Sisimulan ko ang kwento sa pagsisimula ng araw ko.
Nagising ako ng alas-kwatro, para pumasok sa eskwelahan.
Naalala ko, "26 ngayon. Birthday na nya. Birthday nya, at pwede ding pangalawang buwan ng aming away."
Kinakabahan ako. E syempre. Sino ba namang hindi?
Dala ko yung regalo. Magulo pa ang ayos nito, dahil wala akong maisip na paraan. Alam kong magugustuhan nya to, eto yung nirequest nya e.
Magpapalate ako. Para may thrill. Para mataranta si Julia. Para masaya. Papasok na nga si Anna e. Ano yun, lahat ng gusto nila, makukuha nila on time? NO. Hahaha.
E di pumunta ako ng Egay's para bumili ng class record para dun sa attendance sa Math. Gago kasi si Ma'am.
Nung patawid na ako, nagkasalubong kami ni Anna.
Tangna, ang aga naman ng karma.
Wala syang salamin. Kaso, baka nakita nya ako. Shit, ayokong masira ang plano ko. nakita na nga ako ni Jenny e. Tapos, pati ba naman si Anna?
Nagstay ako sa plaza hanggang 6:20 sa iTouch ko. Pagdating ko sa taas, 6:15 palang. Sakto. Chura ni Julia pagdating ko. Nakakatawa, kasi kala mo kung anong nangyari sakin e.
E di habang palapit ang breaktime, madami nang nagtatanong kung ano laman nung bag na may box, at para kanino.
Wag nyo dikitan yung box ko, papasabugin ko mga ulo nyo.
Bago magrecess, AP muna. Wala si Clea. Kelangan kong saluhin ang report nya, at hindi ako ready.
Ang ganda kay ng greeting ko.
Magandang umaga, III-Aquamarine. Magandang umaga, Ma'am Manalastas. Happy Birthday, Anna. Kami ang group 1 at magrereport tungkol sa repormasyon...
Si Ma'am Manlastas, kundi ba naman gago, binabara ako. E tangna, di nga ako ready e. Tanong ng tanong, niraratrat ako. Nyeta.
Buti nalang tumayo si Anna, at nagsalita.
Tangna, salamat Anna. Salamat talaga.
Syempre, pati sya, niratrat ni Ma'am.
Nabanggit ni Julia na nagtatampo na si Anna. Wala pa daw kasing gift. Hahaha.
At ayun, bumaba na si Anna at Julia para bilhin yung noodles o kung ano man ang tawag dun na binabad sa toyo.
E di kami naman, panic. Rush na e.
Then, after 5 minutes, nagtext na ng blank si Julia.
Tangina, anjan na nga sila.
E di ayun, nagtititili ako. Nakakatense to, puta.
Ayun, nagtago kami sa likod ng tangke, sa gitna ng init ng araw.
"Tangina, ang init dito."
"Ayoko na dito."
"Pasalamat sya birthday nya."
"Kundi nya birthday, di ko to gagawin."
"Tangina, wag kayo maingay!"
At ayun, narinig na namin yung footsteps. Then kumanta na si Joanna. At lumabas na kami sa likod ng tangke.
Tapos, kundi ba naman mga tanga, iniwan yung regalo sa taas nung tangke. Atat.
E di kinuha ko.
Inabot ko sa kanya.
"Happy Birthday, Anna."
Ang iba nung pakiramdam. Pakiramdam ko dapat wala ako dun e.
Teka nga, ano bang ginagawa ko dun? Ba't nga ba ako nandun?
Pero, ayun. Balik tayo kay Anna, na nung mga oras na yun ay mukang tangang naiiyak na.
E di bumaba na kami. Ang init e. :)
Tapos sa loob, lahat nakatingin samin. Kala mo kung anong nangyari.
Mukang gago.
Hindi ko alam kung luha pa ba yun, o pawis na, kasi, mainit, at may binubuo syang "puzzle" kuno na gawa ni Joanna at Angelie.
Hirap na hirap sya. Parang mas malala pa sa Math problem yung puzzle.
Nung nabuo nya, masyado syang masaya.
At tinuloy nya ang nabiting pag-iyak dun sa taas.
Mura sya ng mura.
Tangina daw namin, pinapaiyak daw namin sya, ganun.
Hahaha.
Tapos, nagkaroon ng pagkuha ng mga litrato.
Ayoko na sumama. Iba kasi yung pakiramdam. Parang, wala naman kasi ako dapat dun, wag na ipilit.
Pero hindi e. Pinilit ako ni Julia. Binulungan nya ako.
"Hindi ako nagsabi nyan. Si Anna."
Sige. Ayun, magkatabi kami sa litrato. Gago sila e.
Kumuha din ng litrato si Hail, Anna at Jason. No Other Woman ang peg nila.
Nagkaroon din litratong pampamilya na kung saan magkatabi kami ulit ni Anna. Gago nga kasi sila.
Tapos, pagkatapos kumuha ng mga litrato, ewan ko kung anong pinaguusapan.
Biglang bumanat si Christine.
"May tanong ako. Bati na ba si Anna at tsaka si Jade?"
Nagulat ako dun sa tanong.
E di nagwala ang anim na gago.
Tanong ng tanong.
"Ano kayo, magsyota?
"Lovers' quarrel?"
"Malandi kayo."
E di ayan, sabi nila, magbati na kami.
Magkamay daw kami. E di nagkamay.
"Parang nung inyo lang ni Carlo."
Tapos, yakap naman daw.
"Ibaba mo na yang pride mo, Jade."
"Kahit isang step lang." (Kahit isang hakbang lang)
"Mas maganda kung ibagsak mo na."
"First move ka, Jade."
Hindi ko alam kung anong gagawin. Natatawa ako e.
Tas ayun, yinakap ko na din sya. Sya nagsimula.
Tapos, kinuhaan nila yun ng litrato.
Tas inulit ko. Yinakap ko sya ulit, at binulungan.
"Sorry. Sorry talaga."
Tas edi yun. Iyak sya. Hahaha.
E di ayun ulet, balik sa dati.
Tagumpay ang limang gago, kasama na si Hail.
Maya-maya, nagbigay sya nung mga mensahe nya para sa aming anim.
Oo, kasama na ako.
Tinawag nya ako e.
Nagbigay sya ng mensahe para sa lahat.
Una si Jason, sunod si Joanna, si Angelie nirecord yung kanya, si Christine, si Julia.
Tapos ako.
Ako na.
Nagtilian sila.
Kinuhaan nila ng video yung akin.
Kaso di natapos kasi dumating si Ma'am Bonsol.
Naalala ko lahat ng sinabi nya, lahat naman, maaalala ko.
Kaso, may nagmarka e.
"Bakit di ka nakikinig? Ikaw hayop ka, antigas ng ulo mo. Hindi naman ako galit sayo e. Gusto lang kitang turuan na hindi lahat ng bagay na gusto mo makukuha mo. Kaya lang, hindi kasi kita talaga matiis e. Araw-araw kong binibisita yung heemanipulator, naghahanap ako ng mga posts dun. Shit, shit, shit."
"At ang galing kong Helping Anon."
"Minsan kasi, sundin mo kaming mga ATE MO. Lahat kami ate mo dito!"
Ayun, dun natapos.
Rant lang.
Bakit anjan sila Gilli at Coleen? Samin nga lang to e. Tapos, di naman sila tinawag. Pero, nakikinig sila. Kasali kayo?
Ayan, ha.
Mahirap to.
Pero, dahil birthday mo, ayan na ha.
Happy, happy birthday, Anna. :**













