Magkaiba ang may pinagmamalaki sa may pinagyayabang pero ang pagmamalaki ay hindi laging tama.
AnasAbdin
todays bird
hello vonnie

Janaina Medeiros

oozey mess
Cosimo Galluzzi
$LAYYYTER

Love Begins

shark vs the universe
styofa doing anything
Claire Keane
macklin celebrini has autism
YOU ARE THE REASON
Jules of Nature

#extradirty

Kiana Khansmith

Origami Around

No title available

No title available
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
seen from United States

seen from Indonesia
seen from Türkiye

seen from Kazakhstan
seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from Uzbekistan

seen from Ecuador

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Brazil
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Germany
seen from Türkiye

seen from Brazil

seen from Italy
seen from New Zealand
@inskripsyonsamars
Magkaiba ang may pinagmamalaki sa may pinagyayabang pero ang pagmamalaki ay hindi laging tama.
Tiwala sa aking sarili at sa aking destiny...
Allied Shinobi Forces Jutsu
Here is the Allied Shinobi Forces Jutsu! The world's greatest most invicible,super-duper ninjutsu, you know! - Uzumaki Naruto (Naruto Shippuden Anime )
Kawang-gawa na di nakakasawa at lubusang nakatutuwa.
Conviction vs. Persuasion
The greatest battle is internal. The greatest war lies inside our body. The most competitive opponent is yourself. The most trusted ally is also yourself. The opposing forces comprises you. Heart fights the brain. The emotion argues with the mind. Conviction vs. Persuasion. Who will conquer? You have to decide. Think and feel.
Masaya akong nailabas ko ang isang piraso ng pagkatao ko.
Cindy, The producers (KDrama Tagalog Dubbed)
Tinatanong mo lagi sa sarili mo "kaya ko ba?" at yung pangyayari na ang kusang sumasagot.
Sa Bagong Laban
Sa panibagong laban ay nais di magpadaig, katapangan ay siyang nananaig at determinasyon ay tumitindig.
Minsan mahirap yung naghihintay ka lang ng pag-asa. Subukan mong tumayo at huwag umasa.
Mars Sanchez
Yung kahit walang kwenta ang mga bagay na pinag-uusapan niyo pero may halaga ang bawat oras magkasama kayo.
Pagtanggap sa bagong hamon gamit ng umuugong na determinasyon.
Nurture for our mother nature.
Mars Sanchez
Sa Likod ng Bantayog
Sa isang malawak na lupain siya ay tumindig,
Upang ipaglaban itong nasa pusong pumipintig.
Siya’y humarap dahil sa malasakit sa lahi,
Hindi para talikuran ang minamahal na lipi.
Doon sa Bagumbayan siya noon ay hinatulan,
Kasabay ng paghihinagpis ng ating kabihasnan.
Hindi natakot na marinig ang isisigaw na fuego,
Namatay sa kalayaang ‘di niya ikinabigo.
Noon sa likod ay binaril kaharap ang prinsipyo,
Ngayon sa likod ng bantayog niya’y may itinayo.
Tila panunudyo ng ating makabagong panahon,
Ngunit ating kasaysayan kailan man ‘di mababaon.
Tila nakatitinag ang mga pilak na istraktura,
Kaya gintong pamana’y kailan man ‘di dapat mabura.
Sa lupa kung saan adhikain niya’y ‘di pumanaw,
Sa ilalim ng bughaw na langit ay dapat matanaw.
(C) Isinulat ni Mars Sanchez, 2015
Hiling ko sa Dragonballs
Makikipagsapalaran akong hanapin sila,
Makikipaglaban ako upang makuha sila.
Pitong karagatan ay aking lalakbayin,
Pitong dragonball ay aking susuyurin.
Sapagkat ikaw ang aking sinisinta,
Pinakamamahal ko sa ating planeta.
Pagmamahal ko’y abot sa kalawakan,
Pag-ibig ang nagsisilbing kapangyarihan.
Lumipad man ako sa buong daigdig,
Lakas ng puso ang siyang mananaig.
Pitong Dragonball para sa aking hiling,
Upang ikaw ay aking makapiling.
(C) Isinulat ni Mars Sanchez, 2015
Mula Sa Ilalim
Gusto kong marinig mo ako,
Gusto kong malaman mong nandito ako.
Gusto kong lapitan mo ako,
Gusto kong maalala mo man lang ako.
Matagal na akong naghihintay,
Pag-ibig ko’y sanay bigyang buhay.
Matagal na akong umaasa,
Puso ko’y nananatiling may pag-asa.
Ang boses mo ay aking ikinasasabik,
Sapagkat ako’y matagal nang tahimik.
Ang kamay mo’y inaabangan,
Sapagkat gusto na kitang mahawakan.
Alam ko namang mahal mo ako,
Alam ko na iniisip mo rin ako.
Sigurado akong nangungulila ka,
Sigurado akong nalulungkot ka.
Matagal na akong nandito,
Ikaw pa rin ang nasa isip ko.
Matagal na akong nandito,
Ikaw pa rin ang nasa puso ko.
Naririnig mo ba ako?
Halika puntahan mo na ako.
Alam mo bang nandito ako?
Pakiusap lapitan mo na ako.
Pakiramdam ko’y puno ng takot,
Mundo ko’y tila ‘di umiikot.
Paningin ko’y balot ng dilim,
Ako’y tila bihag sa ilalim.
Noon yumanig ang lupa at langit ay tila bumagsak,
Kapaligiran ko’y tuluyang nawasak.
Nang lumindol ay gumuho aking kinatatayuan,
Ako’y napasailalim sa bingit ng kamatayan.
Sa mga araw na lumilipas,
Sa kamatayan ako’y nagpupumiglas.
Pinipilit ang manatiling buhay,
Umaasang makabangon sa pagkakaratay.
Ngunit patawad at ‘di ako nakaligtas,
‘Di na nakabalik pa dyan sa itaas.
Sana magkaroon tayo ng tulay,
Maalala mo ako habambuhay.
Sana marinig mo ako mahal,
Sana mahanap mo ako mahal.
Narito ako sa madilim na hukay,
Narito sa ilalim ang aking bangkay.
(C) Isinulat ni Mars Sanchez, 2015
Lawakan ang mga karanasan, magpatuloy lang sa pakikipagsapalaran
Mars Sanchez
Discover the world with knowledge, see the reality with wisdom.
Mars Sanchez