Basahin mo nalang 'to 'pag nata-tae ka. O kaya kahit wag mo basahin. Hello! I just got home from my last class.... yes, NS 201. At, syet. Brief background: Ako ay nag-cross enroll sa IPEA ng isang minor course, NS 201 Biological Science, dahil ang goal ko lang naman ay maging isang reguar student kapag tumuntong ako ng 4th year BLIS. Ayoko kasing mag-take ng minor habang nagpapracticum ako kaya inuubos ko na yung mga minor na hinahabol ko. Bakit ka nag-IPEA?: Basically, dahil dun ko unang nalaman na may NS 201 course offering sila ng 2nd sem. Pangalawa, may balita kasi na light lang daw ang mga klase dun. Kung natatandaan nyo, ang kahinaan ko ay science. Ayoko nang danasin pa yung paghihirap na naranasan ko sa CRS lalo pa na minor lang naman 'tong hinahabol ko. Pangatlo, may chismis rin na masaya ang mga tao dun. At mabait. Dahil hindi naman rin ako nalalayo ang loob ng mga athlete sakin, cool naman ako sa business. (Networking pala ang raket ko, e?). Huling rason at ang pinaka walang kwenta, dahil athlete si Nathan at malaki ang chance na maging magkaklase kami. At, parang nakuha ko na yung sagot ko sa huling rason, next time nalang natin pag-usapan. Summary: Gusto ko ng "chill course" sa mundong puro "major ata ito lahat". Yay! Ano nga bang ginawa mong mga alituntunin bago ka makapg-IPEA?: Actually, madami. Simulan mo sa pag-iwas sa mga ayaw mong maging kaklase (dalawa sila, si Nikki at Nikko). Sunod sa palihim na paglalakad ng papel. Akala ko, one step ahead ako. Kaso tangina, mas excited pa pala silang isakatuparan yung plano KO. Initially, ako lang talaga yung mag-eenroll sa IPEA. Kaso, napakahusay lang, nagkabuhol-buhol ang sitwasyon hanggang sa hindi na kami (I repeat, KAMI) nakawala. Hanggang sa nauna pa si Nikko na magpa-enroll. Edi yehey. (Alam ko na hindi mo 'to mababasa, pero maraming salamat talaga Chummeelicious Orpiada sa kontribusyon na ibinigay dito. Thank you talaga, hindi ko 'to makakalimutan.) Sino ba si Nikki at Nikko?: Sila ay parehong iniluwa ng pakultad ng mga enhinyero. Sila ay mga kasama ko sa LIS, pero hindi kami "friends". Oo, kinakausap ko sila para hindi nila isipin na ayaw ko sa kanila, pero sadyang hindi lang talaga ako fan ng pagkatao nila. At, bakit ko naman sila kakausapin or lalapitan kung wala naman akong pakay? Bakit ako makikipagplastikan na samahan sila 'di ba? Hindi ako user na kakausapin lang sila kung may kailangan lang ako. Pero kung nirerequire ng pagkakataon na makipag-interact ako sa kanila, pano ko iiwasan yun? Pareho silang magaling, pa-bibo, alam nila ang lahat ng bagay at sobrang hindi sila nakakatuwa. Siguro nga ay may tinatago silang kabaitan kaso baka talagang hirap lang sila ipakita sa tao yung pagiging mapagkumbaba. May sarili akong kayabangan at ano pang ka-kupalan sa katawan pero sinusubukan kong hindi ito ipakita sa tao dahil hindi nga kasi magandang tignan yun, 'di ba? At yun na nga, sa kasamaang palad, kaklase ko sila sa IPEA. Ano ang naramdaman mo sa unang meeting ng iyong klase sa IPEA?: Hay, after two years, ngayon lang ako kinabahan ng sobra. Sa huling pagkakatanda ko, ang huling kaba na papantay sa naramdaman ko kanina ay yung huling lab practicals ko sa OT3 at 4. Yung tipong, hindi ako mapakali. Gusto kong umihi kaso kakaihi ko lang. Sobrang sakit ng puso ko sa sobrang kaba. Nanlalamig na pakiramdam. Naramdaman ko rin yung sikmura kong manlamig. Ano ang nangyari nung nakapasok ka na sa silid-aralan?: Bago ako pumasok sa klase, nagpaalam na ako sa mga moral supporter ko (Thanks mga bakla, Thalia at Bernadette) at napagdesisyunan ko naman na kahit hindi pa ako sure na kaklase ko talaga sila na hindi ako tatabi sa kanila. Nung pumasok ako sa klase, nakita ko kung saan yung pwesto nila. At ang lala kasi nasa aisle sila bago mag last row. Una sa lahat, ayokong nauupo sa aisle. At pangalawa, ayokong makatabi sila. Sumenyas pa sila na dun ako tumabi. Sorry pero umiral yung pagiging bitch ko kanina. Hindi ako tumabi sa kanila, umupo ako sa pinaka opposite nila -- dulo ng kabilang row. Tanaw ang pinto, katabi ang pader at aircon. Sa totoo lang, medyo nakukunsensya ako sa ginawa ko. Kaso, ayoko lang na buong sem ko pagsisisihan na hindi ako umupo sa pwestong malayo sa kanila at sa pwestong gusto ko talaga at kung saan ako nagfufunction. Ayokong mabingi sa mga pa-bibong o pa-cool hirit nila. Hindi ko papahirapan yung sarili ko na tiising mapuno sa mga babbling shit nila. Gusto ko ng kapayapaan kahit nasa isang kwarto ako na punong-puno ng mga taong hindi ko kilala. Mas gugustuhin ko pang maranasan ang buong proseso ng pagiging dayuhan kesa kasama ko nga yung mga ka-kilala ko kaso mapapa-tangina ka nalang sa sobrang pagsisisi. Sabi ko nga sa nanay ko, I am a strong, independent person. Hindi nila ako anak kung hindi ako matapang. Kahit tatlo lang kaming tiga-Eduk dun, 'la akong pake. Kahit na ang alat ng sitwasyon ko dahil sa combo meal. may positive side naman 'to. Una, ang cool ng prof. Sya si Papi Greshon. Siya ay mula sa kolehiyo ng agham, at assistant coach ng Taekwondo team ng UST. Sya raw ay panglaban ng Team Pilipinas sa loob ng apat na taon, tapos na rin sya mag-masteral kaya sya ay nakakapag turo na. Sabi nya, cool sya sa maraming bagay: pagkain pero wag lang maging makalat, text o maglaro ng phone, at matulog sa klase. Ayaw lang nya na mag-iingay kami. Totoo nga sa sinabi nya, chill lang sya sa mga estudyanteng gumagamit ng phones nila. Pero, hello, wala namang signal!!! Hindi naman sa wala, pero ang hirap makasagap ng signal sa kwartong yun! Ipinayo sakin ng mga nakaupo sa last row, idikit ko nalang daw sa pader yung phone ko at baka sakaling magsend yung text ko. Medyo gulat parin ako kasi sobrang hindi ko ineexpect na ang chill nila dun. Kahit anong gawin mo, okay lang. Hindi sila ganung kahigpit sa rules. Sabi naman kasi ni Papi, alam nya ang gawain ng mga athlete kasi ganun rin sya nung estudyante palang sya. Sunod nga nya na in-announce ay may 5 meetings kami na walang pasok kasi holiday daw. Hindi man sila nag-react, pero ramdam ko na pabor sa kanila yun. Ang isang pinagsisisihan ko lang na sinabi ko dun ay, ako ay estudyante ng Eduk pero galing ako sa CRS at apat na taon ako dun. Hindi ako debarred, sadyang umayaw nalang talaga ako. I repeat, HINDI AKO DEBARRED. Pero ano naman kung debarred ako 'di ba? Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nagbulakbol kaya ako bumagsak e. Pero kung nagpaka-skwater ka talaga sa pag-aaral mo at na-debar ka dahil dito, wala kang dahilan para magreklamo kung bakit kita hinuhusgahan. Balik sa usapang pinagsisisihan, wala kasi akong maisip sabihin bukod sa wala akong ineexpect dito sa course na 'to kasi lahat na ata ng pwedeng minor course ng pre-med e nakuha ko naman. Sabihin ko na sawang-sawa na ako sa mga science course? Lalong hindi naman magandang bungad yun 'di ba? Kaya yun nalang yung naisip ko. Parte naman yun ng kung bakit ako napadpad dito (Educ at IPEA) e. Pero ayos lang, kasi chill lang sila ate at kuya dun e. Hindi naman rin ako totally loner sa klase na yun kasi may kakilala naman ako dun. Nung pinarelaks kami ni Papi, tinabihan naman nya ako. Chill lang. Sabi ko naman sa inyo, malapit ang mga atleta sakin. Hindi naman ako na ngangagat. Nakakatawa nga kasi hindi niya ako kilala bilang Carla. Kilala nya ako bilang Jing. Kaya nung may nangolekta ng pambayad para sa course syllabus at hiningi yung pangalan ko, binigay ko yung given name ko (pero gusto ko nga na yung Jing yung itawag sakin kasi mas komportable ako dun e). Nakantyawan pa ako na pinapaganda pa yung pangalan ko. Aba, kung alam nya lang na ayaw kong tinatawag sa pangalan ko na yun, masyado kasing babae. Napakasexist. Tinapos ni Papi yung session namin 15 minutes before dismissal. Umalis sila. Cool. Nabawasan pa ako ng intindihin at naireserba ko pa yung enerhiya ko na dapat gagaitin ko sa pagtago at pag-iwas sa kanila. Imagine mo naman, ano pag-uusapan namin kung aantayin nila ako? Bakit ako hindi tumabi sa kanila? Bakit ako kailangang mag-explain? Sa nanay ko nga, hindi ako nage-explain e. Sa kanila pa ba? Matapos mong matunghayan ang 1SWME, anong masasabi mo? Expectations?: Hmm, mukang masaya naman sila e. Mabuti yun. Sana lang e pumasok na silang lahat at sana ON TIME. Ang dami kasing absent at late e. Hindi magandang imahe ng isang section na maraming absent o pumapasok ng late sa kanila. Lalo pa na athlete sila na may dignidad na dapat pangangalagaan kasi UST Athlete sila. Alam ko naman na posibleng may mas importante silang dapat gawin, pero sana ilagay lang nila sa lugar ang lahat ng bagay. Yun lang. Rak na itu, mga beks. Isang sem 'to na puro kalokohan at sakit ng ulo. Kaya kung ako sayo, kakapit ako nang super tight.