Sintesis: Epekto ng K-12 Curriculum sa Pag-aaral
Ang K to 12 Program ay isang learning scheme na programang ginagamit na ng mga kanluraning bansa bilang modelo ng pag-aaral. Noong 2013, pormal na itinalaga at ipinatupad ng ating dating pangulong Benigno S. Aquino III ang edukasyong K to 12 sa bansa ng Pilipinas at mula noon hanggang ngayon ang Department of Education (DepEd) ay ang namamahala ng edukasyong ito. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong paaralan, at regulasyon para sa pribadong paaralan. Ang edukasyon bago ang K to 12 ay binubuo ng sampung taong basic education; anim sa elementarya at apat naman sa high school ngunit noong maipatupad ang K to 12 nadagdagan ng dalawa pang taon ang edukasyon ng mga bata; ang senior high school. Ang K - 12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo. Ito ay programang ipinatupad na naglalayong tulungan ang mga bata at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa Asya, kundi pati na rin sa buong mundo. Ang pagpapatupad sa programang ito ay nagkaroon ng samu’t saring reaksyon, ang iba’y natuwa at ang iba naman’y hindi, sa tekstong ito pagtutuunan ng pansin ang layunin ng programang ito at ang positibo at negatibong epekto ng K-12 Curriculum sa Pag-aaral.
Ayon sa mga opisyal at mga tao na pabor dito ay makakatulong ito upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ating bansa (Nolasco, 2016). Ayon sa isang blog na isinulat ni Tecson noong 2014, para sa pamahalaan layunin ng programang K to 12 pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang ekonomiya ng ating bansa at layunin din nito na mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho. Layunin ng K - 12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior high school pa lamang, maaari ng makakuha ng certificate of competency level 1 kailangan lamang ay maibigay ang mga kailangan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa senior high school, level 2 naman ay maaari na silang magtrabaho matapos ito (AKOAYPILIPINO, 2012). Sa isang website isinaad na ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad, pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo (Villar).
Ang pagpapatupad ng programang ito ay mayroong mga positibo at magandang layunin o epekto sa pag-aaral. Ayon sa website ng official gazzete, mayroong anim na kapansin-pansing pagbabago sa Sistema ng edukasyon. Una na rito ay ang pagpapatibay ng maagang edukasyon. Sa limang taong edad ng isang bata maaari na itong magsimulang mag-aral at maaari nang sumunod sa pormal na edukasyon. May mga pananaliksik na nagsasabing ang mga kabataang nagsimula ng maaga at pumasok sa isang kindergarten ay ang mayroong mga matataas na competency at ang mga batang ito ay nasabing mas handa sa primaryang edukasyon. Isa pang pagbabago ay ang paggawa sa curriculum na may kaugnayan sa iba, halimbawa ang mga kanta, tula, kwento, nobela, kultura, kasaysayan at realidad, ang mga ito ay nagbibigay kaugnayan sa mga mag-aaral kung kaya’t madali itong naiintindihan. Pangatlong pagbabago ay ang Mother Tongue-Based Multilingual Education, sinasabi rito na ang mga mag-aaral ay pinakamabilis at madaling natututo sa pamamagitan ng kanilang unang lengguwahe at maliban sa Mother Tongue, ang ingles at Filipino rin ay itinuturo na mula grade 1 hanggang sa ito na ang gamiting primaryang lengguwaheng gamit sa pag-aaral. Pang apat ang spiral progression, kung saan ang mga asignatura ay itinuturo mula sa pinasimpleng konsepto hanggang sa pinakakomplikadong konsepto. Sunod na kapansin-pansin ang paghahanda para sa inabukasan (senior highschool), ang senior highschool ay ang karagdagang dalawang taon ng dalubhasang pag-aaral o edukasyon na base sa kakayahan, interes at kapasidad ng paaralan. Mayroong pitong core curriculum ang senior high school; Languages, Literature, Communication, Mathematics, Philosophy, Natural Sciences, at Social Sciences at mayroon itong tatlong tracks: Academic, Technical-Vocational-Livelihood, at Sports & Arts. Sa Academic mayroong tatlong strand na maaaring pagpiliian; Accountancy Business & Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) o Humanities, Education, Social Sciences (HESS), at Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM). Ang mga mag-aaral ay sumasailalim sa isang work immersion kung saan maraming oportunidad na maaaring kumita at matuto habang nagtatrabaho upang mabigyan ng karampatang exposure at kasanayan sa napiling track. Ang huling punto ay ang mga makukuhang benepisyo at magagandang epekto ng K to 12. Matapos makapag-aral sa Kindergarten, enhanced Elementary, Junior Highschool at Senior Highschool, ang mga mag-aaral ay handa na upang pumasok sa iba’t - ibang larangan; ito ma’y karagdagang edukasyon pa, pagtatrabaho, o pagnenegosyo. Ayon sa site ang mga magtatapos ng K to 12 ay magkakaroon ng mga sumusunod:
Information, media and technology skills,
Learning and innovation skills,
Effective communication skills, and
Bilang karagdagan, mayroong benepisyong maaaring matanggap ang isang mag-aaral ito ay ang voucher program. Para sa mga mag-aaral, maaaring makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon para sa lahat ng mag-aaral, kahit ang mga walang perang pang pinansyal ay magkakaroon ng kakayahang pumili sa iba’t-ibang paaralan at hindi lamang limitado sa mga paaralang ibinigay o inilaan ng Department of Education (DepEd). Para naman sa mga pribadong paaralan, ang mga paaralang may senior high school ay maaaring makapamili sa mas malawak na “merkado” – ang mga estudyante mula sa mga pampublikong junior high schools.
Sa kabilang banda, noong pinaplano pa lamang ang programang ito, samu’t saring reaksyon mula sa mga Pilipino ang natanggap ng gobyerno at pamahalaan. Ayon sa isang blog, nang magkaroon na ng unang batch ng mga nagsipagtapos na mga junior highschool ay mas lalong naging komplikado sa paningin ng iba ang K to 12 dahil sa mga paaralang hindi pa tapos gawin (Lomboy, 2017), guro, aklat, na nais tugunan sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon ng pamahalaan (AKOAYPILIPINO, 2012). Para sa mga gurong matagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng paghahanda para mapatupad ng tuluyan ang programang ito. Pakiramdam pa rin ng mga guro na napakarami pang problemang at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K to 12 program. “Iba kasi ang nagiging produkto, dahil hindi pa naman handa para sa implementasyon,” kwento ng isang guro na 20 taon nang nagtuturo sa Public School. Hindi daw kumpleto ang mga materyal, wala pang textbooks, at hindi pa makasabay sa requirement ng programa lalo na sa Public school dahil wala namang internet, computer at telebisyon. Kaya ang resulta, hindi pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit 6 na taon na itong pinapatupad (VIllar). Ayon naman sa isang blog, sinasabi na mayroong laynunin ang progrmang ito na makalikha ng mga
na manggagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon at dayuhang pamilihan ng paggawa. Dahil na rin sa maaari nang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng
, iilan na lamang ang nanaising makapagtapos ng kolehiyo dahilan upang babaan ang badgyet sa edukasyon. Ayon kay Trillanes, “Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod…” (Tecson, 2014).
Sa kabuuan, ang lahat ng konseptong nabanggit sa mga naunang pahayag ay makatutulong upang mas lalong maintindihan ang mga nagging epekto at magigigng epekto pa ng programang K to 12 sa pag-aaral. Mula sa layunin ng programang ito, sa magaganda at positibong epekto at ang mga negatibo. Maganda ang layunin at intension ng Department of Education pati na rin ng dating pangulong Benigno S. Aquino III sa pagpapatupad ng programang K to 12. Layunin nitong mas mapaganda ang Sistema ng edukasyon, mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral at nang sa ganon ay mas maging handa ang mga ito sa mga haharapin o tatahakin pa sa totoong buhay. Mayroon itong mga magang hangad sa pag-aaral ng mga mag-aaral, maganda ang ibinibigay na mga benepisyo tulad ng voucher program at maliban pa sa mga ibinibigay nitong edukasyon para sa mga mag-aaral. Kakabit ng mga positibong epekto at dulot ng programang ito, marami pa rin ang nagsasabing hindi maganda ang dulot nito, tulad na dahil daw sa kakulangan ng mga kagamitan, guro at silid. Dahil na rin marami ang wala masyadong perang pangpinansyal, ang mga ito ay maaaring hindi na gustuhin pang pumasok at mag-aral ng mataas pang uri ng edukasyon o pumasok pa sa kolehiya sa mga unibersidad at dahil sa lahat ng punto at konseptong naibahagi, masasabing maraming iba’t-ibang epekto ang programang K to 12 curriculum sa pag-aaral, positibo man o negatibo.
Lomboy, R. (2017, September 14). Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum
[Web log post]. Mula sa http://regeliente.blogspot.com/2017/09/positibo-at-negatibong-epekto-ng-k-12.html
Nolasco, O. (2016, March 9). Ang Mabuting Epekto Ng K-12 Sa Mga Kabataan Pinoy.
Mula sa https://ordannolasco.wordpress.com/2016/03/09/mabuting-epekto-ng-k-12-sa-mga-kabataan/
AKOAYPILIPINO. (2012, May 4). K 12 sa Pilipinas - Ano, bakit, kailan at sino ang
apektado nito? Mula sa http://akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/k-12-sa-pilipinas-ano-bakit-kailan-at-sino-ang-apektado-nito.html
Villar, A. (n.d.). Mga Mahahalagang Kaalaman Tungkol Sa K to 12 Program. Mula sa
https://ph.theasianparent.com/k-to-12-program-in-the-philippines
Unknown. (n.d.). WHAT IS K TO 12 PROGRAM? Mula sa
http://www.officialgazette.gov.ph/k-12/