Gusto kong maging Nars.
Noong 3rd year High School ako, hindi ako nakaattend ng Intrams namin dahil naospital ako. Dahil dun, natalo ang section namin sa volleyball. Nalaglag kami dahil wala ako. Charot lang. Kahit naman nandun ako, malalaglag sila. Pero at least naman, after 3 days man lang ng Intrams. Okay. Naospital ako dahil may kumagat na Aeges Aegypti sa'kin. Parang hinalikan lang niya ang balat ko, kaso nanggigil yata sa fluffiness ko kaya kinagat niya ako. Ang resulta, nadengue ako. Hindi ako yung tipo ng bata na iyak ng iyak kapag may sakit. Hindi ako pabebe. Kaya kong maglakad papasok ng school kahit na nilalagnat ako. Kasi ang mindset ko, kung magsstay ako sa bahay lalo lang akong magkakasakit. Ni hindi nga ako umiinom ng gamot kapag nagkakasakit ako. Hannga't maari, tubig lang kapag sinisipon at inuubo kasi magsasawa din ang bacteria and virus sa systema ko. Sa migraine naman, itinutulog ko lang. Nung dinala ako sa Ospital, mejo masaya ako. wow!Dadalhin ako sa Ospital. Hanep! Prinsesa ako sakanilang lahat! So, nung nandun na 'ko. Nakita ko ang mga nurses at doctors. Nakakamangha. Lalo na sa E.R. dahil ang galing nilang kumilos. Fan din ako ng mga madugong pelikula kaya gustong-gusto kong nakakakita ng dugo. Nung naginsert na sila ng Iv sa'kin, hindi ako nasaktan. Nagtaka nga yung Nurse sa'kin. Ni hindi daw ako nasaktan. Ang naalala ko pa noon, gusto kong lakarin na lang papunta sa kwarto ko kaso isinakay padin ako sa wheelchair. Eh, noon paman matangkad at chubby na 'ko, nung paakyat na kami nung Aide, tumatawa kaming dalawa. sabi ko sakanya, "sabi ko na kasi sa'yo lakarin na lang natin." Hahaha. Nakakatawa. K. Maraminng nurses, at student nurse ang pumapasok sa kwarto ko noon. Kaya ako naengganyong magnurse kasi gusto ko yung ginagawa nila. Extract ng dugo sa artery ko, IVP ng gamot, kuha ng V/S, at marami pang iba. May gwapong nurse pa nga ako nun. Grabe! After 4 days, okay na ang platelet count ko. Lahat ng nasalin na dugo sa'kin ay effective! Nung sinabi nung Medtech sa'kin na okay na 'ko, sumimangot pa ako. HAHAHA. Kasi gusto ko talaga sa Ospital! Pagkauwi namin ng bahay, napag-isip ko na magnunurse ako. Gusto kong maging Nars, kasi bukod sa mataas ang sweldo kung mangingibang bansa ako ay gusto ko ding makatulong sa mga mahihirap. Lalo na sa TPH. Ngunit paano ko sila tutulungan, kung ang pamilya ko mismo ay naghihirap? Kaya nga, magpapayaman muna ako. Kasi, hindi ko sila matutulungan kung ang sarili ko mismo ay hindi ko matulungan. Akala nila madali ang nursing. Nasaktan ako nung nag-aral ako ulit tapos ang sabi ng kuya ko, "bakit kapa nagnursing?" yung tono kasi ng boses niya ay parang dinidiin niya ako pababa dahil kumukuha ako ng nursing. Minsan naman minamaliit niya ang kurso ko. Maghuhugas lang naman daw ako ng pwet kapag nakatapos ako. Hindi ko din maintindihan kung bakit hindi niya ako masuportahan sa gusto kong propesyon. Minsan, nakakabadtrip na. Kaya kinwento ko sakanya yung Nurse na pinagbantaan ang buhay dahil ipinaglalaban niya ang karapatan ng mga Pilipinong hindi kayang tustusan ang mahal na bayad sa ospital. Mangiyak-ngiyak ako nung sinabi kong, "yung iba minamaliit lang kami." Tumaas ang boses niya, "Sino'ng nagmamaliit sainyo?" Hindi niya alam na sa mga sinabi niya sa'kin nung bagong lipat ako sa TSU ang mga nagmaliit sa'kin. Simula nun, 'di ko na siya narinig na pagsabihan ako ng mga masasakit na salita. Hindi naman ako nagalit sakanya. Sumama ang loob ko, pero nirerespeto ko parin siya. Student nurse palang mahirap na. Eh paano kaya kapag totoong nurse na? Hindi pamandin ako matalino. Sakto lang. Sa Math lang ako boplaks. Lels. Buti na lang memorize ko yung D/SxQ sa drugs. Kung hindi, baka magpatiwakal na ako dahil wala akong kwenta. Hahaha! Mahirap makakuha ng uno, madalas ang mga grades ko 2.25-2.50 lang. Kaya bilib ako sa mga Alien ko na kaklase. Merong natutulog lang sila kapag discussion, pero Dean's Listers pa sila. Nakakaloka. Sana ako din ganun ang utak. Pero wala, average lang ako eh. hahaha. Sa mga gabing puyat na puyat ako kakareview dahil sa isang araw, tatlong nursing subjects agad ang exam namin, tapos meron pang return demo na kailangan memorize mo ang tatlong medical procedures para makuha mo ng straight na uno ang grades sa checklist mo. Ang grading kasi saamin, it's either passed or failed. Masaklap kapag failed, kasi babalik at babalik ka sa procedure na yun. Nakakahiya kapag ganun. Meron naman, duty namin from 7am to 4pm tapos may lectures pa from 4:30pm-7pm. Gigising ng 5am dahil hindi pwedeng malate sa duty. Kapag past 7am ka ng dumating sa Hospital or RHU, late ka na. Kapag 15mins late na, absent ka na agad. 1 late = 1 make-up duty, at 1 absent = 3 makeup duties. Mahirap. Kaya sa kurso namin, kung maganda kapa at hindi hagardo verzosa, you're doing it wrong. Dahil sa amin, sapat na ang 5hrs of sleep. Ang minimum ng tulog namin ay 2 hrs lang. Tapos ang dami pang requirements. Journals on every subject, P.E. ng patients, Charting, Drug Study, Case Analysis, Case Study, Reports, Portfolio, at lahat na ng pwedeng isingit. Nakakapagod. Sa Duty naman, one student: one room. At sa room na yun, merong 6-10 patients. Ganun ang ratio. Tapos mapangutos pa ang mga nurses na hindi naman tamad, pero marami din naman silang ginagawa. Nakakapagod. 8 hrs kang nakatayo, nagchacharting, nagaassess ng patients, gumagawa ng procedures para maayos ang mga pakiramdam nila. Tapos, akala nila ganun ganun na lang maging nurse, lalo na sa PILIPINAS! Hindi ko din maintindihan kung bakit mas mataas pa ang sahod ng nagtatrabaho sa Jollibee kaysa sa Nurse. 7,000.00php na sweldo? Bakit hindi nila pinahahalagahan ang mga nurses natin kagaya ng sa ibang bansa? Paano na lang kapag wala ng nurse? Eh ang doctor naman sisilipin lang ang pasyente ng 2 mins tapos lalayas na siya at babalik after 24 hrs. Sinong titingin sa pasyente? Alangan namang magpalit siya ng suero na siya mag-isa? IFC? Psh. Kaya maraming nurses ang lumalayas sa Pilipinas dahil dun. Tapos kung makapanglait sila ng propesyon, akala nila kung sino sila. Eh sila kaya ang humawak ng 20 patients tapos iba-iba pa ang mga sakit nila. Hindi nila alam na exposed kami sa lahat ng sakit. Hindi nila alam ang mga pinagdadaanan namin kaya wala silang karapatan na ganun ganunin kami. utot nila. Hmp. Gusto kong maging O.R. Nurse. Kasi maraming organs dun. Masaya! Malakas kasi ang sikmura ko kaya gusto ko din. Exciting. Yung mga organs, blood, nd everything! Gusto kong nakakakita ng gut. Basta, maganda dun. Yun ang pinakapaborito kong area. Gusto ko rin sa Pedia dahil nakakatuwa ang mga bata. Yung mga bata na sumusuka ng bulate. Yung mga bata na iyakin. Pero tolerable naman. Nakakagaan ng loob kapag yung batang inaalagaan mo ngayon ay magaling na kinabukasan. Kahit sino namang patients eh, pero mas gusto ko talaga ang mga bata. Lalo na yung mga iyakin. May naging patient ako dati, nalimutan ko na ang pangalan niya. Magandang bata, at mabait. Alam niya pa ang pangalan ko. Ate Denise daw, tapos binigyan niya ako ng BINGO cookies. Para daw hindi ako magutom. Ang sweet lang. Pero hindi ko tinanggap kasi bawal yun eh,kaya pinakain ko na lang sakanya. Ang sweet talaga ng mga bata. :') Marami na akong pinagdaanan. Peero itutuloy ko talaga ito. Gusto ko talagang maging Nars. Hindi lang namin kasi kami pwedeng nurse lang. Pwedeng teacher, researcher, nutritionist, pharmacist, etc. All around. Gusto ko ding maging teacher. Pagkagraduate ko, mag-iipon din ako ang kukuha ng Master of Arts in Nursing. Tapos kung pwede pa, kukuha din ako ng Teaching Methods para maging ganap na teacher na ako! Yey! Ang dami kong pangarap. Noon pangarap kong maging sikat na singer, pero nagbago ang isip ko simula nung magkaroon ako ng mga patients. Yung mga ngiti sa mukha nila kapag nagpapasalamat sila (meron pang patient sa Labor and Delivery. Eh circulating nurse lang naman ako kaya nagmomop ako sa paligid ng delivery table niya dahil nagsppplatter ang dugo niya all over the place, ang sabi niya sa'kin "Salamat, Doc." Hahaha you're welcome sabi ko na lang. Mehehe.) yung mga kwentuhan na hindi sila nagsisinungaling sa'kin na para bang matagal na kaming magkakilala, yung pagtitiwala nila. Yun pala yun. Ayokong matulad sa mga nurses na bara-bara kung kumilos. Kinasusuklaman ko ang mga taong yun. deJK. I will treat my clients better becaue they deserve the best. Sa biyaya ng Panginoong Hesus, magiging ganap at matagumpay na nurse ako! :)







