9-2-18
Wow. So probably 10 months na nakalipas nung huli akong nakapagpost. Hindi ako makapaniwala nasurvive ko yung 1st year Medschool. Hindi ako nakapagpost nang napakatagal, ibig sabihin nakapag adjust ako sa Medlife after 2nd bimonthly base sa huli kong post.
Pero guess who’s back! Nakapag 2nd year naman ako pero parang nagback to zero after dalawang buwang bakasyon. Isang buong buwan narin ang lumipas nung nagsimula ulit yung class pero parang nagaadjust nanaman ako sa ganitong environment.
Parang nangangapa ulit ako, naghahanap nanaman ng rason para magpatuloy. Minsan din nawawalan na din nang gana at nakakalimutan kung bakit ko nga ba ito sinimulan. Bakit nga ba?











