(via https://www.youtube.com/watch?v=DKe1rPmtPgY) I wish I could still take you out on a date :(

Product Placement
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

Origami Around
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Sade Olutola
DEAR READER
wallacepolsom
taylor price
Cosimo Galluzzi
cherry valley forever
noise dept.

ellievsbear
Today's Document

tannertan36
ojovivo
he wasn't even looking at me and he found me

Kaledo Art
NASA
Monterey Bay Aquarium
Show & Tell

seen from Australia

seen from United States
seen from Belgium
seen from Serbia
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Türkiye
seen from Switzerland
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Thailand
seen from Netherlands
@friescatmonster
(via https://www.youtube.com/watch?v=DKe1rPmtPgY) I wish I could still take you out on a date :(
This is funny :))
-----
*pic from 9gag.
To love is not to look at one another, but to look together in the same direction
The Little Prince
Is he here?!
Cosplay: Make-up trial
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Anim na araw pa lang ang nakakalipas simula nang mawala ka, pero pakiramdam ko isang taon ka nang wala. Parang ang tagal na kitang hindi nakikita. Anim na araw pa lang, malinaw na malinaw pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. Alam na alam ko pa kung paano ang sitwasyon noon. At kahit anong pilit ng mga tao sa paligid ko na pasayahin ako, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang biglaan mong pagpanaw. Gabi-gabi pa rin akong umiiyak.
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin kung paano mo kami inalagaan ni Ate. Kung paano mo ginawa ang lahat para lang maibigay ang mga kailangan namin. Naalala ko pa rin ang boses mo: kapag pinapagalitan kami, kapag pinapangaralan, kapag kumakanta, at kapag tumatawa. Hanggang ngayon, kabisado ko pa rin ang bawat detalye ng mukha mo—mata, ilong, bibig, tenga, dimples, lahat.
Naalala ko rin kung paano mo inaawat sina Ate at Mama kapag nag-aaway sila, kung paano mo kami napapatawa kapag malungkot kami, at higit sa lahat, yung mga pangarap natin. Yung mga plano namin ni Ate para sa inyo ni Mama pag-graduate namin. Pero ngayon, lahat ng iyon parang natigil. Hindi na namin makakasama si Dad. Hindi ko na naibigay sa’yo ang mga ipinangako ko, kasi wala ka na… hindi na umabot.
Anim na araw pa lang, pero ang hirap pa ring tanggapin na wala ka na. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Kanina nga, tumawag ako kay Mama at nasabi ko pa, “Ma, pa-kausap kay Dad,” tapos bigla kong naalala… wala ka na pala.
Sobrang miss na miss na kita, Dad. Kung puwede lang ibalik ang panahon—yung mga oras na naiinis pa ako kapag inuutusan mo ako. Kung puwede lang ibalik yung oras na naghihingalo ka at wala ako sa tabi mo. Kung puwede lang nandun ako, para mabantayan kita, para kung may masama nang nangyari, maagapan pa sana.
Kung hindi lang sana malayo ang ospital, kung hindi lang sana gano’n kasama ang traffic, baka nasagip ka pa. Kung umuwi lang sana ako noon, baka nakausap pa kita—kahit sa huling sandali man lang. Pero hindi.
Wala akong nagawa, Dad. Wala kahit ano. Dalawang linggo bago ka nawala yung huli nating pag-uusap, at hindi pa nga maayos ‘yung usapan na ‘yon. Ang sakit isipin. Bakit ganon, Dad? Ang bilis, ang biglaan. Ang hirap. Ang hirap tanggapin.
Miss na miss na kita, Dad. Sana naririnig mo ako. Sana nandito ka pa.
24 hours
Isang araw pa lang ang nakakalipas pero parang ang tagal tagal mo ng wala dad. Miss na miss na kita. Sa bawat paglingon ko dito sa bawat sulok ng bahay, lahat dun, may memories ka.. bawat gamit mo.. alalang alala pa din kita. Sa bawat joke mo, sa bawat pagkanta mo, sa bawat pagpapagalit mo sa amin, sa bawat paguusap natin, dad lahat alala pa namin. Dad, hanggang ngayon di ako makapaniwalang wala ka na. Sanay ako na anjan ka lang, natutulog okaya naman nanonood, nasa may kusina, kausap si mommy, dad ang hirap ng ganito, ang hirap po. Ang sakit sakit. Dad gusto kitang mayakap… miss na miss na kita. Ilang beses kita tinawag kanina pero alam kong hindi ka na makakasagot pa. Alam kong ayaw mo na mahirapan kami. Dad, hanggang ngayon, alalaang alala pa din ni ate yung nangyari kahapon.. hirap ka ng huminga, tirik na yung mata mo… umiiyak na si ate, gingising ka.. nagllock na yung bibig mo kaya nilagay na ni ate yung kamay nya para pangharang manlang antagal dumating nung tricycle… sobra na iyak ni ate… sbi nya ‘dad, wag ngayon.. pls dad..kelangan ka namin, wag po ngayon’ alam namin na ayaw mo pa din kaming iwan.. pero wala tayong magawa… wala kang magawa, nagawa mo lang ay yung huli mong iyak.. yung huling pagpatak ng iyak mo kasi lahat tayo, walang magawa.. sabi nila alam mo na daw yung mangyayari. Pero dad naiinis ako, alam ko kasi na may pag-asa pa… alam ko yun na pwede ka pang masalba. Dad, kahit sa bandang huli, kami pa din yung iniisip mo… kami pa din yung inaalala mo. Dad sobrang bait mo. Kahit na sino pang successful at mayayaman, at kung sinu-sinong sikat na tatay pa ang sabihin, dad. Ikaw para sa akin yung best. Ikaw para sa akin yung pinaka sa pinaka. Walang papantay sayo. Hindi mo kami pinabayaan, kahit kelan di mo kami iniwan kahit sobrang hirap na ng buhay natin, kahit na laging nagaaway sila ate at mommy, ikaw yung tagagitna… kung ibang tatay yun dad, susuko na yun. dad ibang iba ka sa lahat… ayaw na ayaw mong maranasn nmin yung hirap mo nung bata ka pa. Dad.. ramdam ko na mahal na mahal mo kami, na nakakainis na ako, hindi ko sure kung ramdam m ba na mahal na mahal kita.. dad huli na yung lahat para marinig mo.. hindi ko p nasasbi sayo na ‘dad, i love you’. Dad kahit na ang hirap ng buhay natin, di ka pa din sumuko, di mo nakaligtaan na tumulong sa iba.. kaya andaming gulat na gulat sa pagkamatay mo dad.. dad sobrang baet mo.
Song Title: Nakaraan Sorry namiss ko lang ang May Harmonica at INP.
Kalandian lang XD HOHOHO. Siguradong perpek ko na exam non :D
Eh kasi lumadi yung iba
HAHAHAHA! Dahil lahat ng mga tao sa apartment ay 'lumandi' (kasama ang mga jowa, or MU at nagFebFair), at kami na lang ng pinsan ko ang natira sa apartment, ayun, nag'date' na lang kami. Haha. At dahil tomguts na kami, boom! isaw at dugo ang nagustuhang kainin :))) <3 Talap talap, busog, enjoy at hindi pagod sa kakalakad sa Fair XD. :))
Habulan tayo
Klase ko sa Math 27 ng 12. Nakakatamad pumasok pero dahil mabait akong estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas, papasok ako. Late nga lang. 2 minuto na lang, 12 na. Eh on-time pa naman magturo si Gavina. Nasa jeep pa ako. Hassle, traffic pa. K. edi late. Nang nasa tapat na ng math building, pumara na ako. syempre. At nanlaki yung mata ko. Hindi dahil late na ako. Pero may nakita ako.. Yung BATMAN ko, naka all-black., Homaygadh Homaygadh. Late din siya. <3 Edi binilisan ko lakad ko para maabutan ko. Eh bigla siyang tumakbo.. </3 Napatakbo na din ako. Seryoso.
"Wait for me!". Oo. Sinabi ko yan. Syempre mahina lang. Juskopo Lord, minsan na nga lang magkasabay, mawawala pa.Pero, ang layo niya na.. wala akong nagawa kundi kunin ang selpon ko at picturan na lang ang kanyang pagtakbo papalayo sa akin </3
At, hindi ko na nga siya nakasabay, si kuya namang nasa gilid na naka maong pants, na nakakita sa akin, tinignan ako ng masama. Fuhuhu. Echosera.
Room 4 Part 2: ChalkZone
Naranasan nyo na bang kagatin ng sobrang daming langgam na gumagapang sa pader na katabi ng kama nyo? Grabe lang talaga, sobrang nakakaasar. Dahil nga katabi ng pader yung kama, kapag nawala sa isip mo dala ng pagod na puro langgam yung andoon, deds ka na sa kati at sakit. Sobrang nakakabadtrip kaya yun.
At dahil sumabog na ang pasensya namin sa mga langgam na yun kahit na ilang beses namin yung mga yun natanggalin, walisin at patayin na bumabalik pa din, gumawa na kami ng matinding operasyon. Operasyon kung pano sila papalayasin. Nagsearch kami sa internet, at yung mga resulta naman eh halos wala sa apartment. Meron lang yung suka... Edi yun na lang. Eh ayaw naman ni oben kasi hindi naman daw ako yung makakaamoy nun ng sobra >:) (sa pader malapit sa kama nya kasi yung pinakamaraming langgam na dumadaan). At dahil nagiinarte na sya... Eto na ang ginamit namin...
Room 4 Part 1: Light and Sorrow.
Kakatapos lang ng klase ko sa CMSC 130, pagkakaen, deretso uwi na. At dahil di pumasok ang gwapo kong pinsang si James (ehem) napagtripan nanaman namin ang apartment. Nahahati kasi yung apt sa 4. Dalawang kwarto, isang "sala" at isang cr. Yung unang kwarto ay yung kwarto namin ni ate. Yung Pangalawa naman ay para sa pinsan kong si Ate Pat. Yung sala, dun natutulog yung dalawang lalaki, si James at si Jwayne.
Para daw masarap ang tulog sa sala, nilagyan lang naman ni James ng effect yung bintana dun.. tinakpan ng blue cellophane( yung ginagawang pambalot sa yema ) kaya kapag sinara ang mga ilaw at pinto, ang ganda ng effect. :)) tapos pag lumipat ka sa ibang kwarto or sa labas ng apt, parang galing ka sa ibang mundo. :))
Eto :
Babysit: Eya~ :)
October 31, 2012 : Umuwi kami ng probinsya ulit... after 10 years ata? (Basta sobrang tagal na)para pumunta sa sementeryo at bisitahin ang mga puntod nina lolo at kuya. Ayun, nagstay kami sa province for 1 day at nagsama sama ulit kaming magpipinsan. Tapos nakakagulat lang, sobrang laki ng pamilya pala namin sa side ng nanay namin. Yung mga pinsan namin na iba may mga anak na. Tapos edi ayun, mga pamangkin namin... halos kasing edad lang namin. O.O wow diba? pero ayon.. at may apat akong pamangkin na na-"babysit" pa tuloy.. sobrang kulit, okay lang kung isa eh..kaso times 4 ang pwersa. Di ko kinaya. Grabe lang. Nadeds energy ko sakanila. Pero ayun, pinaka paborito ko si Eya~ :) Kyot Kyot. Lambing lambing :D. Pero kahit na sobrang kulit nila, nag-enjoy naman ako ng bonggang bongga. Bonding kung bonding :) Sana makauwi ulit kami ng Bagong Taon :)