akala ko makakaya ko pang ipaglaban ang aking pagmamahal,
ngunit akoy nagising sa katotohana't sa pagiging sakal,
tila bang puno't puno na ng sugat ang puso ko,
na akala ko'y nahihilom ngunit hindi pala,
puro ako akala, akalang nauwe sa MALING akala,
nagising ako sa katotohanan, daig pa ang sampal ng sampung kamay,
napagtanto ko na lamang na, teka tama na! mali na,
napagisip isip ko binigay ko lahat, pero bat masakit? nasasakatan ako Tama na!
paggising ko, gumawa ako ng desisyon na alam kong tama at alam kong mas magiging masaya ako,
magparaya, maging malaya, mahalin sarili,
magbago at etong nakikita ninyo ngayon
ng taong lumaban, nasaktan, nahirapan, nagparaya, nagmahal ng sarili
masaya ako sa aking desisyon
kasi nagbago ako at mas naging malusog ang aking puso't diwa
isa lamang ang aking natutunan
isa lang kalaban ng tao ang puso at isip
kasi sila nagbibigay desisyon sa mga plano natin sa buhay
ako'y nagpapasalamat at natutunan ko eto sa aking sarili