Huwag kang Pa-fall
Maraming araw at oras na tayoy’y magkasama
Noong una’y alam ko namang kaibigan lang
Hindi namalayang lumalim ang samahan
Hanggang mas lumalim ang nararamdaman
Hindi ako nagtanong, hndi ako nabahala
Gusto ko mang sabihin ang nadarama
Ako’y natatakot na baka panaginip lang
Na baka ako lang and nakakadama
Hangga’t dumalas, hangga’t lumalim
Araw at gabi ikaw ay gustong kausapin
Habang tumatagal mas lalong kang lumapit sakin
Pinakita mo ang bagay na makakapag pa-saya sakin
Walang araw na di’ tayo masayang magkapiling
Gusto mo lagi akong kasama at nakikita
Marami na ang malalalim na gabi na puro tawa
Hindi ko na alam kung eto ay tama pa nga ba
Ang saya saya ko bawat araw na kasama ka
Itinaas mo ako ng sobra sobra
Yung mga umaga at gabi na tayong dalawa lang
Yung mga espesyal na sorpresa at alaala
Akala ko totoo na, akala ko eto na
Gusto ko nang sabihin ang nadarama
Naniniwala ako eto din ang gusto mong makita
Na malaman ng mundo kung tayo na nga ba
Ngunit hindi ko alam bakit bigla kang nagbago
Yung pagitan na sobrang lapit biglang lumayo
Itinaas mo ako sa ibabaw ng mundo mo
Yung malinaw ay biglang naging malabo
Ang sakit, ang hirap, sana di’ nalang totoo
Sana noong una ako na mismo ang lumayo
Itinaas mo ako pero hindi mo ako sinalo
Alam ko nahulog na ako sayo..
Pero huli na toh. Huwag ka na sanang Pa-fall.














