Suriin ang Panig Upang magkaroon ng isang maayos ng pinuno at maunlad na bansa na ating inaasam. Lahat ng ito ay nagsisimula sa atin sa pamamagitan ng pagiging mapanuri at pagiging matalino sa pag boto. Isipin muna naten ang nagawa ng bawat isang politioko o mga datus na kanilang naitala habang sila ay umuupo bilang isang politiko. Kilatisin din natin ang mga natapos, nagawa o naipatupad ng mga ito tsaka lamang mamili kung sino ang iyong iboboto. Importanteng wag mag padala sa mga sabi sabi o mga kwento ng iba upang mahulog ang loob nyo sa isang politiko o siraan sya upang wag siya iboto. mag saliksik muna ng mga impormasyon na makakatulong sayo na mas maboto ang tunay na karapat dapat.
Isiping Mabuti kung ang iyong iboboto ay kaya makamit ang iyong ekspektasyon. Tignan Mabuti kung kaya nyang higitan pa ang nagawa ng lumipas na politiko. At ang pinaka importante sa lahat bomoto ng ayon sa iyong puso at isip. At wag ipasawalangbahala ang yung dignidad para sa pera. Wag mag pabayad sa iba kundi gamitin ang iyong nalalaman upang pagkakatiwalaan o piliin ang tatayo para satin.
Dahil sa huli hindi sila ang magsisisi kundi tayo. Kaya habang darating pa lamang ang eleksyon importanteng suriin Mabuti ang bawat panig. At iboto ang karapatdapat iboto. At humiling na lamang ng magandang resulta galling sa kanila. Na sana’y makapagpabago sa kumunidad natin. At makamit o mahigitan ang mga ekspektasyon ng tao sakanila na masunod ang kanilang ipinangakong adbokasiya.
ang bagsik!











