Habang pinapanood ko ang Weightlifting Fairy Kim Bok Joo (yes tinyaga kong itype kasi matyaga akong mag explain), na iinspire ako magpaka physically healthy! :D
Yung habang nagttraining yung mga gymnasts, naguunat unat din ako dito sa kinauupuan ko sa harap ng monitor! Goodness, I feel so flexible kahit di kayang abutin ng kamay ko yung finger toes ko kasi sumasakit yung fragile muscles ko pag naiistretch. Ginagaya ko din itsura ni Joon-hyung kapag lumalangoy kahit mukha syang ewan sa camera angle na yun! Ay grabe parang gumaganda tikas ng katawan ko habang ginagawa ko yun *hearts*. Lalo na yung mga weightlifter?! Dahil sa kanila, feeling ko strong din ako!
Hay di ko ma-explain basta ang alam kong explanation bakit ako ginanahang maglakad mula sa BBB Valenzuela hanggang Karuhatan back n forth, dahil yon sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo!
Di naman pala masama gumugol ng oras sa kakapanood ng K-drama eh, o ang magpuyat para don, as long as may magandang epekto ito sayo, as long as maiinspire kang maging better person, wala naman palang masama *smile*