Ang Totoong Pahimakas
At sa wakas nga'y tuluyan nang isinara
Ang hindi naman na dapat binuksan pa.
Sa wakas ay iniwan na ang alaala
Na saya at lumbay, pinaikot ako't dinala.
Sa dulo'y kaya ko naman talaga.
Ang maging masaya ng mag-isa
Ng wala ka.
At sa pinakahuling sandali,
Kahit pa noo'y nagkamali,
Alam kong tama ang aking pinili,
Ang maging tapat sa 'king sarili.
At sa hinaba-haba ng pagwawakas,
Alam kong wala nang maiiwang bakas.
At kumpleto ang aking lakas
Na haharapin ang aking bukas.
Ng wala ka.
Ng mag-isa.
Ngunit kaya na.
At handa nang maging masaya.











