It is time to take risk.
seen from Mexico

seen from Ukraine
seen from China
seen from China

seen from United States
seen from Mexico

seen from Netherlands
seen from United States
seen from T1
seen from Mexico
seen from United States
seen from China

seen from Russia

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Poland
seen from Brazil
seen from United States
It is time to take risk.
"KUMAIN KA NA BA?"
Be specific sa linyang yan. Lakas pa namang maka-fall nyan. 🤦🏻♂️
alam mo yung feeling na kelangan mong ilabas yung nararamdaman mo - yung frustration, yung hurt, yung "tangina ang sakit" na feelings mo hanggang dun sa "tangina bakit ako?" NGAYON kasi bukas ayaw mo nang sumisingit yung kirot habang nagta-trabaho ka. Iiyak at magagalit ka na ngayon para bukas hindi na gaanong kasakit. Para bukas kahit dumaan man cya sa iniisip mo sa isang biglang sandali, hindi mo na kailangang magpa-excuse para i-recollect ang composure mo kasi takte ang traydor ng pakiramdam ng nasasaktan. akala mo kasi kaya mo, akala mo wala lang - tapos biglang may magpapa-alala sa'yo. and to think, hindi naman malaking bagay yung magiging trigger - isang salita lang, isang moment, isang joke, isang bagay na sa iba wala naman meaning pero sa inyo meron.
Yung feeling na kelangan mo mag-deal with the hurt right here and right now - habang walang nakakakita, habang walang trabahong pwedeng sumagabal, habang walang "tibay" na kailangang i-maintain - kasi eto na lang yung panahon mo para masaktan. Dahil pag hindi mo ginawa ngayon, it will fuck you up in the most unexpected time tomorrow. at hindi mo afford mag-breakdown sa harap nila na walang ginawa kundi i-judge ka.
Hindi kita hahabulin - kahit gustong-gusto ko, kahit miss na miss na kita, kahit konting konti na lang isesend ko na yung message para sa'yo - kasi ikaw na ang nagsabi na lalayo ka. Dahil ayaw mo sa temptation ng isang relasyon na hindi ko kayang ibigay ngayon. alam natin pareho - napag-usapan natin yun simula pa lang - na gusto natin na nararamdaman yung saya sa isa't isa pero hindi ko kayang isabay ang ganito kalaki at kaseryosong bagay nang hindi nakakasiguradong hindi ka sasaktan, gustuhin ko man o hindi.
to be honest, i wanted us to be more. pero hindi mo deserve yung ako na tira-tira na lang ng pagod sa trabaho, yung ako na puro "baka" at malaki ang chance na sabihing "pwede bang mag-resched tayo" kasi may biglang tawag sa hospital, yung ako na baka ilang oras ang abutin bago maka-reply sa'yo, yung may pinagdadaanan din sa trabaho at hindi maka-decide kung tutuloy o tatakbo, yung ako na gustong lagi kang andito pero hindi makapagbigay ng sarili. ang selfish lang - at naiintindihan ko na mali yun. kung alam mo lang kung gano kita ka-gusto. sana alam mo din na hanggang dito lang muna talaga ako.
may konting tampo ako, alam mo ba? nung sabihin ko sa'yo na di ko kaya, sabi mo hayaan lang kita. sabi mo sasanayin mo ako. sabi mo dahan-dahan lang - dahil inamin ko na bago sa akin ang mga bagay na ganito - at hindi mo ako bibiglain. sabi mo hayaan lang kita na ipakita sa akin yung mga bagay na ganito. kaya sige, naniwala naman nga ako.
sana nagtiwala ka sa sinabi ko na hindi ko kayang manindigan sa isang relasyon ngayon. wala akong ibang gusto. pero pinaniwalaan mo yung gusto mo, yung sinabi nila. i was telling you the truth. i will tell you the truth if you ask me now. after all ng nangyari sa akin - alam mo lahat yun - sana nakita mo yung katotohanan na ang hinahanap ko ay taong kaya akong ipaglaban kahit sino man ang nakakakita. someone who stays kahit ang daming sinasabi ng iba - kasi between us malinaw naman what we are. ayoko ng issues, ayokong ginagawan ng kung anu-anong kwento ng kung sinu-sino dahil first and foremost personal na buhay 'to. and yet what it seems to be now is - kung hindi magiging tayo, pipiliin mo na lang na bitawan ako. i fucking want you to hold on to what we have - to build a friendship with me - regardless of who fucking sees or comments about it. Sabi mo lumayo ka to protect me. Baka magkaiba lang din tayo ng concept of standing up for people - you walk away para safe ako sa issues, but i'd rather fight WITH you (mala-you and me against the world. ganun kasi definition ko - if you're important enough, ilalaban kita sa harap nilang lahat hanggang kaya ko). I cannot give myself the way you want to have me, pero i had hoped na sana, sana, simulan lang natin sa ganito. We'll be solid together. Mali bang inisip kong i had a friend in you? Na kahit walang concept na "tayo" romantically, meron naman na "tayo" as friends?
o ako lang ba ang nag-iilusyon na a relationship like that can exist?
i miss you, okay? i want to be there for you sa mga pinagdadaanan mo. sana magtiwala ka na i care - and to be honest hindi ko alam na may mga sinasabi ako na pa-fall - i really do care for you. Please don't ask me to change my words or actions just because hindi mo kaya ang intensity ng pagpapahalaga ko sa'yo. I will give a damn because i like you enough to be part of my life. Pero if ang consequence ng actions ko e lalayo ka na lang para di ka ma-fall (tama ba, parang ganun yung sense ng sinabi mo e), then i will choose to understand. Pero wag mo naman akong bitawan na parang wala tayong pinagsamahan. Pareho tayong nasasaktan, hindi lang ikaw. Sabi mo andyan ka lang tapos ngayon.. asan na? Pa-fall ka din e.
Pero sige that's beside the point now. What i want to tell you is - i miss you so bad pero i understand your need for distance. this is me sincerely caring and trying to be platonic - no paasa, no intention magpa-fall. love me and what i can give if you can handle that; leave me otherwise para hindi ka na din masaktan. i need a friend right now - i thought it would be you. hindi ko hinanap yung company mo sa iba kasi walang makakapalit sa'yo. just like walang makakapalit sa version ng interactions namin kapag kami ang magkasama. there was no comparison or competition, even from the start. i just wanted new people in my life who gives me a new perspective - who pulls me from the negativity, kahit andaming bumabalot na bali-balitang puro fake naman about our relationship. i hoped you of all people would understand. pero narealize ko ang unfair pala hingin sa'yo ng role na ganun. wala namang tayo. ayaw mo din namang maniwala na walang kami.
kaya sige, let's part ways here and look at the bigger picture. may kanya-kanya tayong ganap. sana sa susunod pareho na tayong may oras, konti na lang ang problema at mas may tiwala sa isa't isa.
kung wala man ako, or kung ayaw mo pa akong makausap, sana makahanap ka ng makakaintindi at makakapag-advice ng maayos sa'yo. someone to guide, some positive company.
no regrets, sabi mo. thank you for making me feel special. i hope i made you happy with my company too. sana eventually we can re-start and find new balance. i'm here - you will see me smiling, going out, spending time with other people, posting about people and moments i enjoy and love - but i hope you know there will be days people won't see - those days only you knew about. at sana maisip mo at maniwala ka, na alinmang version ng sarili ko yun, hindi kita ginustong masaktan.
sana bukas, mas magaan na.
4-13-17 Sinabi mo sa akin kanina na kung mahuhulog man ako sigi lang magpatihulog na ako at may matagal ng naghihintay para lang saluhin ako, at may bigla kang bawi na baka may mauna pa, e may masalo pang iba. Seryoso ka ba dyan? Sa pagsabi mo nito, dito ako nawalan ng tiwala. Kung maghihintay ka hindi mo dapat kayang sumalo ng iba diba? Para akong tumama sa bato nung sinabi mo to.
Huwag kang Pa-fall
Maraming araw at oras na tayoy’y magkasama
Noong una’y alam ko namang kaibigan lang
Hindi namalayang lumalim ang samahan
Hanggang mas lumalim ang nararamdaman
Hindi ako nagtanong, hndi ako nabahala
Gusto ko mang sabihin ang nadarama
Ako’y natatakot na baka panaginip lang
Na baka ako lang and nakakadama
Hangga’t dumalas, hangga’t lumalim
Araw at gabi ikaw ay gustong kausapin
Habang tumatagal mas lalong kang lumapit sakin
Pinakita mo ang bagay na makakapag pa-saya sakin
Walang araw na di’ tayo masayang magkapiling
Gusto mo lagi akong kasama at nakikita
Marami na ang malalalim na gabi na puro tawa
Hindi ko na alam kung eto ay tama pa nga ba
Ang saya saya ko bawat araw na kasama ka
Itinaas mo ako ng sobra sobra
Yung mga umaga at gabi na tayong dalawa lang
Yung mga espesyal na sorpresa at alaala
Akala ko totoo na, akala ko eto na
Gusto ko nang sabihin ang nadarama
Naniniwala ako eto din ang gusto mong makita
Na malaman ng mundo kung tayo na nga ba
Ngunit hindi ko alam bakit bigla kang nagbago
Yung pagitan na sobrang lapit biglang lumayo
Itinaas mo ako sa ibabaw ng mundo mo
Yung malinaw ay biglang naging malabo
Ang sakit, ang hirap, sana di’ nalang totoo
Sana noong una ako na mismo ang lumayo
Itinaas mo ako pero hindi mo ako sinalo
Alam ko nahulog na ako sayo..
Pero huli na toh. Huwag ka na sanang Pa-fall.
Hindi niya raw ako papatulan, pero heto’t nagpapa fall siya sa akin. Pakshet.
Feelings, 2016
Hindi ako isang kotseng pinark mo at babalikan mo anytime you want at andun parin.
Strangers again.
Him.