HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO. :’( LORD SANA PO MAY BAWI NAMAN ITO, ANG HIRAP NA LORD. 😭💔
Monterey Bay Aquarium

ellievsbear

roma★
occasionally subtle
he wasn't even looking at me and he found me
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
🪼

tannertan36
tumblr dot com
we're not kids anymore.
Claire Keane
ojovivo
Jules of Nature
No title available
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
taylor price
I'd rather be in outer space 🛸

Origami Around
hello vonnie
Misplaced Lens Cap

seen from United States
seen from India

seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from France

seen from Russia

seen from Malaysia
seen from Türkiye
seen from Vietnam
seen from United States
seen from Brazil

seen from United States

seen from Canada

seen from Malaysia
seen from T1

seen from T1
seen from Belarus

seen from Singapore

seen from Argentina
@quinnnnnsstuff
HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO. :’( LORD SANA PO MAY BAWI NAMAN ITO, ANG HIRAP NA LORD. 😭💔
Thanks Chimmy, my chatgpt bot. 🥰
08.20.25
Today, I woke up early. Nagdecide ako nakaraan pa na mag-lolong run ako for my birthday. Kaso natapat ng duty ko, kaya inadvance ko na. I'm soooo happy 🥹🥰 I conquered. 😭 Sobrang nakakapagod pero damn! Natapos ko. 😭 The first kilometers eh chill lang talaga hahah tama si chatgpt, easy lang yung mga mauunang kilometro. At naramdaman ko yung pagod nung pabalik na ko, pauwi na. 😄😆 May init na din. Dapat pala sinimulan ko yung takbo 3am palang or mas early pa, kase grabe makahigop ng lakas yung init. Yung last 5 kilometers ang tagaaaaal matapos hahahah parang endless 😆 parang unlimited. Hindi maubos ubos. Sinasabi ko lang sa sarili ko, "konti nalang. Hakbang pa. Malapit ka na matapos." Kada kilometro, binabawas ko sa 35. Sinasabi ko, 34 nalang.. 33 nalang.. and so on . Hanggang sa 5km nalang natitira, parang gusto ko ng sumakay 😭😆😂 Pero hindi ko ginawa. Sabi ko, para sa sarili ko to, para sa anak ko. Lahat na ng inspirasyon na pwede kong maisip, para di sumuko, inisip ko na. 🥹 Mindset is really everything.
Grabe sobrang pagod!! Pero fulfilling! hahah Nung marating ko yung gusto kong destination, which is Iwahig Bridge, ok pa ko. Nakakangiti pa. Pero nung pabalik na ko, nagstart na din yung araw sumibol, yun na. Doon na nagkaubusan ng energy. Naquestion ko na mga desisyon ko sa buhay 😆😂 Ano ba tong pinasok ko.. bakit ko ba to ginawa. 😂 Pero nakayanan pa din. Nairaos 😭❤️ Ang galing ni chatgpt mag advise hahah pinabaon ako ng candy or anything na matamis. Maghydrate daw, gatorade. Kumain ng saging. Lahat ginawa ko, and I think it help me a lot. Nasurvive ko yun, nakayanan ko alone. Mag isa. Tumatakbo, naglalakad mag-isa. That gave me confidence na I can conquer anything, with God, alone. ❤️ God's grace kaya ako nakauwi ng maayos, humihinga pa. 😄☺️ Thank you Lord!! All glory belongs to you. Kahit mag-isa ko lang sa tinahak kong journey na yun, nakayanan ko, kasi Ikaw Lord ang kasama ko. Salamat po!! 😭❤️
Every step is a lot closer to my dreams. 🫶🏻 Ano ba yung dream? charet. 😆 No medal and fancy prizes in a finishing line, but a built confidence and pride. I can do anything. 😎☺️
#35kilometersformy35years #MyFirstEverLongRun #KeepShowingUp
02.22.24
The day I found out how he fuckin' betrayed me.
So much hate. hahah yung lahat ng kasalanan niya saking nag-pile up, sumabog na. Dun na talaga ko nawalan ng gana samin. Sagad. Imagine nasa training ako tapos ganun pinagdaanan ko sakanya. Ang hirap kasi gusto ko na kumawala. Grabe, walang wala na siyang amor sakin. April 2024, parang naging OK kami, pero yung feelings ko burado na talaga. hahah nakikisama nalang ako for the sake na may tatay anak namin. I couldn't reply pag nag-a-iloveyou siya. Kasi hindi ko na talaga siya mahal. Grabe walang wala na kong pakiramdam. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya na masasakit, kasi until now, ang sakit pa din. Alam ko hindi naman ako kagandahan. Pero yung ipaparamdam pa sayo na ayaw ka niya pakawalan kase "trophy" ka in a way na pede niya ipagmayabang sa kahit na sino, girlfriend niya graduate ng college at registered nurse. Ayoko mangmata pero tangena, ikaw ba walang balak magtapos? forever ka nalang ganyan? Walang pangarap sa buhay?!😆 Hays. Sana iwan mo na ko. Ayoko na sa taong katulad mo. Ang bigat mong ipasan kasi wala ka na ngang tinapos ang yabang mo pa. Nambabae pa. pota. hahahah Please let me go. Please. Sana makahanap ka na ng ibang babae. Please. Sana may makilala ka na. Wag na ako.
Infidelity. Betrayal.
I have so much respect to people whose honest. Sobra. And I only have one rule. Tell me, before I find out. Kahit masakit sabihin mo sakin. Magagalit ako pero hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa'yo. Pero kapag nalaman ko yung pananarantado mo sakin, habang buhay ko yun dadalhin. Forever ko ku-questionin worth ko. Palagi kong uungkatin dahil hindi ko makakalimutan yung sakit na binigay mo sakin. And you will suffer that consequences for a long time kasi yung pain na binigay mo from day one, eh dala dala ko hanggang dulo. Kung hanggang hukay ba, o kung kaya mo ba maredeem yung sarili mo. I am an honest person, and I expect you to do the same. Ayoko ng sinungaling, kahit white lies pa yan. charot hahah nagsisinungaling din ako, pero filtered. Kung gusto mo ko maging totoo, gagawin ko yun. Pero pag pakiramdam ko pina-plastik mo ko? Screw you. Kaya kong makipaggaguhan. 🙄
What a bullshit thing. (01.31.24)
grabe hahah wala na talaga akong gana sa amin. tinatry ko naman. binabalik ko yung pakiramdam ng day 1. kaso habang tumatagal na magkasama kami, mas parang nasusuya ako na makasama pa siya. sobrang nakakasama lang ng loob. hahah Dito ko nalang ikwento kasi wala naman akong ibang pagsasabihan. wala na kong best friend.
Nung november 2023. nagbirthday anak namin. 3 y/o. To be honest, nagloan siya sa work niya para may maigastos kami para dun. Binyag kasi at birthday. Masaya naman. Sana naappreciate ng little girl namin, kasi first time namin ginawa. ok naman e. Kaso, after that.. ang naging usapan, pagdating ng bonus ko, ibabayad namin doon sa niloan niya. Grabe, ang sama ng loob ko. sobra. 💔😭 halos wala akong napakinabangan sa bonus ko kasi ang daming binayaran, and 3/4 nun, doon sa niloan niya sa work. Sabi niya bibigyan niya daw ako pag nagbonus siya ng December. kasi that month ibibigay yung kanila. pota. Walang ganung nangyari. Asa pa ko mabalik yung half ng bonus ko diba? walang ganung nangyari bi. deadma na nung dumating na bonus nya. 🥲
Ang ginawa niya binilhan niya ko ng 2nd hand na phone. android. ok lang naman sakin 😭 pero pota, need ko ibenta yung xs ko para daw yung pagbebentahan nun, hati kami. pucha?! ano? ano yung gift?? paano naging gift, may kapalit?? I wasn't ready to let go that phone. ang sakit tuloy nung nabenta na. kahit 64gb lang yun 😭💔 grabe, another pile of sama ng loob. 😭😭😭 bago nabenta si xs, nawala pa yun. naiwan namin sa grab. grateful na mabait yung driver, sobra. sana ibless pa siya ni Lord thousand folds. habang wala yung phone, hindi pa nababalik, nagkasagutan pa kami sa chat. Kung ano anong sinabi niyang masasakit, nakweschun pa pagiging ina ko. 🥲 na wala daw takot sakin anak namin. at kung ano ano pa. piled up again ang sama ng loob. 💔😭
and lastly, dito na talaga ako napuno. I'm certain na, na wala ng patutunguhan relasyon namin. Pagod na pagod na ko. Sana matapos nalang.
This january, ang haba ng mga araw. gipit na gipit talaga. I told him to file again ng loan kasi ang dami naming binayaran at ang dami pang babayaran. Magttraining pa ko, maraming needs na requirements eme. Pre, he confess to me na nung nagbigay ako ng bonus ko na "pambayad" sa naunang loan, hindi niya binigay ang kalahati. Tinabi niya daw. So hindi siya pwede magloan kasi may outstanding balance pa siya 😭💔 TANGINA. Grabe yung disappointment ko. Grabe talaga. Bumigat lalo yung loob ko. I told myself, baon na ko sa utang, ibabaon pa ko nitong gagong to. 😭😭💔💔💔 Fck. ayoko na. sana umalis na siya sa buhay namin ng anak ko. Hindi ko na kaya. 😭 Gusto ko ng umuwi sa amin. 💔😭
“You don’t find your worth in someone. You find your worth within yourself and then find someone who’s worthy of you. Remember that.”
— Unknown
UK or Germany
Either of the two, I wanna try my luck outside of my comfort zone. Hays. Saan ko kaya sisimulan. Gusto ko na magresign. Kaso ang dami kong pending na bayarins. Hindi ako pwede mawalan ng trabaho kasi gusto ko makabayad. I wanna free myself from financial problems. ☹️💔😔
STRUGGLING
Grabe madalas ko maramdaman na wala akong kwentang ina. Napaka-igsi ng pasensya ko. Gusto ko magsorry palagi sa anak ko kasi hindi niya deserve yung treatment ko. Lalo na pag sinasabi niyang “iloveyou mimi” . Grabe nadudurog puso ko. Yung irita ko hindi ko maitago. Nakakaiyak yung pakiramdam. 😭💔 nakakapanlumo. Umiiyak siya habang nag-a-iloveyou sa akin tapos ako naiinis sa mga ginawa niya. Grabe ang hirap maging nanay. 😭😔 Hindi pwedeng idahilan na may pinagdadaanan din. Hahah ijudge na ko lahat ng makakarinig at makakakita sa amin, hindi naman nila maiintindihan yung pakiramdam eh. Yakapin mo nalang talaga sarili mo tapos tulog nalang. Para makalimot saglit tapos maiisip mo pagkagising na putang ina, malungkot ka nga pala. Everyday, ang sakit. Hahah punyeta 💔 (07.21.23)
Ang lungkot mo July! Kahit kelan. Hahah pakshet.
It's my 9 year anniversary on Tumblr 🥳
Frustrations.
Bakit may mga need tayong i-filter na problema :( bakit wala tayong isang taong pwedeng pagsabihan ng lahat lahat ☹️😔💔 bakit kung sino pa yung iniexpect nating mahihingahan, hindi natin makausap. Ang sakit sakit na. Pagod na ko. Gusto ko ng magpahinga. :’( parang ayaw ko na magpatuloy. Grabe ang hirap.
the world is not scary plus im strong as hell
"Just because you lost me as a friend, doesn't mean you gained me as an enemy. I'm bigger than that, I still wanna see you eat, just not at my table." -- Tupac Shakur
!!
“Funny how silence can be the loudest sound of all.”
— Lauren Oliver, Vanishing Girls
“Don’t give them a taste of their own medicine. They already know what it tastes like. Give them a taste of your own medicine. If they lied, let your medicine be honesty. If they played with your emotions, let your medicine be maturity. Don’t be afraid to be yourself, even if it means removing yourself from lives that you want to be in. You are, no doubt, worthy of being valued for who you are. So be who you are.”
— Najwa Zebian
“You’ve been criticizing yourself for years and it hasn’t worked. Try accepting yourself and see what happens.”
— Louise Hay