Hindi man tayo maisalba ng salitang pag ibig
Nawa'y 'di malimutan ang pagkakaibigan natin
seen from United States
seen from United States
seen from Greece
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Italy
seen from Germany

seen from Australia
seen from South Korea

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Israel

seen from United States
seen from Germany
seen from United States

seen from France
seen from United States
seen from Poland
Hindi man tayo maisalba ng salitang pag ibig
Nawa'y 'di malimutan ang pagkakaibigan natin
Our love is one-sided, but in a different and weird kind of way
Our love sometimes portrays a battlefield wherein one of us will lose which will lead us to have these unfathomable feelings and it eats both of us up in a way where we won’t be saying our “I love you’s” after a long day
Our love sometimes feels like walking into a flower field, making us feel the powerful breeze that envelops our body which makes us feel merry that our love becomes much greater than how one of us really feels
When we love, it seems that our emotions becomes much greater than what we feel. It overpowers the love that we have from each other and it makes everything weird
But our love stands still. It gets tired, but it doesn’t quit, for our love sees much greater things than what it’s facing. Our love is undeniably lasting.
Our love is one-sided, but somewhat whole. There is something that is unexplainable with what we have and how we love, but I know we’ll understand it soon.
—Ikay/MJL | 05-02-23
Sa Loob ng Ilang Minuto by | Unpublished Inkstains 🪶
Saan ako mapapadpad? buhat-buhat ng mga malalambing na alon ng dagat, mahigpit na nakayakap sa aking katawang unti-unting kumakalas. Nakalutang sa gitna o kung saan man 'to banda, nakatulala sa mga ulap na sumasayaw sa aking harapan. Paano nga ba napunta dito? Siguro nananaginip lang ako pero 'di ako sigurado.
Parang ilang taon na akong nakahiga sa piling ng karagatan, ngunit 'di nagiging balat-pasas. Pero kung sa bagay, ang mga panaginip nga nama'y parang napakatagal na panahon ang dumadaan bago ka magising sa sinag ng kinabukasan. Kung totoo nga, ayaw ko munang magising. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang simoy ng hangin, sa aking pag hinga nang malalim ay walang mga tinik na sumasabit.
'Kay tagal na, sobrang tagal na. Noong huli akong pumikit nang 'di natatakot i-mulat ang mga matang ilang taong pinag-piyestahan ng mga ipis at daga.
Ayaw ko munang umalis, pero aahon din ako. Hayaan muna ang batang mag tampisaw, sulitin ang bawat natitirang segundo bago madumihan muli ng buhangin na di maiiwasang apakan at makakasalubong din naman 'to...
Pagka-ahon na pagka-ahon.
Karamihan sa mga pilipino'y dukha
Nagdudusa't talagang kaawa-awa
Samantala ang mga mayayaman,
Ay lalong yumayaman
Mga Pilipino'y nagdudusa
Dahil korap ang namamahala.
TALI
Hindi ako masyadong hanga sa tingkad at sikat ng araw tuwing umaga. Sa nag-uunahang mga tao sa lansangan o sa mapanghatak na tawag ng nailigpit nang higaan, kung ano ba ang mas nakakayamot sa mga yan, hindi ko malaman.
Palaging ang akala nila ay nakukuha ang lahat ng saya sa pagsalubong sa liwanag, Naisip kong baka hindi pa sila sumubok na tanggapin rin ang kulay ng buhay sa takipsilim.
Walang maibabahid na lait ang maghapon sa kakayanan ng mundong magsiwalat ng reyalidad sa magdamag Kung ako ang papipiliin, sa gabi pa rin ako nakakakitang mas maliwanag.
Di hamak na mas makulay ang lahat kapag nababalot ng karimlan dahil mas kita ang kislap. Kaso ay mali palang dilim ang nagbibigay ng muwang sa mga bulag Liwanag pa rin ang aakay sa'yong paglakad. Kaya kumapit akong maigi sa dala mong sinag.
At sa kabila ng muntik nang pagkawala, sa tali natin ay buong tapang kang humawak. Iniikot ang mundo na halos walang hirap Totoo nga, walang tumapang sa dilim na hindi minsang inisip na sumuko sa liwanag.
Kaya nang minsang magmulat sa umaga, Ang alam ko'y di ako sanay sa matamis na salubong pagka bumabangon mula sa kama, Kaya hindi rin inasahang ang simpleng ngiti ay itatayo ako sa umaga na pagod pero maligaya.
Nakakagising na 'ko sa umaga dahil sa'yo. Sabik pa rin sa gabi pero walang katulad ang ganito: Pumapayapa ang bawat daanan; Umaayos ang itsura ng di pa nasisinop na higaan—dahil himbing ka. At bago ka ay hindi pa 'ko nakakita ng matatag na dahilan para lumaban. Hindi na ulit matutulog at gigising ng walang kapakanan. Nakakamangha lang kung gaano kalaki ang ang isang munting rason para maging matapang. . . . -Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
Ang Anino ni Sally
Ang gumegewang na anino sa kanto ng Salvador ay pagmamay-ari ni Sally, alas dose ng gabi. Nakatingala ang ulo habang binabaybay ang dilim, kapag nangawit na ang leeg ay ibabaling ang tingin. Sa kaliwa, may kahel na pusa. Sa kanan ay mga lasing na nakalugmok ang mukha sa lamesa. "Wala nang tao sa eskinita, pwede nang pumasok at tumira," sambit sa sarili habang dumudukot sa bulsa.
"Mama!" Napabuntong hininga. Ang gusto lamang naman niya ay magpahinga, iwasan ang problema at ang katotohanang iniwan na siya ng asawa. Ang gagong si Joel, kasama na naman ang babae niya. 'Wala talagang pagtatanda, sana pinutulan ko na lang ng ari habang mahimbing ang tulog niya.' "Mama!" Ibinalik ang hawak na pakete sa bulsa.
"Tangina, ang itsura mo, nang-gigitata!" Hinawakan ang anak sa baba para itingala, pinahid ang pisngi gamit ang laylayan ng damit na singdumi din ng kaniyang mukha. "Bakit hanggang ngayon gising ka pa?!" Galit na sambit niya, limang taon pa lamang ang bata. "Nagugutom ako, mama." Nawala sa isip niyang hindi pa naghahapunan ang mga anak niya. Sila nga pala ang dahilan ng gabi-gabi niyang paghuhubad sa bar malapit sa plaza.
Pero wala na siyang pera, ang laman lamang ng kaniyang bulsa ay apat na gramo ng puting demonyo na lalason sa kaniyang pamilya.
Si Sally at ang kaniyang anino. Parehong madilim ang mundo.
–h.c.
SUMILIP AKO
Sumilip ako sa kadiliman,
Bakit liwanag ang nagpakita?
Sumilip ako sa liwanag,
Bakit kadiliman ang naramdaman?
Sa bawat pagsang-ayon sa puso
Libo-libong tinig ang nagtutunggali
Sa bawat pagsang-ayon sa isip
Ikaw at ako lang ang nag-wagi
Kalmado ako kapag magulo,
Magulo ako kapag kalmado
Tama ako sa mali,
Mali ako sa tama
Sumilip ako muli sa liwanag,
Walang nagpakita
Sumilip ako muli sa kadiliman
Sarili ang nakita.
7.28.22
Unang liham...
my days are spent on idle fantasies of us;
of gazes eliciting a thousand explosions and subtle smiles shared in secret moments.
my nights are spent on pages inked with phrases and poems of you;
spilling incoherent words hoping they'd paint this euphoric feeling.
darling, I don't know how this love came to be.
I'm no believer in fate or astrology;
but it seems that countless stars aligned for this moment.
and in this lifetime of us —
I can say I'm glad I chose to live.
photo by Ruchie