ROBERT DENIEGA Pagbabahagi, akriliko sa kambas, 2026 #artPH

seen from Mexico

seen from Uruguay
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Uruguay
seen from United States

seen from France

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China

seen from Uruguay

seen from United States
seen from Morocco
seen from Russia

seen from Germany

seen from Saudi Arabia

seen from Italy
seen from United States
ROBERT DENIEGA Pagbabahagi, akriliko sa kambas, 2026 #artPH
Bendungan Batu Tegi #bendungan #tanggamus #lampung #pariwisatalampung #pesonalampung #enjoylampung #airmaningan #lampung #traveling #travelvlog #liburanasik #pantau #laut #pesonaindonesia #holyday source
Looking forward to a year long engagement. #volunteer #pagbabahagi (at Miarayon, Bukidnon, Philippines)
Tinitingala
Gusto ko lang sanang magkuwento tungkol sa idol ko.
Nung una ko siyang nakita, hindi ko inisip na magiging napaka halaga niya sa’kin. Nung nakilala ko na siya, lumaki ng lumaki ang paghanga ko sa kanya. Hindi ko maipapaliwanag ng maayos yung paghanga ko sa kanya… Pero ang masasabi ko lang ay siya ay tunay na nakamamangha at siya’y katangi-tangi. Napakahusay niya magturo at napakasaya niyang kasama. Ang gandang kanyang taglay ay hindi lamang katangiang pisikal kung di katangian din ng kanyang kalooban. Sinabi ko na sa kanya dati na walang mga salitang makakapaglarawan ng pasasalamat at paghanga ko sa kanya.
Idol, balang araw mababasa mo ‘to at baka alam mo na ikaw yung tinutukoy ko dito at baka naman hindi. Alin man dun ang mangyari, nais kong magpasalamat sa’yo. Sa totoo lang, masyadong marami ka nang binigay sa’kin kaya hindi ko kayang isa-isahin lahat sila. Isa sa pinakamahalaga mong binigay sa’kin ay inspirasyon. Salamat. Ipagpapatuloy ko ang pasasalamat ko sa’yo sa araw-araw na estdudyante mo ‘ko. Sa konting panahon ko bilang bahagi ng klase mo.
HIndi na naging kuwento ‘to. Mensahe na siya :)) Ito’y para sa kahanga-hanga kong guro na kahit saksakan na nga ng ganda ay ayaw pa magpakuha… ;)
-----------------------------------------------------------------------
Lulay [silulay-na-nalilito.tumblr.com] 2013-01-27 09:21
Takot
Sa palagay ko, takot ang salitang puwede kong gamitin para mailarawan ang araw ko ngayon. Iba’t ibang klase nang takot ang naranasan ko ngayon araw.
Una, natakot ako para sa kaibigan kong may pinagdadaanan. Natakot ako dahil may tiwala siya sa’kin. Natakot ako dahil alam kong kailangan niya ng kausap pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Takot na takot ako na baka may masabi akong mali; na baka may masabi akong magdadala sa kanya ng mas maraming lungkot o dusa. Marahil, isa na ‘to sa pinaka-kinatatakutan ko.
Ang sunod na kinatakutan ko ngayon araw ay ang hindi pag paalam sa mga magulang ko na hindi lang isang kaibigan ko ang pupunta sa’min, kung ‘di dalawa. Natakot akong baka magalit sila sa’kin tulad ng pagkagalit at inis nila sa kuya ko tuwing ginagawa niya ito. Alam ko namang kasalanan ko naman talaga yun kung nangyari man yun pero hindi ko pa rin maiwawalang bahala ito. Mahirap siyang hindi pansinin. takot na takot ako sa galit ng mga magulang ko. Isa pa, kailangan kong maging yung mas mabait at mas masunurin sa’ming magkakapatid para sa rin sa ikabubuti namin.
Kanikanina lang ay natakot ulit ako. Ito na ata ang pinakamababaw na rason ko kung bakit takot na takot ako ngayon araw na ‘to. At hindi lang ito takot, may halong… Kilig rin ito… Hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili minsan. Ang tanging ginawa ko lang naman noon ay nagtanong nang ilang bagay sa guro ko. Yun lang. Hindi naman dapat kinakatakutan, di ba? Pero hindi eh. Takot na takot pa rin ako. Inakala kong may masasabi akong mali. Palagi, tuwing kinakausap ko yun guro kong yun, takot na takot ako sa kung ano man ang sasabihin o iisipin niya tungkol sa’kin. Parati na lang akong takot…
Saan nga ba patungo ang post na ‘to? Ako, di ko alam. Isa lang ‘tong pangkaraniwang post na nagkukuwento tungkol sa mga pangkaraniwan kong kinatatakutan sa isang medyo pangkaraniwang araw. Hindi naman siguro masamang magbahagi lang, di ba? Pero hindi lang naman ito ang mga kinakatakutan ko; marami pa sila. Ito pa lang siguro yung unang bahagi nang mahabang listahan ng aking mga kinatatakutan pero madadagdagan pa ‘to… Sigurado ako…
-----------------------------------------------------------------------------------------
Lulay [si-lulay-na-nalilito.tumblr.com] 2013-01-28 08:31
Takot
Sa palagay ko, takot ang salitang puwede kong gamitin para mailarawan ang araw ko ngayon. Iba't ibang klase nang takot ang naranasan ko ngayon araw.
Una, natakot ako para sa kaibigan kong may pinagdadaanan. Natakot ako dahil may tiwala siya sa'kin. Natakot ako dahil alam kong kailangan niya ng kausap pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Takot na takot ako na baka may masabi akong mali; na baka may masabi akong magdadala sa kanya ng mas maraming lungkot o dusa. Marahil, isa na 'to sa pinaka-kinatatakutan ko.
Ang sunod na kinatakutan ko ngayon araw ay ang hindi pag paalam sa mga magulang ko na hindi lang isang kaibigan ko ang pupunta sa'min, kung 'di dalawa. Natakot akong baka magalit sila sa'kin tulad ng pagkagalit at inis nila sa kuya ko tuwing ginagawa niya ito. Alam ko namang kasalanan ko naman talaga yun kung nangyari man yun pero hindi ko pa rin maiwawalang bahala ito. Mahirap siyang hindi pansinin. takot na takot ako sa galit ng mga magulang ko. Isa pa, kailangan kong maging yung mas mabait at mas masunurin sa'ming magkakapatid para sa rin sa ikabubuti namin.
Kanikanina lang ay natakot ulit ako. Ito na ata ang pinakamababaw na rason ko kung bakit takot na takot ako ngayon araw na 'to. At hindi lang ito takot, may halong... Kilig rin ito... Hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili minsan. Ang tanging ginawa ko lang naman noon ay nagtanong nang ilang bagay sa guro ko. Yun lang. Hindi naman dapat kinakatakutan, di ba? Pero hindi eh. Takot na takot pa rin ako. Inakala kong may masasabi akong mali. Palagi, tuwing kinakausap ko yun guro kong yun, takot na takot ako sa kung ano man ang sasabihin o iisipin niya tungkol sa'kin. Parati na lang akong takot...
Saan nga ba patungo ang post na 'to? Ako, di ko alam. Isa lang 'tong pangkaraniwang post na nagkukuwento tungkol sa mga pangkaraniwan kong kinatatakutan sa isang medyo pangkaraniwang araw. Hindi naman siguro masamang magbahagi lang, di ba? Pero hindi lang naman ito ang mga kinakatakutan ko; marami pa sila. Ito pa lang siguro yung unang bahagi nang mahabang listahan ng aking mga kinatatakutan pero madadagdagan pa 'to... Sigurado ako...
Dumadami ang mahirap sa ating bansa. Bakit? Dahil?
Isa na dito ang pagaasawa ng wala sa tamang oras. Yung mga kabataan na hindi nagtatapos sa pag-aaral at sa kakulangan at kapos sa pagtustos ay nagagawang magasawa na lamang. Ganito na sa panahon ngayon. Kaya dumadami ang mahirap. Naisip ko lang. Sa dami ng nakakasalubong ko araw-araw at sa tuwing titingin ako sa kanila naiisip ko to at natatanong sa sarili. "bakit kailangan nilang gawin ito?" Hindi man lang ba nila naisip ang magiging kinabukasan ng mga anal nila kung sakali man? Hindi ako mahirap aaminn ko. Nakakapag-aral ako at sobra sobra pa ang allowance ko sa isang linggo kumpara sa mga taong walang wala sa panahon ngayon. naisip ko din paano kaya kung ang magulang ko ay nag-asawa ng maaga? Ganun din ba kaya ang magiging buhay ko katulad ng iba? Thankful padin ako kahit papano na biniyayaan ako ng kunting sarap sa buhay.
"KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN" naniniwala pa ba kayo dito? OO ako marahil dahil nga satin nakasalalay ang ikakaunlad nitong bansa. Mag-aral tayo para narin siguro satin at para narin sa hinaharap gayun din yung pagpapaunlad ng bansa. Maghirap tayo? Anong maidudulot natin sa bansang ito? Maging tamad? anong maitutulong natin sa ating magulang na siyang nagbibigay ng magandang kinabukasan satin? Tamad ako. Matagal na pero may ambisyon ako sa buhay at may ambisyon ako para sa aking magulang. Na kahit ganito ako kaya kkong magtapos. Nahihiya na ako sa magulang ko dahil 3 taon pa ang gugugulin ko pero ito sila sinusuportahan parin ako sa pag-aaral. Marahil meron din silang pangarap para sakin. Sana yung iba diyan pag-aaral muna ang atupagin hindi yung pag-aasawa at pagbubuntis. Isipin muna nila ang kanilang sarili bago nila pasukin ang pag-aasawa.
Magandang UMAGA.