“Pag-ibig na di nasimulan, ngunit di rin nawakasan”
Palaging taka ‘bat ang mga mata? Ay patuloy na lumilingon sa kahapong lipas na..
Minsan ikaw sa aki’y nagpakilala. Nag alok ng pagkakaibigan na ni isa sa atin walang nag akalang ito ay lalala pa.
“Palagi k aba dito?” Tanong mo sa akin.
Sinagot ng ngiti na wariy nakikiliti.
Kinilala mo ako, pinag-aralan ang kilos ko
Inalam mo lahat ng ayaw ko at gusto
Inalagaan at pina-alalahanan mo ako
Minahal mo ako sa paraang hindi nagawa ng kahit sino.
Ngunit ako ay takot magkamali, sapagkat ikaw sa iba ay naka-tali
Sinabi mo man sa akin iiwan mo na siya, ngunit ako ay naunahan ng pangamba
Gustuhin ko mang itago ka at ipagdamot sa mundo
Hindi ako ganon.. Hindi ako ganon mahal ko.
Oo, tama ang iyong narinig.
Ikaw ay minsan ko na ring inibig.
Di ko man nasabi, di ko man napakita
Di mo alam nang ika’y nilisan, nagging mas masakit ang makitang nasaktan kita.
Alam kong huli na ang liham kong ito
Mahigit anim na taon na ang nakakalipas.. Kaytagal na rin ng ika’y iniwan ko
Ngunit kahit ganon, nais ko pa ring malaman mo..
“Pag-ibig man natin ay hindi nabigyan ng pagkakataong maumpisahan
At iyo mang inakala pag-ibig mo’y diko nasuklian
Natakot man akong ilaban ang aking pag-ibig na nararamdaman..
Kailan man ay hindi ko ito nagawang wakasan.”