Kung Paano Hindi Naging Tayo
Sampong taon.
Ganyan katagal tayong magkakila.
Minsan naiisip ko kilala nga ba talaga kita?
Oo, kilala kita.
Mula sa kung paano kumunot ang noo mo kapag may napansin kang hindi mo gusto. Kung paano mawala ang mga mata mo sa tuwing ngingiti ka.
Alam ko rin ang paboritong mong kulay, ang mga kantang laging mong pinapakinggan, mga pelikulang ilang beses mo ng pinanood pati na rin ang mga linyang kinabisado mo.
Sinumulan kong pakinggan ang mga bandang gusto mo, panoorin ang mga paborito mong pelikula, bilhin halos lahat na libro ng paborito mong manunulat.
Para saan? Para may pag-usapan tayong dalawa. Yun lang yun.
Magdamag tayong magkausap sa chat tungkol sa mga bagay sa skwelahan, mga assignment, project, reaction paper.
Humihingi ka ng recommendation ng magagandang kanta o magaling na banda. Na sa totoo lang ay pinagdadamot ko talaga, pero ibibigay ko pa din.
Para saan? Para may pag-usapan tayo. Yun lang yun.
Sabay tayong tumatawa sa mga inside joke na tayo dalawa lamang ang nakakaintindi. Kakanta ng mga tugtogin na tayong dalawa lang sa buong klase ang may alam.
"Oy! baka madevelop kayo." Biro ng isang kaklase natin.
Tumawa lang tayong dalawa at sabay sumagot na "Wala kang pake." At saka muling tumawa.
Tumawa ako. Oo. Tumawa ako.
Dahil akala ko kasi dun ang punta natig dalawa.
Hanggang isang araw. Isang araw na sana hindi na dumating.
Pinakilala mo ako sa babaeng kasama mo bilang "Bestfriend"
Ngumiti ako. Oo, Ngumiti na lang ako.












