It was because they were two parts of a whole. He did not belong to her. And she did not belong to him. It was never about belonging to someone. It was about belonging together.

#dc comics#batman#dc#tim drake#batfam#bruce wayne#dick grayson#batfamily#dc fanart



seen from Germany
seen from China
seen from Ireland

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from Spain
seen from Malaysia

seen from Spain

seen from United States
seen from United States
seen from France

seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
seen from China
seen from Japan
It was because they were two parts of a whole. He did not belong to her. And she did not belong to him. It was never about belonging to someone. It was about belonging together.
Isa itong tula para sa pagmamahal mong nawala Isa itong tula para sa mga pangakong naibalewala Isang tula para sa iyo na nakalimot na Kamusta? Gusto ko nga palang malaman mo na sa kahaba haba ng panahon hawak mo pa rin ang puso ko Kaya sana ito'y dinggin mo Mga pagsusumamong nanggagaling sa damdamin ko Araw, buwan o taon man ang lumipas hinahanap ko pa rin ang mga yakap mo At kahit nakaukit na sa utak ko na ang mga salitang paalam ay mananatiling paalam at kasing labo na ng mga mata ko ang ipagtagpo uli tayo ng tadhana Sa bawat lingon ko ang nais lamang makita ay ang iyong anino pa rin Ngunit ngayong wala ka na ang tanging tanong sa puso ko ay paano Paano nalang ako kung wala ka sa piling ko Paano ang pagbangon ng wala ka sa tabi ko Paano ang sumaya kung ang tanging rason nito ay wala na Sabi ng mga kaibigan ko na hindi lang ikaw ang lalake sa mundo Hindi lang ikaw ang ligayang darating sa buhay ko Ngunit ang hindi nila alam ay wala naman akong pake sa ibang lalake sa mundo at hindi naman ako naghahanap ng ligaya dahil sanay na ako sa lungkot Kaya wag kang magalala dahil hindi naman ako naghahanap ng iba Wag kang magalala dahil kaya kong tiisin ang sakit at lungkot ng iyong pagkawala Kahit na ang unan ko ay basang basa na ng luha At ang mga kumot nalang ang tanging nagbibigay init sa malamig kong puso Ay oo nga pala ba't ka naman magaalala, eh nakalimot ka na pala Basta mahal, ang bilin ko ay abutin mo ang mga pangarap mo yung mga madalas mong ikwento At manatili kang masaya kahit na sa piling ng iba
SA SIMULA TAYO NAGWAKAS
Sabi nila ang buhay ay parang isang mahabang kwento na nakapaloob sa isang napakalaking libro lahat ng bagay may simula ngunit kasama rin nito ay ang isang hindi maiwaswasang pagwawakas
Nakita ko ito sa simula ng ating pagtatagpo hanggang sa simula ng ating pagtatapos Mga salitang paalam sa likod ng bawat paghaplos At mga yakap na nagsasabing "maaayos pa natin toh.."
Naalala mo pa ba noong sinabi mong tumingin ako sa'yo? ngunit pumikit ako, at sa pagpikit ko ipinagdasal ko na sana sa muling pagmulat ko ay nandiyan ka pa na sana sa pagdilat ng mga mata ko ay masasabi mo pa ang mga salitang "mahal kita"
Na pupunasan mo ang mga luhang patuloy na bumubuhos na parang hindi na matatapos kahit na ako'y unti unti nang kinakapos dahil hanggang ngayon inaasam ko pa din ang iyong pagyapos
Pumikit ako noong sinabi mong huli na toh Pumikit ako hindi dahil gusto kong yakapin mo ako o halikan o kahit balikan Pero mahal pumikit ako dahil ayoko
Ayokong makita kang umalis ayokong makitang talikuran mo ang lahat ng mga pangakong iyong sinambit ayokong makitang iwanan mo ako at lumakad papaalis at higit sa lahat ayokong maramdaman ang sakit
Hinigpitan ko ang pagkapit ko, ngunit parang kahit anong gawin kong pagkapit ay mawawala ka pa rin At kahit anong paghiling ko na sana'y panaginip nalang ito ulit nalunod na ako sa katotohanang hindi ka na akin
Pero sana pala hindi ako pumikit, Sana pala tinignan kita sa mata upang makita kung ramdam mo rin ang sakit kung akala lang ba ang aking inakala na magisa lang akong kumakapit
Sana pala tinignan kita sa mata upang masabi sa'yo sa huling pagkakataon na mahal kita, na mahal pa rin kita at mamahalin pa rin kita
At sa huling paghawak ko sa iyong mga kamay doon ko nakita mahal hindi pa rin pala ako naging handa dahil patuloy lang akong tumakbo noong nakita ko na sa simula ng ating kwento ang ating dulo.
H.C.
Tama Ng Pagibig
Hindi ito yung “Tama” na kasalungat ng “Mali” Ito yung inaakalang “Tama” na yun pala'y “Mali” Hindi ito yung “Tama” na nagpapasaya Ito yung “Tama” na gusto mong mawala
Gusto pero hindi mo magawa Ito yung parang droga at alak na pinagsabay Hindi mo maalis dahil araw araw mong hinahanap Nakakaadik sa sarap, nakakaadik sa sakit
Ito yung tama ng pagibig. Tama ng pagibig. Asan yung tama sa pagibig Kung wala ng tama sa iyong pagibig.
Minsan naiisip mo ba kung “saan ba talaga tayo patungo?” Naitatanong mo ba sa sarili mo kung “tama pa ba ang tayo?” Kung dapat pa ba natin ipagpatuloy ang meron tayo Pero ano nga ba ang meron tayo dahil parang ang tagal nang naglaho.
Ito nga ba talaga ang tama ng pagibig? Na gustohin mo mang kumawala sa kadenang iginapos sa puso mo ay gusto mo paring manatili.
Ang tama ng alak, kinabukasan wala na Ang tama ng droga, pagkalipas ng ilang oras okay ka na Pero ang tama ng pagibig, walang kasiguraduhan ang pagkawala niya dahil kahit minsa'y wala na ipinipilit pa rin nating meron pa
Kaya noong isang gabi, nagpakalasing ako. Nagpakalasing ako sa iyong pagibig Nagpakalasing ako sa mga binitawan mong pangako Nagpakalasing ako sa saya at sakit Nagpakalasing ako sa tayo
At sa paggising ko kinabukasan kasabay ng pagkawala ng tama ng pagibig sa aking katawan, ang pagsabi ko sa sarili kong “tama na”.
I really don’t blame people if they want to leave me. I can’t. Because I know. I know I’m hard to love. That I’m hard to understand. That I’m hard to predict. I confuse myself a lot too. I don’t understand myself too most of the time, and I hate myself more than you do. And for that I’m truly, heartily and deeply sorry. But this is me, and I just can’t blame you for wanting to leave me.
You probably know this already, but i’m going to say it anyway. I miss you terribly. And I hate the fact that you’re obviously not doing something about it.
I hate waking up with you on my mind and not in my bed.
queen-of-troy replied to your post:queen-of-troy replied to...
OH SHIT I FOUND IT I FOUND IT GOD BLESS THE INTERNET OK I WILL BE BACK IN 40 MINUTES
ALRIGHT ALRIGHT ALRIGHT ALRIGHT ALRIGHT ALRIGHT