Kaya naman talagang tumagal ng relasyon e. Basta piliin mo yung partner mo ng paulit ulit. Kahit sukang suka ka na sa amoy ng utot nya. Ganun tatagal yun. Parehas nyong pinipili na sya pa rin everyday. Parehas nyong pinipili na mahalin yung isat isa kahit asot pusa na kayo. Yung kahit kakagising mo lang gandang ganda sya sayo kasi ikaw yung pinipili nya everyday. Yung kahit nagigising ka sa hilik nya e pinipili mo syang yakapin pa rin at kahit inaagaw na nya yung pwesto sa kama mo. I think thats one of the secret recipe in a long lasting lovelife. Syempre haluan mo ng pagiging loyal and faithful and a lot of trust and forgiveness.









