Beb, One year na pala oh. one year nang walang tayo. sayang noh? Magsecelebrate sana tayo ng anivs, monthsaries etc etc ng magkasama, kaso naghanap ka nang iba. sayang noh? sabay sana nating palalakihin si Baby baste. ay oo nga pala, nanganak na ako. Nung April 01,2017 lang. cs ako nun beb. dinala ko si Sebastian saking sinampupunan ng syam na buwan na may sakit na nararamdaman. beb ang hirap. pero kinaya ko kasi andito sila mama, papa, kuya alin at lola. pamilya namin ni baste.pero wala ka. kasi di ka lang naghanap ng iba, pinagdiinan mo pa sa akin na wala kang anak. kung alam mo lang kung gano kasakit. sobrang sakit. hanggang ngayon naaalala ko parin mga binitiwan mong salita. buo sana tayo ngayon kung di ka lang kalog. naghanap kapa ng iba. pinalandakan mo pa sa lahat tapos idedeny mo pa? ano ako tanga? buntis na ako nun pero ano? naghanap ka parin ng iba.
Hindi ko alam kung mahal pa ba kita o gusto ko lang ng buong pamilya. natatakot ako na baka sa paglaki ng anak ko ay matutukso sya dahil wala syang ama. Gustohin ko man pero ang hirap. ang hirap nang magtiwala ulit. ang hirap nang magmahal ulit. nahihirapan ako dagil sa kagagohan mo.
Kung dumating man ang araw na magkita tayo, WAG! WAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN. dahil alam kong babalik at babalik lahat. sa totoo lang. gusto ko nang magmove on. magsimula ng panibagong buhay. yung klaseng buhay na hindi man lang nasagap ng isip ko ang unang letra ng pangalan mo. yung buhay na kahit mukha mo di ko na matandaan. yung buhay na tahimik at masaya na hindi umaasa na may tayo pa.
oo ako ang umalis. ako ang lumayo. ako ang nakipaghiwalay. pero ikaw ang dahilan. ugali mo ang nagpalala. mga salitang binitiwan mong hindi maburabura sa isip ko. mga panahong sinasaktan mo ako. yun ang naging basehan ko para iwan ka. pagod na ako mg adjust. pagod na akong magpakumbaba at humingi ng tawad sa mga kasalanang di ko nmn giniwa. hindi porket mahal na mahal mo kita ay may karapatan kanang gaguhin ako. I almost gave up every thing especially my family just to be with you. But i think twice, trice and another. Then I came to realize What am I doing here. Hindi namn niya ako inaalagan dito. hindi ko nga maramdaman ang pagmamahal nya. may nakita na nga syang iba. bat pa ako mag iistay?
salamat sa pamilya mo dahil pinatuloy at inalagaan nila ako jan. maraming salamat din para kay Baste. pero hindi ka na namin kailangan. my gosh! gusto ko nang mag move on. tulungan mo naman ako. puro ka pngakong napapako. pagod na akong umasa. di ko na kaya. pagod na pagod na ako sayo.