Awhile ago, I had this conversation with my mom, a conversation that I’ve been longing to have with her--me entering med school. Galing kasi akong seminar and then I told her my plans na kung wala pa ring tumanggap sa akin dito baka mag-relieve muna ako sa mga lab. It’s a good starting point naman habang nag-aantay ng maghahire sa’kin. Then she asked ulit kung ano bang mga future plans ko. Sabi ko, “Mag-iipon muna po, tapos balak ko magmed.”
I thought magagalit siya. Although she knows it’s really my dream to be a doctor since grade school pa. And she’s been really supportive. She asked, “Kaya mo ba?”
“Opo.” Sabi ko. I am emotionally prepared na for med school, tbh. Sa nakikita kong post ng friends ko na nagmemed tsaka sa mga rants nila sa akin, malamang sa malamang pagdadaanan ko rin yun. But if I can’t stop thinking about myself wearing a white coat doing the rounds and be called ‘Dra/Doc’, I should hold on to that dream, diba?
“Eh yung NMAT, kaya mo ba yun?” I nodded.
“Ikaw ba ma, gusto mo ba ‘ko magdoctor?” I asked her.
“Oo naman. Pero yang med school, buhay na ng mga tao ang usapan dyan. Sige go, magtake ka ng NMAT. Basta sigurado kang kaya ha?”
Mah heart is....aAaAaAa! Sabi ko sa kanya wag niya muna isipin yun, mag-iipon muna ako. Basta alam ko na I have their support, okay na ‘ko dun.