Ano'ng Meron?
Nagalaw ko lang nang di sadya ang Tumblr account ko. Binalikan kung ano ba yung mga huli kong mga nasulat. Sa pagkakatanda ko, 2022 pa yata ang huli at tungkol ito sa rant ng aking buhay. Sumunod na ay yung kwento ng madrama kong paglaban mula sa paghihiwalay at pagkabalisa.
2025 na. Ilang taon nang Facebook - YouTube - Instagram - at kung ano pa ang mga binubuksan kong mga apps sa aking cellphone. Ilang taon din ang nakalipas bago ako pumasok sa bagong relasyon. Gulat nga lang na ngayong taon, makakasama na namin ang aking anak. ANAK?
2023 at 2024 ang mala-sirkong mga taon. Makulay at masaya, pero may lungkot at balisa. Pero ano bang aral ang nakuha ko matapos ang dagok ng mga nagdaang taon? Natuto akong lumaban. Correction: Natuto KAMING lumaban.
Hindi ako nag-iisa. Kasama ng aking mahal na asawa, parang may compass akong dala at itinuturo ako sa tamang direksyon. Salamat sa pagmamahal, Leila. 😊😘











