Tagalog Time #1: Are, ayos naman. Ikaw ga?
Siguro tag-lish talaga kasi masyado namang challenging ang tagalog lang :)
So ano nga bang ganap? Bakit ako nagpopost? Narealize ko lang kasi, every time na may magtatanong sa’kin “Uy, kumusta?” ang palaging sagot ko “Mabuti naman” or in a more Batangenya way “Are, ayos naman. Ikaw ga?” E kelan ba tayo sumasagot ng “Hindi ako mabuti. Wala kang pakialam” Ang sagwa di ba? Naka-ugalian na siguro na kapag kinumusta ang palaging sagot e mabuti kahit hindi naman. Plastic na ba agad kapag ganon o pwedeng nag-rereserve lang ng konting privacy? Wala naman ako masyadong pinaglalaban. Minsan lang kasi sumasagot nalang ako ng mabuti para hindi na lang humaba yung usapan lalo pa at wala rin naman akong intensyong magkwento kasi gusto ko muna magmuni-muni saka ayoko muna nung may nakikisawsaw. Hindi naman siguro kasamaang ugali yon.Kapag sumagot ka kasi nang hindi mabuti e tatanungin pa kung bakit. Siguro minsan kailangan lang talaga ng space. Nakakapagod din naman kasi minsan ang buhay pero hindi ibig sabihin ng pagod e malungkot agad. Madalas kasi negative ang iniisip ng mga tao kapag narinig yung salitang pagod. Iisipin malungkot o kaya naman may pinagdadaanan. Para sa akin natural lang naman mapagod lalo na kung paulit ulit. Minsan nasa unang segundo pa lang ng pangyayari, ang masasabi mo na lang, “eto na naman” Minsan wala ka na ring energy na mag-react pa according sa nararamdaman mo kasi emotionally exhausted ka na rin. Tatahimik ka na lang para matapos na. Kapag lumipas edi salamat kung hindi pumikit ka na lang at magdasal. Para mas simple di ba?
Ikaw? Kapag tinanong ka kung kumusta ka, mabuti rin ba ang isasagot mo?











