Fun-samantala...
Akalain mo yun?
Nagtagal din tayo... ng Fun-samantala...
Salamat sa mga pagkakataong naging dahilan ka ng aking pagngiti. Yung tipong masilayan ka lang kumpleto na ang bawat sandali.
Salamat sa mga fun-nandaliang panahon na sinamahan mo ako sa aking pag-iisa. Yung tipong naging clown kita sa mga sandaling nandyan ang mga problema.
Salamat sa pagmamahal mo noon na para sa aki'y walang ka-fun-tay.
PERO... Kagaya ka din pala ng iba. Na mamahalin ako... Pahahalagahan ako... Paliligayahin ang bawat sandali ko.
At sa gitna ng lahat ng ito, ang pagpasok mo pala'y maging kaguluhan sa buhay ko. Pinaasa mo lang ako. Kagaya ka lang din pala ng iba. Wala kang iniba sa kanila!
Na sa buhay ko'y nagtagal lang ng pansamanta.... 😕😭😭😭















