Ang utang di nawawala.. yung umutang nawawala..

seen from T1
seen from United Kingdom

seen from T1

seen from Türkiye
seen from China

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Morocco
seen from Israel

seen from United Kingdom

seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
Ang utang di nawawala.. yung umutang nawawala..
Kapag umuulan..
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Nakikinig ako ng mga sentimental music, nagbabasa ng love stories o hindi kaya ay nanonood ng romantic movies. May mga pagkakataon rin na inaalala ko lahat ng mga naranasan kong saya at sakit dahil sa pagmamahal na nagreresulta sa isang mas emosyonal pang pangyayari, ang pag-iyak. Siguro yung iba sa atin ganito rin ang ginagawa. Masarap kasi sa pakiramdam na minsan sa buhay mo maaalala mo lahat ng pinagdaanan mo at maiisip mo na, ang swerte ko pala kasi nagawa kong mag-survive sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. Now, I am a better person. :)
Tao lang sya. Kaya kahit mangako syang di ka nya iiwan. Nagkakamali pa rin sya.
Karinyo
Namumulaklak Nagsasaboy Nagwawala Ang mura sa bibig Ng walang-hiya Nasalampak ako sa tabi At nakinig sa sermon n'yang Wala sa direksyon Paikot pabaliktad pasalubong Nagbuhol ang isip Na ginahasa sa mura Na walang tigil Nabugbog sa lait Nalibing sa duda
Hapon na
Naririnig ko na ang Tilamsik ng tubig sa batuhan Naamoy ko na ang alat sa Hangin na walang patid Sa pagkalabit sa akin Tanaw ko na ang araw Na dahan-dahang nagpapaalam Sa sandaling ito Kinakausap ko ang sarili Na di man lang umiimik Tinatanong ng mga bagay Na walang makasagot Ako lang ang maingay sa Tahimik na sulok Nasa isip ko ang lahat ng tunog
“Hindi mo malalaman na may kulang hanggang walang darating na mag-pupuno.”
Parang Pelikula Lang Ang Buhay.
Minsan may mga takbo sa buhay ko na the only option is I don't have any option. Yes! Madalas mangyari sakin yan. Medyo madami na ding mga bagay ang sinakripisyo ko dahil dyan. Kupal talaga ang mundo natin yung tipo bang ano mang gawin natin ehh hindi talaga mangyari yung gusto natin. I mean you gave everything that you have just to make anything at your side pero sadyang mapaglaro ang buhay. Minsan nga kahit alam kong baduy at walang malinaw logical explanation eh naniniwala ako sa DESTINY. Yung ang para sayo ano mang agaw ng iba sayo at kahit pa itapon mo ay talagang mapapasayo at the end at yun namang bagay na gusto mo pag di para sayo ehh kahit pa anong gawin mo at isacrifice mo for that thing ehh hindi mo talaga matatamo kahit pa lumuha ka ng champagne at pawisin ng Gin bulag. Kupal no? Just like my dreams. When I was young pangarap kong maging isang astronaut at maging ang kauna unahang tao na maggagawa ng sand castle sa buwan. Malas lang kasi walang NASA dito satin kaya kahit anong aral ko di ako magiging astronaut. In my highschool period pangarap kong mag aral sa isang pampublikong Unibersidad dito satin, pero ang mahirap nga lang ehh kelangan at least line of 8 ang 4 major subjects. The 3 other subjects are okay pero PUNYETA 77 ang grade ko sa Filipino subject. Pagdating sa Pag-ibig. Oww Shet wag na lang. Sabi nga ng idol ko na si City Hunter kay Kim Nana “I can’t love. That is my fate.” at saka wala ako sa mood magkwento. :) Basta just follow the flow of your life. Stay to the things that make you happy and just portray the role that life gave to you. Wala na tayong magagawa eh parang pelikula lang ang buhay pag kontrabida ang binigay sayong role wala ka nang magagawa kundi karirin na lang yung role mo at sundin kong anong sinasabi ng script, pero wag ka mawalan ng pag-asa kasi malay mo ang nakasulat pala sa script ng buhay mo eh kontrabida ka sa una and then sa climax magiging bida ka tapos makakasal ka dun sa isang bida at magkakaroon kayo ng masayang buhay at super powers. Oh di ba astig?