DECEMBER 3, 2012
Three hours lang ang tulog ko. Monday kasi, sobrang traffic. Bawal yung typical 5:30 ang gising. Dapat quarter to 5. Pag labas ko ng kwarto, wala na silang lahat. Katulong na lang namin andoon. Sina mommy at daddy kasi, hinatid na si Ate Arielle sa Ateneo. Si Ate Angela, umalis na. Huhu. Higschool pa kasi ako. Naglalakad na lang ako papalabas ng subdivision. Amp. Layo nun ah.
Buti na lang, pagdating ko sa meralco, may jeep na agad na Zapote Kabila. Pag pasok ko, shocks. May gwapo. Luckily, yung bakanteng upuan, katabi niya. Edi doon ako umupo. Normal na sa akin na pagsakay pa lang, tulog na. Kaya minsan nalagpas ako o hindi ko na-fefeel na traffic. Pag-gising ko, shocks. Nakasandal na pala ulo ko sa gwapong lalaki. Omg talaga. Bumaba agad ako tapos ayokong tumingin sa kanya. Baka makita niya face ko tapos hingin pa number ko.
Lipat naman ako ng jeep na pa-Alabang. Ayoko talaga sumakay doon sa siksikan so nag-abang ako ng maluwag. Doon ko talaga gusto umupo sa bingit ng pintuan. May pumasok na lalaking college na. Umupo pa sa harap ko. Kakainis, tingin ng tingin sa akin. Ganoon na ba talaga ako kaganda? Nahuhuli ko talagang natingin saakin. Ang hirap maging maganda. Shocks.
Sakto ang dating ko sa school, pababa pa lang sila para pumila. Hoho. Yehey. First time, sa record kasi, laging may color blue sa column ko, late kasi lagi. Umagang-umaga, bad mood si Sir Jimai. Salubong na naman ang kilay. Amp. Si Miles din kasi, binabara na naman si Sir. Hay. Di na ni-respeto. Ang gara pa nung lesson. Wala akong ka-alam alam. Haha. Tinulugan ko na naman kasi yun. Nako Allysa, bababa na naman grade mo sa Eko. Nakakabuhay nung nag-balitaan si Eazel. Tae. Laughtrip. Ang saya-saya kasi ni Eggcell. Jusko. Ang winner pa ng pagsabi niya ng "Say mo, say ko, say nating lahat!" Haha. Scripted pa kasi dapat may mag-react sa balita para may Impact siya. Binigyan niya kami ng i-rereact namin. Haha.
Next subject ay Health. Si Eggcell na naman reporter! Yung grupo niya. Taray. Hindi na natapos exposure ni Eggcell. Haha. All about Land Pollution yung report tapos kasunod nun, chant all about Land Pollution. Tae. Ang winner nung tatlong guys na nag-iinarte sa gitna. Si Alexies, Gab at si Y. Ahihi. Ang nakakatuwa pa, naka-dress sila. As in, pang-babae. Kita ang legs. Tawa kami ng tawa. Beki ang peg. Eh si Papa Y, sobrang first time niya gawin yun. Nasayaw silang tatlo ng beki moves, pakendeng-kendeng. Tapos, tawa ako ng tawa kay Papa Y dahil sobrang tigas ng katawan niya. Kitang-kita sa mukha niya na pinipilit niyang igiling katawan niya. Jusko. Winner talaga! Si Gab pa, ang sexy. Bagay na bagay yung damit. Si Alexies, ang lalaki pa rin ng itsura. Si Papa Y, mukhang buntis. Haha.
After ng recess, noon lang namin nalaman na may reporting sa CLVE. Eh dapat creative ang report. Jusko, sobrang impromptu namin. Naisip namin na talkshow na lang. Since it's all about Socio-economic issues. SSSS naman ang name ng talkshow namin, "Socio-economic, say me, say you, say everybody!" Inisipan ko paano makukuha atensyon kasi nga ang boring kaya ng talkshow. Si eggcell ginawa kong host para bongga na exposure niya ngayong araw. Tapos, 'yung pagsabi ng SSS, with gesture na letter S tapos yung last S, may paltik na may swag na i-whip ang hair back and forth. Ano raw? Nevermind. Sobrang benta sa kanila. Naglagay pa kami ng hashtags para kunwari trending worldwide yung topics na yun. Naalala ko, may hashtag na #HOW. Hahaha. Parang ewan lang. Habang binabasa pa ni Eggcell yung hashtags, sobrang hingal na hingal. Lalong nagtawanan lahat. Parang mahihimatay na ewan. Jusko.
Boring noong English, biglaang graded recitation na namin. Tss. What's new? Tinatamad ako sumagot. Haha. Favoritism din naman kasi si Ma'am. Natakot kami kay Ma'am Dhalz ngayong araw na 'to. Sobrang nagalit noong nalaman na marami ang walang homework. Jusko. Doon na nga lang kasi babawi, mga hindi pa gumawa ang iba. Buti pa ako, hihi. Perfect. What is mayabang? Pinalipat lahat ng mga 65 sa harap. 'Yung mga may HW naman, sa likod. Nasa momentum na ni Ma'am ang pagiging seryoso nang biglang umutot ng palihim si Stanley. Lahat kami nagrereklamo kasi ang baho-baho. Sabi ni ma'am, "Singhutin niyo kasi nang mawala! Huwag kayo puro reklamo!" Makalipas ang limang segundo, "Ay jusko. Ang baho pala talaga." Tawanan kaming lahat! Haha. Maski 'yung pagtawa ko nag-iba sa sobrang benta nung expression ni Ma'am. Jusko. I love Ma'am Dhalz forever.
After classes, may meeting ng Metanoia at Kamalaysayan. Sa Metanoia, pagdating namin nina Claire, boom! Tapos na meeting. Naglabasan na lahat. Bastusan. Haha. Sa Kamalaysayan, nag-practice lang for Flash Mob. Hay. Nakakainis kasi paunti na kami ng paunti na nag-papraktis for Flash Mob. Eh dapat nga, sobrang dami namin para maganda tignan. Hay. Ni-effort ko pa namang magturo ng steps. Ugh, bahala sila. Pero, sana matuloy. Inaasahan 'to na isa sa mga highlights for Human Rights. Whew.
After ng Kamalaysayan, nagsagot kaming lahat ng HW sa Physics, take home quiz sa CLVE, 'yung sobrang haba ng HW sa Math at 'yung sasagutan sa Eko. Hay. Late na naman uwi ko. Inaantok ako ng bongga. What's new talaga. Nakakatuwa kasi pagbaba ko sa Meralco, nakita ko si Ate Angela. Sabay kami. Nanglimos ako piso kasi bibili ako candy. Binigyan niya ako tapos kinahihiya niya ako kasi bibili ako ng candy tapos iisang piraso lang. Bad sister.











