Ako'y Wika ni: Aniceto F. Silvestre
Ako'y sino? Ako'y ano? Ako'y ilaw, diwa't damdam. Ako'y dila, mata't kamay Ng buhay ng santinakpan. Kung sa uri't yamang angkin - Ako'y bulkan, bundok, bukid, Ako'y dagat, bukal, batis. Ako'y guhit - naging ugat, Ako'y tunog - naging bigkas, Pinagyama't pinalago. . . Napabato, daho't tanso, Napapapel, pilak, ginto. Nang gamiti't kailangan: Ako'y sining, dunong, agham, Ako'y awit, batas, dasal. Ang pag-ibig, Ang pangaral ng Bathala't Sampung Utos nang itala'y Sa tunog ko naunawa At sa akin napalagda. Buhat noon, Anh pantas ma't ang mulalay Kumikilala't dumakila, Ang pangarap na paglaya'Sinasagisag, binandila. Ako'y tubig, ako'y lupa, Ako'y lahing dugong saga. . . AKO'Y WIKA.












