Dahil Gusto ko lang Sabihin 'to...
Bakit ba pakiramdam ko minamalas ako tuwing birthday ko?
Taun-taon na lang, hindi ko mabigay sa sarili ko yung gusto ko para sa birthday ko.
Worst, pinagkakait pa yun ng mga taong nakapaligid sa 'kin.
Badtrip!
Personally, hindi ko alam...
Huling KTS ko na nga lang na mapapanood ko sa buong stay ko sa La Salle,
Magkakanda leche-leche pa!
Masaklap pa, hindi ko pa napanood yung gusto kong panuoring spot.
Pinagkahintay-hintay ko pa naman kahit gabi na...
Tapos nang dahil lang sa isang tao,
Masisira ang gabi ko.
Perfect na sana eh,
Maganda na sana yung start ng birthday ko para bukas
Dahil sa mga masasayang kalokohan kanina ni Sir sa room...
Kaso biglang, boom!
Potcha! sira na'ng lahat...
Bakit ganun?!
Bakit?!
Nakakaiyak na...
Kelan ba 'ko magkakaroon ng masayang birthday???
Sana may magtanong sa 'kin ng birthday wish ko,
Tapos pag sinabi ko yung gusto ko...
Mabigay niya.
In short, kelangan ko ng genie ngayon.
Isang buwan na ata 'kong wala man lang break sa lahat ng mga pinaggagawa ko:
Sa buhay ko, sa school, at sa mga iba pang problema.
Gusto ko lang naman eh makapag-unwind ako,
Yung panandalian man lang bang makapagsaya,
Makalimot sa lahat ng mga kinaka-stress-an ko.
Pero bakit hindi pa mangyari-yari.
2 years ago, and a year before that
I didn't get my expected birthday.
Worst! sumakit pa nun damdamin ko.
Siyett! enuf of those things...
Pagkakaalam ko nakamove-on nko. haha!
Ayan, nakakatawa nko.
Honestly, masama talaga loob ko.
Lalo na sa kapatid ko.
Kundangan ba namang kung kelan malapit na yung hinihintay ko sa KTS,
Dun naman natanggalan ng turnilyo.
Nagwalk-out,
Iniwanan ako.
I do have a choice: follow her, at i-sacrifice yung gusto kong panuorin or let her, pero mag-aalala naman si mommy sa bahay.
And because I love my mom, more than anything else...
Even from myself,
I chose the one that will hurt me.
Ang sundan ang wala man lang pakialam sa 'kin na kapatid ko.
Damn! this day...
Tinakbo ko mula ULS hanggang gate 3.
And siyett talaga!
Kahit nag-che2st pain ako the other night pa,
Takbo pa din ako.
Dahil etong walang kwenta kong kapatid,
Nagmamadaling naglakad!
Kung hindi naman ako maglalakad,
Di ko siya maabutan.
At konsyensiya ko pag may ngyari sa kanyang masama.
Siyett tlga!
At first,
Sobrang sama ng loob ko.
Habang nasa jeep,
Di ko mapigilang hindi tumulo luha ko...
At gusto ko na talaga mag-nga-nga-ngawa.
Tapos pagdating ko pa dito sa bahay,
Parang ako may kasalanan kasi binungangaan pa ko ni mommy.
All I want is for her to comfort me,
Pero wala akong narining man lang.
To cut the story short,
I realize I made the right decision.
And while I'm blogging this,
Medyo nawawala na din yung sama ng loob ko sa mundo.
I'm turning 21 in just a few minutes,
And I guess I'm ready.
Coz I made the right decision.
That is, to prioritize my mom more than anyone else.
Siya na lang kasi natitira sa 'kin ngayon.
Love you, ma.
At happy birthday sa 'kin... ^____`