Paghahanda sa mga Sakuna sa Komunidad
May mga bagay na hindi natin maiiwasan, sa perspektibo ng ating komunidad, ilan na rito ang mga panganib, sakuna at aksidente. Maaari itong dumating sa mga panahong hindi natin inaasahan kaya marapat lamang na paghandaan natin ito sa lalong madaling panahon. Hindi tayo mangangamba at magiging handa tayo kung bago pa ito mangyari ay napaghandaan na ito.
Ang Pampanga ay kilala sa mga iba’t ibang larangan katulad na lamang ng pagkain, parol, at mga pestibidad. Tinagurian itong “Home of the Giant Lanterns”, “Christmas Capital of the Philippines”, at higit sa lahat “Food Capital of the Philippines.” Tanyag ang lugar na ito sa maraming mga pasyalan, at sa mismong mga taong nakatira dito. Ngunit pagdating nga ba sa sakuna ay handa ito?
Nagsagawa ako ng interbyu sa opisyal ng barangay sa San Pablo 2nd Lubao Pampanga kung saan tinalakay namin ang mga sumusunod na isyu:
•Mga kalamidad na tumatama sa barangay:
Ilan sa mga pangkaraniwang nararanasan na sakuna ng barangay ay bagyo, pagbaha, at kamakailan lamang ay lindol. Matatandaan na noong nakaraang Abril ay nakaranas ng paglindol sa ating barangay.
•Iba pang panganib na nakakaapekto ng matindi sa pamayanan:
Bukod sa mga nasabing sakuna, wala pang ibang panganib na nararanasan ang barangay ngunit kung mayroon mang iba pang maranasan ay sinisikap ng mga kasapi na maging handa tayo.
•Paano nalalaman kung may parating na sakuna?
Pagdating sa bagyo, at iba pa, mayroong mga balita sa mga telebisyon, sa internet at social media kung saan malalaman natin kung kailan ito tatama at makakaapekto sa pamayanan.
•Gaano kadalas itong nangyayari?
Kagaya ng nasabi kanina, madalas maranasan ang mga bagyo at madalas ay minsan ito sa isang buwan kung tumama.
Bilang karagdagan, natalakay din ang mga lugar kung saan madalas ay napipinsala at nakakaranas ng paghihirap tuwing may kalamidad.
•Saan may pinakamatinding mapipinsala?
Mayroong mga lugar sa barangay kung saan malapit sa mga sapa, at mga tubig na kung bumagyo ay lubos na makakaranas ng pagbaha katulad ng Dam 83, Dam 84, at Sitio Acli sa ating barangay. Maaaring makaranas sila ng pagbaha kung patuloy ang pagulan sa komunidad.
•Sino sino ang pinakamaaapektuhan sa barangay?
Kagaya ng nabanggit, ang mga lugar sa Dam 83, 84, at Acli ang mga pinakamatatamaan. Kung susumahin ay nasa mahigit isang libong tao ang pinakamapipinsala sa ating lugar, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na dapat maghanda ang ibang taong nasa ibang lugar.
•Epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao sa larangan ng pangkabuhayan, serbisyong panlipunan at mga imprastruktura:
Sa ating lugar, tanyag ang pagsasaka, kung kaya matatamaan ang pag-ani kung matatamaan tayo ng mga sakuna. Sa serbisyong panlipunan ay maghahanda sa mga rescue operations at makakansela ang mga trabaho. Sa mga imprastruktura naman ay maaaring magkaroon ng iilang pinsala katulad nung Abril ay gumuho ang iilang mga pader sa barangay.
•Pinakaligtas na lugar sa Pamayanan:
Noong nakaraan ay ginawang evacuation area ang ating covered court sa tapat ng barangay hall kung saan lumikas ang mga taong binaha at natamaan ng lindol.
•Pinakadelikadong lugar kung may panganib:
Kagaya kanina, pinakamapanganib pa rin ang Dam 83, 84 at Acli na mabababang mga lugar at malapit sa mga sapa.
•Suliranin at problema na kinahaharap ng barangay sa pagunlad ng pamayanan na pumipigil sa pagbangon sa pagsalanta ng komunidad:
Siguro ay matuturing natin na problema ang limitadong pinagkukunang yaman. Kung magkaroon kung sakali ng sakuna ay kailangan ng relief goods ngunit kulang sa resources ang ating pamayanan.
Napag-usapan din ang kapasidad ng pamayanan pagdating sa Disaster Management.
•Mga paghahanda o pagiwas kung may panganib na mangyari:
Palagi naming pinaaalalahanan ang mga tao na maghanda kung sakaling may sakunang magaganap. Bukod dito ay wala pang masyadong ginagawa ang ating barangay.
•Mga nilalaman ng BDRRM Plan:
Sa ngayon ay sumasailalim sa updates ang Plan kung kaya hindi ito available at maipapakita.
•Programa, gamit, pasilidad, o kakayahan ng barangay:
Inihahanda ang mga tao sa mga rescue operations at may mga pagsasanay o seminar na pinupuntahan ang mga SK o Sangguniang Kabataan sa ating barangay upang kung sakaling magkasakuna ay kahit ang mga kabataan ay maging handa. May mga clean-up operations di na nagaganap para maiwasan ang pagbaha sa lugar.
•Mga taong namamahala sa paghahanda, pagharap at pagtugon sa kalamidad:
Hands-on ang ating Kapitan na si Danilo Dabu pagdating dito kaya ay lahat ng opisyal ng barangay ay inooriyenta pagdating sa mga sakuna at mga posibilidad na maganap sa ating pamayanan.
Ito ang ilan sa mga pasilidad ng barangay na nagiging evacuation center o lugar kung saan nagaganap ang paglikas sa panahon ng sakuna:
Ito naman ang ilan sa mga low-lying areas na madaling makaranas ng pagbaha.
Kamakailan lamang ay nagsagawa ng Color Fun Run ang Barangay kung saan ang mga nalikom na pondo ay ginamit upang magdonate ng mga school supplies sa iilang mga studyante sa barangay.