Matutunan.
Sana sa pagdaaan ng panahon Ay matutunan ko rin na umahon, Sa pag-ibig na itinapon Ng puso mong nakatali pa sa kahapon.
@tinta-ng-pluma // Matutunan
- ty. jey

seen from United States
seen from Netherlands
seen from United States
seen from Poland

seen from Australia
seen from Ukraine
seen from Germany

seen from Israel
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from Malaysia
seen from Türkiye

seen from Hong Kong SAR China
seen from United States

seen from United States

seen from Israel
seen from Germany
seen from United Kingdom
seen from Hong Kong SAR China
Matutunan.
Sana sa pagdaaan ng panahon Ay matutunan ko rin na umahon, Sa pag-ibig na itinapon Ng puso mong nakatali pa sa kahapon.
@tinta-ng-pluma // Matutunan
- ty. jey
Telenobela
"lagi kitang mamahalin", yan ang mga salitang sinambit ng iyong labi
nang tayo'y nagkatinginan sa piling ng gabing malalim.
Na tila ang mga salitang ipinagkait sa akin ng mundo'y unti unting nagparamdam
at ang dilim na nananaig sa puso'y muling humimbing.
Mata mo'y mga bituing bumaba mula sa langit at sa ati'y nakipiling,
na sa sandaling iyo'y tumigil ang ikot ng mundo at ang daloy ng tadhana'y para satin.
Naging bida tayo ng telenobelang nagsimula sa pagkakataong hindi natin inaasahan,
na ikaw ang prinsesa at ako ang dukhang humahabol at umaasang ika'y makamtan.
Para kang buwan na kailanma'y di maaabot ng damdamin kong nakahimbing sa mga ulap.
Na ang ilaw mo ang tanging kapirasong langit ko sa lupang ito.
Tuloy pa rin ang buhos ng tuwa, puso ko ma'y uhaw na uhaw na sa piling mo.
Na kahit ako'y nakapikit, ikaw pa rin ang tanging hinahanap at nakikita sa dilim.
Ngunit ang takbo ng panahon at oras ay walang hinihintay, pag-ibig ko ma'y higit pa sa ginto.
Na ang nakakasilaw na araw ay muli nang humalik sa dilim na nahihimbing.
At muli itong nagising at binihag ang puso kong noo'y puno ng sigla.
Na natapos rin ang telenobelang sinimulan natin at bumalik tayo sa mundo ng katotohanan.
Ngunit ako'y mananatili rito, nag-aabang sa daloy ng tadhana.
Mag-aantay na muling magkatagpo ang ating mga mata.
Na sana'y hindi natapos ang kabanatang ito nang hindi ka nayayakap.
Aantayin ko, aantayin kita, sana'y antayin mo rin ako, babalikan at babalikan ka pa rin.
Enchong Dee, may 2nd album na '"EDM"
Bumalik sa Pinas FM ang actor na si Enchong Dee upang i- promote ang kaniyang bagong single mula sa 2nd album niyang ‘EDM”. Ang “Hanggang Dito Na Lang” na isinulat ni Nathalie Kate de Vera. Ito ang 3rd single ni Enchong matapos ilabas ang mga kantang...
Read more: http://bit.ly/2dTyksx
Kung pera lang ang iniiyak ng mga artista sa mga telenobela, malamang bayad na ang utang ng Pilipnas.
Alam mo kung ano'ng ayoko sa mga palabas ngayon, lalo na dun sa mga may kaakibat na love story eh yung may mga nasasaktan. Yung may mga bestfriend na naiinlove sa bestfriend nila pero hindi naman sila mahal nito. Yung mga taong paasahin ng mga taong manhid at patuloy na nananakit at nag papa-asa.
Ewan ko ba, pero sa totoo lang, yun yung nagpapa bigat ng emosyon ng mga manonood eh. Yun yung nagdadala ng reaksyon sa mga manonood. Yun yung mga tagpong magsasalita nang mag-isa ang manonood ukol sa mga nakita't narinig. Yun ang nagbibigay buhay sa palabas.
Pero minsan, ayoko lang talaga sa pakiramdam. Nadadala kasi ako eh. Ewan ko ba! Siguro dahil sa ibang tagpo, nakakarelate ako at may pinaghuhugutan. Baka may mga scene lang na nauunawaan ko sa pinakamalalim na dahilan at paliwanag. Nakakaloko lang minsan kasi nangingiti ka nang mag-isa, at minsan naman, nagagalit na lang nang basta-basta.
Eto ang pinoy eh, na-eenjoy yung mga tagpong nakaharap sa telebisyon. Nararamdaman ang eksena kahit hindi naman talaga sila ang nakasalang dito. Nakakatuwang isipin na nagagawa ito nang sa pamamagitan lamang ng mga nakikita natin. Na para bang nahihipnotismo ang bawat isa at sumasabay sa indayog ng mga nangyayari.
Ito na ata ang isa sa mga naging dahilan bakit nagsulputan ang mga taong singkit ngayon. Kung bakit na dominate ng mga taong singkit ang ating telebisyon. Kung bakit hanggang ngayon eh puno ng pantasya at puno ng ideya ng pagpapakilig ang bawat taong nakakanuod nito.
Hindi mawawala ang F4 Fever. Ito na ata ang masasabi sa isa talaga sa pinakamagandang telenobela, taiwanobela, o koreanobela o kung anu pa mang nobela ang tawag sa Meteor Garden. Ito yung mga araw na takot kang malagyan ng RED CARD dahil sa takot mo sa F4 na mapagtripan. Ito yung mga oras na namromroblema ka dahil panghapon ka at hindi mo na aabutan ang F4 tuwing hapon.
Nauso din magpahaba ng buhok dahil sa kanila. Nasabi mong bagay rin pala sa lalake ang mahaba ang buhok. At si Xie Men ang nag pauso ng super duper long kimpy hairstyle. Napakasaya nga naman panuorin nito. Lalo na pagtapos ng bawat isang episode. Habang pinapatugtog ang Wo yen Bai, Ni yao de ai~ May excerpts ng susunod na mangyayari kaya patuloy kang magiging excited sa susunod na palabas. Matindi talaga ang takbo ng istorya. Lalo na yung naaksidente ang bida na si Dao Ming Xu dahil nalaglag ang singsing sa sinasakyan niyang kotse..
Simula rin ng sumikat ang meteor garden. Asahan mo na ang kanta ng mga ito sa MYX DAILY TOP TEN na simula top 8 or top 7 pataas eh puro kanta na nila. Patuloy na nag iintsikan sa kanta ang mga kabataan kahit hindi nila naiintindihan ang lyrics. Ang matindi pa dun, kabisado pa nila lahat.
Basta nakakatuwa ang palabas na ito. Isa ito sa mga kinalokohan ng kabataan ilang taon na ang nakakaraan.
Itutuloy ko na sana ang drama pero bigla akong nagising sa katotohanang hindi ako nakatira sa isang kastilyo at madalang lang ang happily ever after. Wala palang prinsipe na ang pangalan ay prince charming at ang fairy god mother ay isa lang palang beautician sa isang parlor na busy pa para magpaganda ng ibang tao. Kaya itinigil ko na.
Ang hirap talagang mabuhay sa mundong puno ng telenobela, taiwanovela, koreanovela at mexicanovela. Naa-adopt sa buhay ng masa ang mga eksena na sa tapat lang camera magandang tignan. Naisasabuhay ang tarayan at dramahan sa araw araw na pangyayari. Hindi nabibigyang hustisya ang mga eksenang kulang sa props at wardrobe na ginagawa ng masa at kinukuha sa paborito nilang teledrama.
Nakakatuwa lang na kahit hindi makatotohanan ang mga eksena at pangyayari, patuloy pa din itong tinatangkilik at ginagaya. Pwede namang saksakin ng isang goons ang bida kung lima silang nakapalibot dito. Pwede namang matamaan ng kahit na isa sa isangdaang kalaban ang bida na tumatakbo sa kung saan. Pwede namang gasolina ang ihagis sa mukha ng kaaway imbis na tubig at sabihing second rate trying hard, copycat. Pwede namang linisin muna ang putik bago pulutin ang purselas gamit ang ngipin. Pwede namang ilabas na agad ang itim na address book at ilagay sa tabi ng plorera. Pwede namang gawing simple ang lahat, bakit hindi natin i-try.
Tama na ang drama, tapos na ang once upon a time at madalang lang ang happily ever after.
Gusto ko lamang sa buhay ay...
H: Merry Christmas! *hugs*
Classmate: Merry Christmas din! *hugs*
H: *tingin sa kaliwa* *napatigil*
F: *nasa tabi ni H* *calls H's attention* H!
H: Hello thurrr.
F: *hawak sa likod* Salamat ulit dun ha. Merry Christmas. *hugs*
H: Wala yun, Merry Christmas din :) *hugs*
Ilang segundo lang yun. Sa ilang segundong yun, sana tumigil na lang ang oras.