LIBRARIES ARE SO NOT OUR BESTFRIENDS.
Naghihintay si Pretty Atty. sa tapat ng Jollibee sa SM Molino mga around 7:30am. Dumating ang napakagandang chicks na si Novie at magkasama na nilang hinihintay ang pachicks na si LAURENZ.
Naghintay sila ng 30mins. pero hindi pa din dumadating si Laurenz.
"Puntahan na lang kaya natin?" (slang yun) said Atty.
At pumunta sila ng PAULA para puntahan si Laurenz. At ang nakakatawang fact ay di nila alam kung san ang bahay nito. Kaya pumunta sila sa Ardghin St.
(pinagbuksan kami ni Ardghin sabay sabing...)
"Hindi..ano, alam mo bahay nila Laurenz?" Atty.
"Andito kami sa Ardghin St., asan ka na?"
And theeeeeen, napagtripan namin si DL(De Leon). Kapag pumunta sya kila Ard, sasabihan siya ni Ard na pumunta kaming SM :)))
Tawa kami ng tawa ni Atty. at sinalubong si DL nang nakaTrollface xD
Suddenly, a wild text message appeared.
Ayis: Sama ako sa inyo (not the exact words)
(Di pa sya nakakaligo sa mga segundong iyan)
Atty: Gorabels. (Again, not exact)
Sumakay kami ng sidecar (joke lang, jeep talaga. Pero yun ang Plan A, kaso naflat yung gulong dahil ginamit ni DL papunta sa SM)
Inabot ni Karla yung bayad kay DL (NOTE: 100pesos yun) Kaya tawa ako ng tawa.
Fortunately, di binulsa ni DL yung 100.
At yun, pumunta ang tatlong magkakaibigan sa Zapote. Yey!
Atty.: Baboy, alam mo no. ni Yanna?
DL: Nakalimutan ko na eh.
Atty.&Me: *nakakalokong tingin*
DL: 0919.... di ako sure.
Atty.&Me: *nakakalokong tingin*
DL: Ayun! Naalala ko na 0919....
Nakatapak na rin ang aking paa sa Zapote! Yey!
Pumunta kami ng Juliebee Zapote para maghintay kay Ayis. Lumabas kami para magpahangin (joke.) Lumabas kami para tignan kung andun na si Ayis.
Wala pa sya. Malakas na ang ulan. Kaya pumasok ulit sa loob. Thank God, Juliebees are everywhere.
Umorder kami kasi nakakahiya kay Kuyang Janitor na nagmomop ng sahig na nadumihan ng putik mula sa aming mga footwear.
Pumunta kami sa 2nd floor. At nabitter ako dahil 14 ang no. na nakuha namin. Inanalyze ni DL yung nabayad namin at narealize nya na mas malaki ang VAT pag sama-sama kayong nag-order. Nagreklamo kami.
Suddenly, a wild Ann Clarisse Manaois Garcia appeared.
Sumakay kami ng jeep paBaclaran at sinabi sa aming mga sarili na handa na kaming mamatay.
May katabi kaming babae na nagsilbing mapa namin sa panahong iyon. Tinuruan nya kami kung san bababa and stuff.
Tapos nun ay bumaba kami dun sa may PAGCOR at naglakad papuntang LRT. Nadaanan namin ang (anong tawag sa bridge-like infrastucture above roads?) whatever it is, I don't care na naglead samin sa Metropoint kung saan andun ang LRT station.
Sumakay kami ng LRT papuntang UN Ave.
After ilang minutes, nakababa na kami at muntik ng madulas sa mga slimy stairs pababa. At dun sumaluong sa amin ang feeling beach na Manila.
Sumalubong din sa amin ang isang di nagbibirong pedicab driver. Nasalestalk kami kaya pumayag kaming magpahatid sa kanya sa Nat'l Library. Mataas ang tubig baha na nilusob ni anti-joke pedicab driver. Dun ko nalaman na walang pinipiling panahon ang traffic. Malulunod na lang mga ankle namin sa tubig baha, TRAFFIC pa din -____________- Nakakalungkot. Kawawang Juan at ankles.
Binaba kami ni manong di nagjojoke sa Nat'l Library at hiningan kami ng 30 kada isa.
Papunta namin dun ay excited na excited na excited kami! Nagpapicture doon, dyan. At nagmikay pose pa si Atty. AHAHAHA. (Mauupload ko din yun, tiwala lang)
Pagpunta namin sa first step ng stairs ng library....
Guard: Closed. poker face meme
Kaming tatlo: poker face din
Atty.: Teka, di pa nagsisink in sakin. Di ko to tanggap
Me: nagvivideo sa sarili pero din inside, naFUFUUUUUUU.
DL: Di ako uuwi ng walang napapala. Tanong mo nga kung may malapit na library dito.
Le me went to the guard and asked.
Me: May library pa po bang malapit dito?
Guard: Manila City Library.
Me: Manila City Library daaaaaw!!!!!!
Me: Adamson U daw malapit. Pupunta pa ba tayo?
At yun nga nagpunta kami dun. Kailangan naming tumawid sa mabahang kalsada hanggang malapit sa tuhod. At mas tataas pa kapag may nadaan na sasakyan na kapag di ka alert ay pwedeng tumulak sayo.
“Uy! Wala ng sasakyan! Bilis! Bilis!”
Naglalakad si Ayis patawid..
When suddenly, the anti-joke driver na magaling mangsalestalk appeared.
Manong: Oh, ba't anjan kayo?
US: Sarado po ang library. San po yung Manila City Library?
Manong: Ah dun yun sa.. *kunwari di maalala, para magmukhang malayo * Hatid ko na kayo dun!
DL: Wala na po kaming pera :(
Manong: 10 pesos na lang.
Pag-alis ni Manong Salestalker/Driver......
Pretty Atty.: Eh kung magmagandang loob ka na lang kaya na pasakayin kami?!!
Me: That's business atty. (Pinapakalma ko siya dahil natatakot ako para sa pamilya ng drayber kapag nagtanim ng galit si Atty.. Mahirap na. Di natin alam kung ano ang magagawa ng Nazi. I mean, I know pala. PUMAPATAY SILA. And the fact na na kay Atty. ang batas, wala silang karapatang magsampa ng kaso laban sa kanya. *..tsk*)
Luckily, makikita mo na sa mukha nya na wala na siyang pake sa drayber kaya, what a relief. My heroic deed paid off. Ang yes, you read it right. HEROIC. You can thank me later, Anti-joke driver.
At nagsimula na kaming tumawid sa mabahang kalsada.
Fortunately, nagtagumpay kami. \m/
Nadaanan namin ang Rizal Park.
Isang malaking baha na naman ang kailangang tawirin namin para icheck kung open ba ang Manila City Library.
May tinanong kaming dalawang babae na galing sa kabilang dulo.
“Umm.. galing po ba kayo sa kabila?”
“Napansin nyo po bang bukas yung Manila City Library?”
Yung dalawang babae: May nakita akong lumalangoy na ipis kanina.
Wala kaming nagawa, tumawid talaga kami. Pag-alis namin, nasisisigaw yung dalawang babae dahil may palaka na inanod ng waves.
Laftrip kami dun. Ang saya tignan ng mga taong nagdudusa ^___^
Pagdating namin sa kabilang dulo?
THE MANILA CITY LIBRARY IS C L O S E D
Us: FUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUU!
Bumalik kami ulet with our hearts broken, mine twice (lol nagdrama) at naisipang magRizal Park na lang. Nagpapicture kami sa park pati na rin sa DoT(Dep of Tourism). Nang malimutan namin kahit papaano ang epic fail adventure namin.
Luckily, nag-enjoy naman kami. Plano pa sana namin pumunta dun sa children's playground kaso may entrance fee. Hayy. 3
Nagkayayaan na umuwi and that's what we did.
• Makinig sa mga nakakatanda.
• Wag magpadala sa salestalk ng pedicab drivers.
• Magdala ng maraming pera.
• Pag nasa group lakad, pag umorder sa Juliebee, isa-isa dapat para maliit yung VAT.
• Astig mag-emote sa 2nd floor ng Juliebee Zapote.
• Wag magpantalon pag mga ganitong lakad.