Its been 5 months but it still feels like yesterday. I never really get the chance to process my feelings. Ang bilis. Sobrang bilis. Parang nagising na lang ako, wala ka na. Literal na paggising ko wala ka na. Parang kasama mo ring namatay yung isang parte ng pagkatao ko.
Ang daya mo, Ma. Sabado pa yung huling pag uusap natin. Sana tumawag ako ng Linggo sayo. Sana naisip ko na bago ko pumasok nun Lunes kinausap kita. Sana bago ako natulog nun Martes naalala kong kumustahin ka. Sana nun pinaaala sakin nun boss ko yung annual check up natin nun Miyerkules, nagtext ako sayo. Medyo nag away pa tayo nun March 17 dahil sa utang ko sayo. Sana hindi na lang kita inaway 'non. Sana, nun March 18 mas kinausap kita kesa kinausap ko yung mga kaibigan ko tungkol sa naging ganap nun kasal ni Roda. Huling yakap na pala natin nun Linggo, Ma. Sana mas tinagalan ko yung yakap ko sayo, huli na pala yun.
Ma, ang hirap pala na wala ka. Mas naintindahan ko na kung bakit lagi ka nagagalit sa akin kapag puro palabas yung pera. Sana andito ka pa, Ma. Wala ako mapagsabihan nang nararamdaman ko. Wala nang nagagalit sa akin. Ang bigay ng responsibilidad ko. Pakiramdam ko mag isa ako, Ma. Hindi ko na alam if nabubuhay pa ba ako or I'm just living for others.
I just want to disappear for a while. To rest, to process everything, to let myself feel the pain of losing you, Ma. But I can't. Sina Kuya, mukhang nag move on na sila sayo, Ma. Pero ako Ma, parang kahapon lang nun iniwan mo kami.
Pag naaalala ko yung mga huling sandali mo, gusto ko magalit sa sarili ko. Kasi wala kang kasama nun, Ma. Hindi ko alam if okay ka ba nun nawala ka. Kung nahirapan ka ba. May masakit ba sayo? Mainit daw sobra nun araw na yun. Walang nakaramdam, Ma na aalis ka nun. Ikaw ba, naramdaman mo ba na iiwan mo na kami? Wala ko maalala nun araw na yun. Kailangang asikasuhin lahat. Yung utak ko parang nablangko.
Nung mga oras na yon hindi ko alam yung mararamdaman ko. Akala ko, Ma kapag nawala ka, magiging okay ako. Kasi sabi ko magiging malaya na ako sayo. Magagawa ko na yung mga gusto ko. Pero bakit ganito? Bakit sobrang sakit ng pagkawala mo, Ma. Nadudurog yung puso ko. Ilang beses kong tinangka na sumulat sayo pero hindi ko ginagawa kasi sabi ko, strong ako. Kaya ko ito. Parang nun nawala lang si Papa ito. Alam ko na yung dapat gawin, pero heto ako nagback to zero.
I feel betrayed, Ma. Ang dami pa nating pangarap. I feel like a failure. Puro lang ako salita. Wala man lang ako nagawa para sayo, Ma. I'm a mess. I hate myself. I don't know if I can forgive myself for all the things I missed. Hindi pa ako nakakabawi sayo, Ma.
Actually, Ma, hindi ko alam anong gagawin ko. Paano ko magsisimula para sa sarili ko. Gusto ko naman sana unahin yun sarili ko pero hindi ko magawa. Iniisip ko na lang, nakakatulong ako. Masaya na ako para sa iba. I guess?
I miss you so much, Ma. I miss how you always scold me even the tiniest thing. I realize that I appreciate that. But I'm too late. No amount of money can replace you. To all the opportunity I had, I just let it slip away. Sana nun naglambing ka sakin na sa Batangas na ako nagwork, sana pumayag na ako. Sana nun nagbibiruan tayo na baka any time kunin ka na ni Lord sana sineryoso kita. I wish I paid attention to all your pains and struggles.
I just wish I'm beside you that day. I wish I told you I love you more than everything. That I'm so proud that you are my mother. But you were gone. Forever. And I'm still here, hoping that this is just a dream.