Guho
Hindi ako bumuo Ng pagkataas-taasang pader, Upang makita lamang itong gumuho Sa tuwing muli kang papapel. Hindi ko pilit na nilimot Ang kathang isip ng pag-ibig na totoo, Pinatibay ng mapanlinlang na kilos mo, Nang sa tuwing babalikan mo ako, Ay mananariwa't sa isipa'y manunuot. Ngunit sige na lang. Salamat. Sa kabila ng pagkasalat Sa pag-ibig na tapat. Di na mananabik sa muling paglapat Ng dampi ng tamis na sa aki'y sasapat. Hindi. Hindi. Hindi na. Bahala na ang tadhana. Ayoko nang gumawa pa ng paraan Na makamit kang muli't mahagkan. Kung ako'y iyong naisin, Kung ika'y nangungulila sa akin. Ipahayag mong totoong damdamin, At lahat ng paraan ay 'yong gawin, Upang muling tayo'y magkapiling.















