbit si sugar sa braso niya na parang sanggol.
tumayo ka na rin habang binubuntutan sila papuntang kusina. mainit pa ang hangin mula sa kama, pero mas masarap yatang amoyin ang bagong lutong cookies habang magkakasama kayong tatlo.
hapon na, umuulan pa rin. nasa kitchen kayo, naka-matching aprons. si samuel ay may hawak na mixing bowl habang pinapanood kang mag-sift ng harina. si sugar? naka-upo sa maliit niyang dog bed sa tabi ng ref, suot ang pink na bandana.
pagdating niyo sa kusina, agad mong kinuha ang recipe card na nakaipit sa ref, habang si samuel ay abalang pinapaupo si sugar sa isang malinis na spot sa tabi ng counter, parang assistant chef na may sariling throne.
“ayos ba ‘yung apron ko?” tanong niya habang inaayos ang tali sa likod, nakausli ang isang bahagi. napailing ka, lumapit, at ikaw na lang ang nag-ayos.
“perfect. pang-commercial,” sabi mo, sabay abot ng mixing bowl sa kanya.
“chef samuel, reporting for duty,” sagot niya, kunwari ay seryoso pero halatang nangingiti.
habang inaayos mo ang mga ingredients sa countertop: flour, sugar, eggs, at chocolate chips, sumulyap siya sa recipe na hawak mo.
at doon na siya napakunot-noo.
"baby, sure ka ba dito sa recipe na ‘to?" tanong ni samuel habang ginagalaw ang spatula na parang alanganin. parang chef na kinakabahan.
"oo nga, baby. sinunod ko lang ‘yung tinuro ni mama. kaya natin ‘to, promise."
"basta kapag sumabog ‘to, may insurance naman ako... sa puso ko," sabay ngisi. that boy, talaga. kahit may hawak ng mixing bowl, may time pang magpabebe.
"huwag ka ngang magpa-cute diyan. ayusin mo ‘yang pagkahalo mo!" sabay tapik mo sa braso niya.
pero imbis na sumunod, binitiwan niya ‘yung spatula, tapos biglang yumakap mula sa likod. "ayoko na maghalo. gusto ko na lang yakapin ‘yung chef ko."
"samuel!" tili mo habang natatawa, sabay tapik sa braso niya. "may harina pa ‘yung kamay mo oh!"
"oops," bulong niya sa tenga mo. "sorry, baby."
naramdaman mo ‘yung dumikit na harina sa balikat mo, pero wala ka na ring nagawa. gusto mo rin naman ‘yung yakap niya. kaya hinayaan mo siya. hanggang sa...
sabay lingon niyong dalawa. si sugar, nakatayo na ngayon sa dog bed niya, paikot-ikot at tila naiinip.
"ay, nako! naiinggit na si sugar," sabi mo, tawang-tawa.
lumapit si samuel at yumuko kay sugar, saka kinurot ang ilong nito. "sorry, sugar. next time ikaw na ang taga-halo, ha?"
nung nagsimula na kayong mag-shape ng cookies, tinuruan pa niya si sugar ng “paw” habang hawak ang cookie cutter. “okay, sugar. kung gusto mo ng cookie, give me your paw… good girl!” sabay bigay ng belly rub.
ikaw? nakaupo lang sa counter, pinapanood silang dalawa. your two babies in one frame. isang fluffy shih tzu na parang naka-smile, at isang fluffy-hearted boyfriend na hindi marunong sa kusina pero pilit kang tinutulungan.
pagkatapos niyong mailagay sa oven ang mga cookies, sabay kayong humarap sa ref, naupo sa may dining table habang pinapanood si sugar na naglalakad paikot.
"baby," bulong ni samuel habang nakahilig ang ulo sa balikat mo. "can we do this forever?"
"anong…. alin? baking?" sabay tawa mo.
"hindi lang. yung ganito. yung tayong tatlo lang. yung tahimik lang pero masaya. yung may amoy cookies habang yakap kita."
napatingin ka sa kanya. medyo makalat na ‘yung apron niya, may harina sa pisngi, pero sa sandaling iyon, naisip mo na hindi mo maipagpapalit ang kahit na ano para sa araw na ‘to na kasama siya.
"oo naman, baby," sagot mo. "forever. tayong tatlo lang."
ding! tumunog bigla ang timer ng oven, at pareho kayong napaangat ng tingin, parang sabay nagising mula sa sarap ng sandaling ’yon. yung tahimik lang pero punong-puno ng lambing, habang si sugar ay nakaikot sa paanan niyo, parang nag-eenjoy din sa kakaibang katahimikan ng umaga.
“uy,” sabay niyong sabi, sabay tingin sa isa’t isa, natawa na lang kayo, kasi sabay pa talaga.
“cookies!” bulalas ni samuel, agad tumayo, pero nadulas ng kaunti sa harinang natapon kanina.
“careful, chef,” natatawa mong sabi habang pinunasan mo ang sahig gamit ang paa.
“excited lang,” sagot niya, sabay himas sa buhok niya na medyo natalsikan na rin ng flour. para siyang batang naunang nakarinig ng ice cream truck.
tumayo ka na rin habang si sugar ay tahimik na sumunod, nakatingin sa oven na parang alam niyang may treat na malapit nang lumabas.
hinawakan ni samuel ang oven mitts, pero bago pa man niya buksan ang pinto, huminga siya nang malalim, yung parang sinusulit pa ’yung anticipation ng first batch.
at doon na siya ngumiti ng malaki.
“baby, amoy mo ‘to?” tanong ni samuel habang sinisinghot ang hangin, para siyang batang excited. “amoy ng success. and maybe... konting sunog.”
napatawa ka habang inaabot ang isa sa mga cookies. “okay lang. first batch natin ‘to, at least hindi siya naging bato.”
“try mo na,” sabay lapit niya ng mukha sa’yo, parang nanliligaw ulit. “ikaw muna. gusto ko makita reaction mo.”
napatingin ka sa kanya, kunot-noo pa kunwari. “pag ‘di masarap ‘to…”
“...kiss mo pa rin ako,” sabay ngiti niya, proud na proud pa.
kagat-kagat ang tawa mo habang tinikman ang cookie. medyo crumbly siya, medyo matamis, pero may something na masarap. siguro dahil siya ang kasama mong gumawa.
“hmm...” tumingin ka sa kanya habang nginunguya. “pwede na. may future kang assistant baker.”
“assistant?” kunwari shocked siya. “eh kung ako ‘yung reason bakit masarap ‘yan?”
“kasi ikaw ‘yung naghalo ng maling ratio?” sabay tawa mo.
“rude!” sabay lapit niya sa’yo. inabot niya ang isa pang cookie, pero imbes na kagatin, sinubo niya sa bibig mo. “sige nga, isubo mo ‘to... then tell me again if hindi ako ang dahilan ng sarap.”
tinanggap mo na lang. tawa ka ng tawa habang pinupunasan niya ‘yung mumo sa gilid ng labi mo gamit ang daliri. maya-maya, inilapit niya ang ilong niya sa ilong mo.
“thank you, baby,” bulong niya. “for today. for being home.”
hinalikan mo siya sa dulo ng ilong. “thank you rin. for being here. kahit ang arte mo kanina."
sabay ngiti niya. “basta ikaw, sa’yo lang. at kay sugar, siyempre.”
sa paanan niyo, si sugar ay nakapikit na, naka-curl sa throw blanket, parang laging part ng kwento.
habang tumutugtog ang mellow soundtrack ng movie, bumagsak ang katawan ni samuel sa sofa. hinila ka niya sabay balot ng kumot. niyakap ka niya mula sa likod, habang pareho kayong nakatingin sa tv.
“ang init mo, baby,” bulong mo.
“gusto mo bang lumayo ako?”
tumawa siya, sabay halik sa pisngi mo. “demanding ka rin pala ‘pag malambing ka.”
tahimik kayong nanood, pero para bang ‘di mo na maalala kung ano ‘yung palabas. basta ang memorya mo, ‘yung tahimik na araw na ‘to, may cookies, may ulan, may sugar... at may sam na yakap-yakap ka na parang ikaw lang ang mundo niya.