Miss na miss na kita. Pero hindi ko sinasabi sayo. Alam ko namang wala kang pake. Dahil kung may pake ka man, ay hindi ka magpapaka-busyhan sa kaniya. Sa tingin mo, mamimiss kita kung nasa akin lang lahat ng atensyon mo? Hindi.
1-19-16

shark vs the universe
I'd rather be in outer space 🛸
𓃗
h

gracie abrams
Cosmic Funnies

❣ Chile in a Photography ❣
No title available
hello vonnie

ellievsbear

Origami Around
Cosimo Galluzzi

Product Placement
occasionally subtle

oozey mess
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
Today's Document

roma★
taylor price
Interview Vampire Daily
seen from United States
seen from Brazil
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States

seen from Türkiye
seen from Sweden
seen from United Kingdom

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Japan

seen from United States
seen from Singapore
seen from United States
seen from Uruguay
seen from Spain
@kunwari-masaya
Miss na miss na kita. Pero hindi ko sinasabi sayo. Alam ko namang wala kang pake. Dahil kung may pake ka man, ay hindi ka magpapaka-busyhan sa kaniya. Sa tingin mo, mamimiss kita kung nasa akin lang lahat ng atensyon mo? Hindi.
1-19-16
Karamihan sa mga tao ngayon ay nagtatalaga ng mga New Year’s Resolution. At alam kong, isa ka sa mga iyon. Ngunit naisip mo ba na mas magandang mabuhay sa buhay na hindi planado? Paano kung bukas, ay makamit mo na lahat ng mga pangarap mo? Hindi ba’t spoiler ng New Year’s Resolution iyon? Dahil natapos mo na iyong bagay na dapat ay gagawin mo pa lamang sa buong taon? Mabuti pang makisabay ka na lang sa alon ng buhay dahil ikaw rin lang naman ang mahihirapan kung sakaling ang mga bagay-bagay ay nagsimula nang lumihis mula sa plano mong kahahantungan ng kuwento mo. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Ngunit hindi naman ibig-sabihin nun na ang ‘Happy Ending’ mo ay nakasalalay na rin sa kamay mo. Live life to the fullest, ika nga nila.
1 / 2 / 16
Sana, mas maaga kitang nakilala. Hindi yung ngayong malapit ka nang umalis. Kailangan pa kasi nating gumawa ng mga ala-ala na panghahawakan natin, lumipas man ang napakaraming taon.
Sinubukan kong huwag ka munang kausapin. Para kahit konti, ay malaman mo ang pakiramdam ng mabuhay na wala ako sa tabi mo. At para na rin malaman mong hindi ako laging mananatili dito para sa'yo.
Pero wala ka namang pakialam.
Mula nang iwan mo ako na naghihingalo, humihingi ng tulong, naghahanap ng makakapitan, ay nalaman kong hindi ko naman pala kailangan ng sinuman upang makabangon ulit. Bakit? Dumating ka ba noong tinawag ko ang pangalan mo?
Hindi.
Hndi man ako ang nag-iisang nakakahawak sa kamay mo, ay nagpapasalamat parin ako na naibigay sa akin ang oportunidad para mahaplos man lang ang puso mo ng hindi ka hinahagkan.
Salamat.
Kung sana ang lahat ng bagay-bagay ay tulad parin ng dati, ay hindi sana ako naghihingalo at kaawa-awang naghahanap ng kalinga na tanging ang mga kamay mo lamang ang nakapagbibigay.
Dati.
Bakit kung sino pa ang nahihirapang maging masaya, ay sila pa ang mas pinapaulanan ng mga problema? Bakit kami pang wasak na wasak na ang pinapatungan pa ng milyun-milyong pabigat sa mga balikat? Bakit hindi naman sila? Bakit hindi naman silang mga napakasaya at napakaligaya ang paharapin ng mga paghihirap na susukat sa kanilang mga ngiti?
Bakit kami pa?
Sana, hindi nalang kita nakilala. Dahil ang tanging ginawa mo lang ay ang pagpapaalam sa akin na hindi ako importante sa mundong ito. Na wala akong karapatang mahalin ng sinuman. Sino ka ba? Sino ka ba at nakayanan mong ipamukha sa akin na mas mabuti pang mawala na lang ako.
Kapag sobrang bigat na. Pwede namang bitawan muna ang problema at magpahinga. Then kapag okay na ulit, buhatin ulit at ayusin.
Rhadson (via matabangutak)
Hindi magiging magandang solusyon ang paglimot agad dito. Hanapan mo ng paraan. Hindi ng dahilan.
Para saan pang nakilala kita at para saan pang ipinaranas mo sa akin ang saya? Kung ipararanas mo rin naman sa akin ang lungkot at sakit ng iyong pagalis? Ng iyong paglisan? Ng iyong paglimot sa bawat oras na kasama mo ako?
Paglisan.
Minsan talaga, ang ibang mga bagay ay mas magandang itago nalang. Hindi naman sa walang kwenta ito para ibulgar ngunit dahil hindi mo alam kung paano.
Kunwari lang naman