I will always remember...
I remember everything, at lalo n'yang pinapahirap ang lahat kasi I remember… I remember that day, noong nabagabag ako sa nararamdaman ko sa'yo, dahil lamang sa pagkakataon na hinawakan mo ako sa braso at naramdaman ko na kaya ako ng taong ito. I remember that day, noong sinabi ko na parang hindi na kita gusto at sinabi mo sa akin na parang nawalan ng hangin at napagtanto mo na hindi ka na ok kung mawawala ako sa'yo. I remember that day, noong una mong sinabi na mahal mo na ako, na isang buong linggo mong pinagisipan at inaral kung iyon na ba talaga ang nararamdaman mo. I remember those days, na sinasabi mong aabot ba tayo ng hanggang ganitong oras magkausap kung hindi ako masaya. I remember that day, noong sinabi ko sa'yo na nalungkot ako na makita kang umalis kasi alam kong madaming bagay na ang magpapasaya sa'yo bukod sa akin pero ang sabi mo, “kahit ano pa man yang sinasabi mo na magpapasaya sa akin yung OO at OO mo pa din yung iniintay ko.” I remember May 1st 2015, noong tanungin kita kung gusto mo bang maging tayo. Nagtanong ako kasi gusto ko masigurado na iyon pa din yung gusto mo, dahil ako alam ko sa sarili ko na ito na yung gusto ko. Handa na ako para dito. I remember you asked me that same moment kung hindi ba kita paghahanapan, ipapakilala ba kita na boyfriend ko. And from then on, I know, hindi kita hinanapan. And from then on, unti-unti kitang pinakilala sa mga mahahalagang tao sa buhay ko, na ngayon may isa pang bagong tao na mahalaga sa buhay ko. I remember that day, habang lumalakad tayo para bumili ng alak, noong inabot mo sa akin ang isang maliit na pulang kahon. Nasa loob nito ang isang singsing, may nakasulat na “two shall be as one, always love, always protect, always trust” I remember every day, na ipinakikita ko sa lahat yung singsing na iyon at I remember the feeling na sobrang saya every time na makikita ko yung singsing sa daliri ko. I remember the days, kapag sinasabi mo sa akin na mahal mo, mahal mo na pala talaga ako. I remember the day, noong parang nagbabago na ang lahat. I asked kung ano bang problema, bakit hindi mo na masabi na mahal mo ako? Ang sabi mo lang ay, “kailangan ko siguro ng pahinga” I let you be, i asked for an explanation but i did not demand. I remember the day, noong tanungin kita na hindi mo na ba ako mahal, ang sabi mo ay, “ayaw kitang mawala sa buhay ko” I asked kung hindi pa nagbabago iyon at sabi mo naman ay hindi. I remember the day, when I returned the ring. Nagalit ka, tinanong mo ako kung ganun ka ba talaga kasama. Na hindi mo ako binibitawan ang gusto mo lang ay pahinga. I remember the feeling, na parang napakasama kong tao dahil i gave up on something i know that i really want. I remember all those things that is why it is hard to let go. Ang lungkot isipin na sa'yo pala posible na isang umaga wala na lahat yun. Posible pala na bitawan ang lahat sa isang iglap lang. But from this day on, what i will always remember is that everything is all in the past. I will always remember that you were just a chapter in my life, and that chapter has to end so another could start. #chapterJHERMZclosed














