idk if one understands the implications of this but I am bringing thirteen and missy to a parade

seen from Thailand
seen from United States

seen from Thailand

seen from United States
seen from Thailand
seen from China

seen from Italy

seen from Thailand

seen from United Kingdom

seen from Italy

seen from Thailand

seen from Thailand

seen from Italy
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Thailand
seen from Yemen

seen from Italy
idk if one understands the implications of this but I am bringing thirteen and missy to a parade
CURE-O-POXY offers Superior Epoxy Hardeners that crosslink with Epoxy Resins in a two-pack system to form long lasting protective coatings.
Wide-Ranging Phenalkamine Products – Trusted Phenalkamine Manufacturer
Looking for a reliable Phenalkamine Manufacturer or Phenalkamine Supplier? CURE-O-POXY offers a wide range of Phenalkamine-based epoxy hardeners known for their superior performance. Our products are designed to crosslink with epoxy resins in a two-pack system, providing excellent chemical resistance, fast curing even in low temperatures, and long-lasting protective coatings.
Whether you need solutions for industrial, marine, or heavy-duty coatings, we are your trusted Phenalkamine Supplier.
👉 Explore premium-quality Phenalkamines now – click to know more - https://www.nadkarnispc.com/product-category/curepoxy/phenalkamines/
JOURNO LIFE : NEVER say DIE
Naghanda. Lumaban. Umasa. Nabigo. At sa huli, nag-sana all.
Ramdam mo ba ang mga salitang yan noong lumaban ka ng CSPC, DSPC, at RSPC. Nag-ensayo ka ng buong husay. Lumaban ka at ibinigay mo ang lahat ng makakaya mo. Umasa ka na mananalo dahil confident ka naman sa iyong ipinasang produkto/awtput. Dumating ang araw ng Awarding, nagbabanggit na ng mga pangalan ng mga nanalo at sa kasamaang palad hindi nabanggit ang iyong pangalan. Sa una akala mo okay lang ka lang, pero sabi nga nila “Maraming namatay sa maling akala” Papalapit na ng papalapit ang araw kung saan ay aalis sila para sa sunod na antas ng kompetisyon ng pamamahayag, at ngayon mo lang nararamdaman ang panghihinayang at sakit. Mapapa-sana all ka na lang pagnakikita mo yung masasayang mga my day at post nila sa social media accounts nila.
Wag ka mawalan ng pag-asa. Siguro hindi pa ito yung tamang oras para sa’yo. Sa halip na magmukmok ka sa isang tabi gawin mo itong inspirasyon upang magimprove at makamit ang tagumpay na hinahangad,
Handa ka na ba? Magsimula ka na.
Isang sulat para kay Ef
Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung sino ba itong taong ‘to sa buhay ko? Ah, tanda ko na pala, bilib na bilib ako rito, bilib na bilib ako sayo. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ganung hindi pa naman kita kilala ng lubos, ni ayokong isipin na hindi ‘to totoo dahil baka ako lamang ay nagpapadalos-dalos, pero gusto kong sabihin na namamangha ako sayong mga kinilos. Medyo mahaba lang itong aking sasabihin dahil pagdating sa’yo, salita ko’y tila hindi nauubos. Astig noh?
Ngayon ay gagawa ako ng sulat na para sa’yo, Fidel. Hinahangaan lang talaga kita ng lubos at minsan pa nga’y ikaw ang dahilan ng aking pag-ayos.
Para ito sa iyo… Sa nag-iisang F na natatangi sa lahat ng mga F na hinahangaan ko.
UNANG ARAW
Isang mainit na umaga noong Setyembre, yun yung araw ng patimpalak para sa pansangay na kumperensya sa pamamahayag. Ikalawang beses na nga pala ito ng pagsali ko, syempre gusto ko manalo at pinaghandaan ko yung pagdating ng oras na yun.
Habang nasa biyahe ay iisang mithiin yung aking walang sawang inuulit at baon–
“Sisikapin ko na mapabilang muli sa pang-rehiyon na kumperensya sa pamamahayag na siyang matagumpay kong nagawa noong nakaraang taon, kaya hindi dapat ako matalo ngayon!
“Iniisip ko rin na hindi ko dapat mabigo yung mga umaasa sa akin. Syempre mahirap na mabigo at mambigo.
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa lugar ng pagtitimpalakan. Naglakad na kami at naupo na ako sa pwesto na inilaan para sa mga delegado ng aming eskwelahan. Pinagmasdan ko ang paligid; Iba’t-ibang mukha yung nandito at paniguradong iba’t-ibang ideya ang magtatagisan para sa labana sa taong ito. Dapat na ba akong kabahan nito?
Hindi ko naman itatanggi na nakaramdam ako ng ganun, kaya’t paulit-ulit akong nagdasal bago pa matawag yung pangalan ng kategorya kong sinalihan.
Dumating na nga yung pagkakataon at tinawag na yung mga kalahok, kabilang ako… at ikaw. Naglalakad na ako at nakita ko pa lang yung suot mong uniporme ay kinabahan na ako, jusko po at parehas nga pala yung kategorya nating dalawa na naging dahilan para tayo ay magtagpo ng malapitan. Aware naman ako na isa sa mga katangi-tanging paaralan ang iyong sintang eskwelahan dahil para ito sa mga pambihirang kabataan na may galing sa larangan ng ingles, agham, at sipnayan. Alam ko rin na kabilang ka sa mga bright child kaya’t kinabahan din ako kahit papaano sa iyo at tinuring kitang kalaban na dapat kong maangatan at mahigitan.
Kaya ngayon, pinalitan ko na yung aking mithiin– “Dapat kitang maangatan, nakakatakot ka kasing kalaban!” Nanatili na ganito lang nasa isip ko hanggang matapos na yung laban. Iniisip din pala kita–hindi dahil sa hinahangaan kita kundi dahil ika’y aking mahigpit na kalaban– hanggang makauwi na ako sa aming tahanan.
IKALAWANG ARAW
Ngayon na pala yung araw na malalaman na natin yung resulta ng laban at bibigyan ng pagkilala yung mga matatanghal na panalo. Sandali lang…NAHULI NA PALA AKO NG GISING! Jusko naman at aabutin pa ako ng ilang oras bago pa ako makarating sa lugar ng pagtatanghalan! Pambihira nga naman.
Sa kabila nito ay sinuong ko pa rin ang byahe, gaano man kainit at ka-tumal ang usad ng trapiko. Isabay mo na rin yung mga binubugang usok at ingay nung mga tao.
Syempre. hindi magpapahuli yung baon kong mithiin. Dapat maangatan kita, Nakakatakot ka kasi pati yung reputasyon ng eskwelahan mo eh!
Nakarating na nga ako sa lugar na pagtatanghalan ng mga mananalong manunulat. Chumempo pa na pagkababa ko ng tricycle ay ikaw yung una kong nasilayan, nag-init tuloy agad ang aking kalamnan– este, yung mithiin ko na manalo at ika’y mahigitan. Pak ganern!
10… 9… 8… 7…, Ako na ay kinakabahan at buti na lang, hindi pa rin natawag ang aking pangalan.
Pero pagpatak ng ika-6 ay narinig ko na yung hindi ko inaasahan.
Bakit kaya ganun? Sayang at hindi pa sinagad sa ika-lima kung saan ay ang cut-off sana para makalaban muli ako sa pang-rehiyon na kumperensya. Nasusuklam tuloy ako sa aking sarili pero wala rin naman akong magagawa. May pagkakataon talaga na nararapat kang mananalo ngunit may panahon din na dapat namang nasa ibaba o matalo.
Binigo ko sila, nakakalungkot.
Pero uy, narinig ko ang pangalan mo.
Ikaw pala yung ikalima.
Nakakainis. Mas lalong tuloy ako nagigil sayo.
Pero
Uy…
Bakit biglang naging ganito?
Napalitan ng paghanga yung nararamdaman ko sayo.
Pagkatungtong mo pa lang kasi sa entablado, nakita ko na sa iyong mata at mukha kung gaano ka kasaya; kung gaano mo pinaghirapan na makuha ang pwestong ikalima at kung gaano ka nagsikap para mabigyan ng pagkilala.
Gusto ko sanang magpakuha ng litrato sayo pero umalis kami agad. Sayang naman dahil yung pagiging malapit manlang sayo nung araw na yun ay hindi ako pinalad, pero salamat pa rin dahil nakilala ko ang isang kagaya mo na walang katulad. Atleast ako ay hindi tuluyang na-sad. HAHAHA. <3
Nanatili lang na ganito hanggang sa matapos yung araw at nasa isip pa rin kita– hindi dahil sa ika’y aking mahigpit na kalaban, kundi dahil ika’y aking hinahangaan– hanggang makauwi na ako sa aming tahanan.
Ilang buwan na rin ang lumipas, ikaw pa rin nasa aking isipan. Hindi ko maintindihan bakit ganito gayong isang beses pa lang kitang nasilayan.
Nga pala, kabilang nga pala ako sa kukuha ng kwalipikadong pagsusulit sa inyong paaralan. Umaasa ako na magkita muli tayo sa ikalawang pagkakataon, daig ko pa siguro yung nakapasa pag nangyari yun.
Kung nasaan ka man naroroon, sana lagi kang ligtas. Sana laging mag-iingat yung nag-iisang F na natatangi sa akin sa lahat ng F na hinahangaan ko. Ito ay para sa iyo, at umaasa ako na hindi lang dito nagtatapos ang ating kwento.
Lubos na humahanga sa’yo…
b
I hope it's not too late for #NSPC season. Found these earlier this morning while packing up old clothes. Could not remember where I got the white one in the middle, the red one on middle top was from the most memorable year for me, though.
Parang kailan lang #NSPC
Day 1: Koronadal sunset. #nspc #nspc2016 #nspckoronadal #campusjournalist #vscocam #vsco
we'll see eachother soon, saravia #nspc #nspc2016