KSP.
Yung totoo? Anong kahayupan ang sumapi sa mga tao para maisip nilang gumawa ng mga lintek na mga video na sho-showcase ng walang katorya torya nilang mga sarile? Buset!
No title available

titsay

tannertan36
art blog(derogatory)

Andulka
Xuebing Du

Product Placement
Mike Driver
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Today's Document
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
One Nice Bug Per Day

roma★

No title available
YOU ARE THE REASON
No title available
Doug Jones
$LAYYYTER

gracie abrams
untitled
seen from Pakistan
seen from Canada

seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States
seen from Greece

seen from United States
seen from Saudi Arabia
seen from United States

seen from Belgium
seen from Greece
seen from Belgium
seen from United States
seen from Brazil

seen from Brazil
seen from Greece
seen from Netherlands

seen from Australia

seen from Malaysia
@utaklamutak-blog
KSP.
Yung totoo? Anong kahayupan ang sumapi sa mga tao para maisip nilang gumawa ng mga lintek na mga video na sho-showcase ng walang katorya torya nilang mga sarile? Buset!
The Religious.
Some people go to church every Sunday. • Bakit? Naiintindihan ba nila yung sinabi ng pari? Pag tinanong mo nga yang mga yan kung anong Gospel, sigurado ko 99% hindi alam isasagot nila. Pag tinanong mo kung anong naintindihan nila, baka 80% ang magsabing wala silang naintindihan.
What is the fucking point of going to church kung wala ka naman inintindi kundi damit mo, katext mo, kausap mo, katabi, o kung anu ano pang walang kinalaman sa simbahan, bibliya, etc.
Some people attend bible studies and yea, they basically read a certain verse on the bible and explain it to you. • Bakit? Are u sure ganun talaga yung meaning ng sinabi nya? Have u tried reading and thinking about the actual meaning of a certain verse?
Why do you go to a bible study and somehow try to analyze whatever’s written in there if after the bible study, puro pananarantado o kasamaan ng ugali padin ang paulit-ulit mong ginagawa sa kapwa mo etc?
People somehow tells you how they believe in God and that they really are afraid of what God can do. • Really? If that’s the case then why do you still do the shittiest things a man can do? Minsan alamo namang mali but then u still end up doing it not because hindi mo alam, but because it’s probably the easiest way or it’s just too tempting.
Wala. Nag-rant lang ako lol. Bye.
Sementeryo: bisita-patay.
I dont get the point. Why? Why do we need to go to cemeteries and visit a dead relative?
Hindi naman sa nagpapaka-heartless ako, pero from my perspective, nagre-reunion lang ang mga tao sa puntod. Nagpi-picnic, kumakain…Nag-iinom pa nga diba?
Just to be fair, alam nyo pag namatay ako, ayoko din sigurong i-celebrate yung death anniv ko. Why would you wanna celebrate or remember yung araw na nawala ako sa mundo? Just dont. Birthday ko pwede pa lol.
Pero back to visiting a dead relative on halloween…i dont get it. There probably is a reasonable explanation for it. Pero i really think it’s stupid. Kasi if u wanna try and cherish the good times you’ve had with a dead relative, dko kasi makitang eating, drinking, and chatting up about random stuff in front of your dead relative’s tomb would be a perfect way to do that.
Ayan tayo e, just because tons of people are doing it, you somehow feel you should too.
Ewan ko ba. I somehow think it’s nuts. Kasi naman kung reunion ang habol pala ng tao e why the fuck do it sa sementeryo? Nagseset pa ng time para sabay sabay sa puntod, sus para ano? Para mgkwentuhan at mag-merry merry kayo don? Kung patay lang ako, minulto ko na mga gumagawa nyan e.
28th Oct, Monday: Eleksyon
Wala akong pake. 😤
Hi all.
Ughh. It took me forever to figure out my username and password! Kaya ito, ngayon lang ako makakapag-blog. Sayang e. Andami ko pa namang naiisip na i-blog non. Haha. Subukan ko nalang sigurong alalahanin lol. Yun lang muna. Haha.
Mang Goyo: iPhone Seller
I actually meant yung panggogoyo ng mga tao when it comes to selling iPhones :)) What is it about iPhones na people are going crazy about? I mean, may options naman tayo a... • Wag bumili ng bagay na mas malaki pa kesa sahod mo • Mag-ipon na lang kung gusto talaga ng mamahaling gamit Eto tayo e, gustong gusto ng mamahaling gamit na di naman kasi kayang bilhin. Tanyo, yung mga gagong mahilig manggulang tuloy biglang naglipana. Nilagay ko sa title yung iPhone kase yun ang isa sa numero unong bet ng bayan na kung san numero uno din namang kinakasangkapan ng mga ibang tao para makapang-goyo. Kaya oo, sa iPhone ako magfo-focus. (Kasi mahirap at masyadong mapapahaba pag ni-generalize ko) "Open line na to kaya walang problema!", sabi ni Mang Goyo. • Lingid sa kaalaman mo na totoo ngang open line ang unit, pero d naman sinabi sayong locked pala yang iPhone na binebenta sayo. •• Kasi naglipana ang mga iPhones na naka-lock sa japan, uk, bahrain, singapore etc. Yung iba naman hindi maa-unlock via xsim, gevey, etc. ••• Kaya pag ganyan, ang ending mo, pang-iPod touch lang ang kapasidad ng mga locked na iPhones na yan. •••• O kung gusto mo pang gastusan at ayaw mong bitawan yang iPhone na yan, bumili ka na lang ng Gmate. Soundtrack: Locked baby, locked~♪ Ika ni Mang Goyo, "Binebenta ko sa sobrang murang halaga dahil kailangan ko lang talaga ng pera ngayon." • Pero pag tinignan mong maigi, GooglePlay pala imbis na AppStore / Android pala imbis na iOS. •• Yung totoo, madaming nagkalat na iPhone clones na mejo mahirap ma-distinguish sa tunay not unless makalkal mo talaga. ••• Yung ibang seller, honest sa ganyan e. Pero yung ibang hapit talaga na sobrang kakapal ng muka, kunwari bnabaan ang presyo ng konti kumpara sa orig iPhones, akala mong nakatipid ka, yun pala napamahal ka pa. Soundtrack: Clonelyyy, I am so clonely~♪ Si Mang Goyo nakaisip magtayo ng shop kasi nga napakadali lang "post, usap, deal" lang dba. Pero nung may sure buyer ng willing to meetup for the transaction, ayaw nya kasi "for shipping" lang daw. • Madaming scammer ngayon. Kung mamahalin lalo at libo ang halaga ng bibilhin, ipilit mong meetup nalang yan lalo kung may kalapitan lang naman. •• Minsan kasi pagkasend mo ng bayad, mawawala nalang na parang bula yung # at facebook ng nakausap mo. Berigud e. Soundtrack: Scam to me and hold me, and you will see...~♪ Yung totoo, alam naman nating madami pang ways ng panloloko si Mang Goyo. Ang problema e tinatamad nako mag-type. Hahaha. Ingat ingat nalang po tayo palage. (Imagine, naka-dalawang moral lesson pa tong post na to hahahahaha)
Angel Locsin on Showtime!
I was supposed to blog about something na sobrang hindi tungkol dito, pero dko mapigilan sarili ko sa napansin ko sa showtime haha. Ayoko ng andun si Angel Locsin hahaha. She's terrible at hosting. Yung mga pasok or timing nya sa mga sinasabi nya is super way off. Tas kung di naman ganun, ang nangyayare naman, parang absent-minded sya na late yung pasok nya sa queue. She keep messing up every single day! Ugghhh. I think she should stick to acting alone haha :))
K Brosas
Random lang, naalala ko noon nag-hurado si K sa showtime. Ang korni nya, pilit nyang nagsisingit ng feeling nyang nakakatawa. Ang ending, sya lang tumatawa at parang sinasalo lang sya ng ibang host kasi nakakahiya naman sa kanya kung walang magreak literally. Tas kanina, kaya ko lang talaga naalala, kasi may kalokalike contestant na si K ang ginagaya. No one liked her kasi OBNOXIOUS sya. If u ask me, she shouldve been given a BIG STAR. Kasi parehas na parehas sila ni K brosas na super annoying lang. Not funny anymore. (Altho there was one time na nakapanood ako ng isang concert "yata" ni K sa youtube na kumalat lang kasi sa facebook and yea, I found it funny too. Pero that was like the first and last time I laughed at her jokes, mas nananaig padin yung parteng obnoxious sya lol)
Million People March.
So I was wrong. Kasi it went peacefully. Haha. Di ko lang sure if the protest or yung goal to REALLY abolish the pork barrel is gonna go on. Kasi gaya nga ng sabe ko, a few days ago, P-Noy announced the abolition of pork barrel. Kaso nga, for some reason, people became skeptic and said na magkakaron lang ng different process or mechanism sa pagha-handle ng pork barrel. So basically, parang yung pork barrel is gonna have a different name and mechanism, pero it's gonna stay there. I have to agree with the majority when they say na mahirap magtiwala. Pero to be honest, mejo hindi ko makita yung point of protest using words lang. I mean, hello, oo mamamayan tayo at may karapatan manggalaiti sa nangyare o nangyayare. Pero how sure are we na may kwenta yung pagdadada natin about what we actually want to happen? Kasi if you ask me, everything will remain the same -- mamanipulahin parin ang halos lahat ng nasa taas (o may posisyon). Dahil sa nangyare, mas gagalingan nalang nila magtago o pagtakpan yung corruption nila. Gaya ng lagi kong sinasabi, naniniwala kong hindi na mawawala ang corruption. Pero sana kahit may corruption, ilaan padin nila karamihan ng pera sa kaayusan ng bansa. May nabasa nga ko recently, di ko maalala masyado e, pero parang sinasabi na mas maunlad pa daw ang pinas kaysa korea at parehas lang daw na matindi ang korapsyon sa kanila. Pero ang diperensya lang daw e yung mga mamamayan. Kapos daw tayong mga pinoy sa pagmamahal sa sariling bansa. Unlike them, mahal ng mga mamamayan nila ang bansa nila. So...I call bullshit. Naniniwala kong kahit madaming negatibo ang marinig mo sa bunganga ng Pinoy, mahal nila ang bansa nila. Alam nyo naman ang ugaling Pinoy -- nagger. Mahilig uminda. Pero that doesn't mean na di nila gusto ang bansa nila. Nangyare lang na maraming nawawalan ng pagasa sa Pinas dahil nga sa mga sistema at sa mga pangyayare. Kumbaga, fed up na sila. Pero I'm pretty sure na mahal nila bansa nila kasi dito sila pinanganak at lumaki. Parang relasyon lang yan. Pano mo mamahalin yung tao kung ginagago ka lang? Pero syempre kahit wala na kayo, mejo umaasa ka pa sa pagbabago nya at may concern kapa din sa kanya. So ang nangyare is pag di sya nagbago at all, dun mafe-fed up. Kung magbago naman, you will continue admire the person. Ganun lang siguro. Dedma nalang. Opinyon ko lang naman. *walk out :))
Followers.
Uy salamat sa mga nag-follow dito a. Kasi dko man lang pinost tong link na to para may mag-follow kaya mejo na-shock ako na may nagfa-follow kahit iilan lang kayo. Ultimo personal blog ko nga (na hindi ko na naa-update) ay hindi naka-follow dito. Lol. Atleast ngayon na may kaunting followers na to, nafi-feel ko somehow na may nakakabasa ng sinusulat ko (kahit walang kwenta majority ng naka-post) hahaha. Thanks po :) xoxo~♥
Basura.
Grabe a. Isisi daw ba satin kung bakit nagbabaha? Dahil daw kung san san daw tayo nagtatapon ng basura? Okay, aamin ako, minsang na-tikitan ako sa Makati sa salang "littering". Lol. Natawa talaga ko, kasi naisip ko "oh shit, kababae kong tao, natikitan ako ng littering, ibig sabihin marumi akong babae!" Hahahahaha!! XD Pero kasi ganto yan, PANO MAGTATAPON SA TAMANG LAGAYAN KUNG WALANG BASURAHAN! Sa totoo lang, hindi naman kasi ko gaga para magtapon nalang sa kung san kung may basurahan diba. Nakakabwisit kasi, may sinasabi pang "...pag walang basurahan, keep it in your bag or pockets para sa bahay mo itapon." WHUT? Kaya pala nung high school palang ako, yung bag ko puno ng mga basura ko. Nadala ko pa yun nung college ako. I ended up with a bag full of trash haha. Basurera lang ang peg lol! Damn it that's not funny! >:c Kasi naalala ko na naman yan pork barrel na yan. Pede naman magprovide ng mga basurahan sa usual na dinadaanan o nilalakaran ng mga tao diba. Bwisit kasi. Dadalhin pa sa bahay e sa dump site din naman ang bagsak nun, parang ginago ko lang sarili ko haha. Pede ba. Ayusin nyo nga! D naman magtatapon ang tao sa kung san-san lang kung may nakikita silang basurahan. Hmp! So wala lang, mejo naasar lang ako baket. Haha. Teka, may naalala pako. Dito sa street namin kasi may malaking basurahan. Bale around 7am dumadaan ang truck ng basura. Pero kasi since may malaking basurahan, minsan dun nako nagtatapon kasi alangan namang hintayin ko pa mag-7am e may basurahan naman jan sa labas ng gate. There was one time na yung bf ko andito, naisip nya ng itapon yung basura namin sa malaking basurahan sa labas. Nakita nya yung basurahan na tinutulak or dinadala ng isang old guy somewhere (siguro sa tapat ng gate nila). Tas sabi ng bf ko sa kanya "ay, tay! Patapon po :)" ngumiti pa sya. Aba akalain mo dinededma lang sya ng matanda. Wowa, simpleng basurahan pinagdadamot?! Sabe ko na naman sa sarili ko ng malaman ko yan, "pag naging bilyonarya talaga ko, tadtarin ko ng basurahan ang lahat ng kaya kong mabigyan" haha kasi bwisit. Simpleng basurahan lang may damutan pang nagagaganap. Akala mo naman kanya yun. Ugh, whutevs. Dapat ayusin yang flooding/drainage system para walang baha at magprovide ng basurahan sa bawat area para di ganyang binabaha ang kung san-san. (Sinwerte lang ata kong di kami binabaha but then, kawawa naman yung iba) Hmp.
Maring.
Na-realize ko lang...BULOK ANG DRAINAGE/FLOODING SYSTEM NG PINAS! Balang araw, di malabong lulubog ang Pinas. Haha. Exag lol Pero grabe nakakainis kasi. Constant na ulan lang, biglang ganyan na yung baha. Bwisit, muntik pa ko ma-stranded nyan kagabi. Dusa lang amp. Dapat ayusin yan! :( Minsan naiisip ko, baka naman sa sobrang lala e baka next time, constant ambon lang, bahain na tayo. Dayyyuuummm! Useful numbers: • PAGASA 433-8526 • MMDA FLOOD CONTROL 882-4177 • NDRRMC 9111406 • MERALCO 16211 • NLEX 35000 • PHIL COAST GUARD 527-6136 • BUREAU OF FIRE PROTECTION 729-5166 • PHIL NAT'L POLICE 117 • PHIL RED CROSS 911-1876
Pre: Million People March
I'm sorry, this is quite random, pero I'm filled with too much excitement and curiosity sa upcoming na pulong sa Luneta. Kasi nga, yung totoo, I don't know much about politics. Pero upon doing a lot of reading regarding the subject, I somehow end up with: Anonymous (+Citizens) vs Government (specifically those that are involved in the Pork barrel scam). I didn't really wanna talk too much about the issue kasi bukod sa parang 3/4 lang naman ang alam ko sa politics, e what can my post do? Pero siguro to cut it short, yung sakin lang, since sinabi na ni P-Noy na iaabolish na daw yung Pork barrel...I don't think corruption will end there. Kaya yung sa totoo lang, para sakin bilang mamamayan, tinatanggap ko ng hindi mawawala ang kick back ng mga taong nasa posisyon. Pero sana lang kung ki-kick back narin lang sila, sana naman kaunti lang. Kasi andaming issue na "tinitipid ang budget for a certain project" kaya ang ending e nasisira agad. If this goes on, Philippines will forever be known for its poverty at patuloy pang lulubog. I've mentioned before na wala kong pake sa politics at sa sobrang wala akong tiwala at pakelam, hindi ako botante until now. Pero sa totoo, I'm quite pleased with what P-Noy has been doing for our country kasi, ewan ko senyo pero para sakin, I can see na may progress tayo compared before. But to be completely honest with you guys, kahit ganon, I don't really trust him ng sobra (maybe because sa mga nanyayari noon). Pero siguro since corruption is our #1 problem dito, if he happens to eliminate that, I would forever root for P-Noy. I like what he's doing now and I hope he continues to impress us...or me. Haha. Grabe. No one understands how excited and interested I am on the upcoming event on Monday. I never really thought na maiinteresa ko at all tunkol dito hahaha. Pero syempre I wouldn't be there haha. Isa lang akong simpleng babae na walang magawa kundi magbasa tunkol sa mga issue over the net at nagba-blog about random stuff using my blackberry crap phone (yes, I still have this hatred over this phone I'm using) lol. Ofcourse I don't wanna be injured kunsakaling magkagulo dun hahaha. I'd probably stay tune na lang sa mga balita. I hope no one gets hurt on Monday. PS: it's raining, mejo malakas e...so, sa mga binabaha, get ready and stay safe! Ciao.
Pork Barrel.
Uy, nag-announce si P-Noy kanina na ia-abolish na daw yung Pork Barrel! ٩(-̃o-̃)۶ Hindi ko na siguro kailangang i-eksplika yung tungkol sa Pork Barrel Scam kasi it's all over the news! Pero sana, lahat maki-alam kung tungkol lang dito kasi perang pinaghirapan nating mga mamamayan ang involved dito. Kaya sana, kung clueless kayo tunkol jan, pede i-google yan. Haha. (Pasensya, tinatamad ako mag-type. Bed weather e) -_-z Cheers :)
Gilas: PUSO! PUSO!
PUSO NYO MUKA NYO! Pikon amp. Nakakaasar e. Ang cute na nga ng dating na nagkaron ng unity ang mga Pinoy kahit pano dahil jan sa FIBA na yan atsaka yung parteng parang feeling natin walang chansa but somehow made it sa 2nd place tas biglang magpapakita ng mabahong ugali against other countries pa! Hello, nakakahiya! Grabe. Yung mga ganyang eksena ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako masyadong maka-Pilipino. Ang palpak kasi ng mga ugali. Kaya tayo kinukutya ng ibang bansa e. Puro kabalastugan, pero pag kayo yung pnagsabihan, parang batang iiyak nalang. Jusko a. Asan ang puso? Ewan ko sa inyo. Mabuti nalang hindi lahat ng Pinoy ganyan. Ayoko ng ituloy pagdada ko dahil baka mapunta sa politics hahaha.
Magnum.
Naalala nyo bang sumobra lang din yung pagka-sikat ng Magnum non? Sa newsfeed ko, yung mga nakikita ko that time e mga picture ng taong my hawak na magnum, may kagat na magnum, balat ng magnum, atbp. It seems as if lahat talaga nag-try at sobrang nasarapan sa Magnum. Well, ako hindi. Hindi ako na-engganyo dahil naaalala kong plain lang sya. Di ako natatakam sa ichura nya. Kahit sa commercial, di din ako natatakam. Wala syang epekto sa pagkatao ko, to think na mahilig ako sa ice cream. Pero kaya ko sinasabi to ngayon, ay dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako talagang bumili ng Magnum, yung choco capuccino ata yung flavor. Okay lang naman. Masarap sya pero hindi naman sa puntong pakiramdam ko yan na ang pinakamasarap na ice cream sa mundo. Sakto lang.
FIBA?
Yung sa totoo lang, hindi ko alam kung sang channel ineere yun. San ba? Gusto ko din manood. Lol. Tell me. :)) PS: may cable din ako, so...san nga napapanood? Salamat.