still hurting but have to keep moving 🍃
Lint Roller? I Barely Know Her
One Nice Bug Per Day
Today's Document
AnasAbdin
noise dept.
Xuebing Du
RMH
wallacepolsom
tumblr dot com
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Mike Driver
cherry valley forever
Cosimo Galluzzi
todays bird

PR's Tumblrdome

Origami Around
trying on a metaphor
styofa doing anything
sheepfilms
I'd rather be in outer space 🛸

seen from Philippines
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Spain
seen from Canada
seen from United States
seen from Indonesia

seen from United Kingdom
seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from India
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Russia
@carlabelene
still hurting but have to keep moving 🍃
come back to me, please.
maligayang kaarawan
dahil sa hindi maibigay
ang sandaling oras
na hinihingi
nabaliwala ang lahat
ng pinagplanuhan,
at kina-stressan
ng mahigit isang linggo.
Yung tipong lahat
ng kakilala
ay pinagtanungan ko,
di pa rin naisagawa
ng ayos ang plano.
Ano pa nga ba't
sino ba naman ako?
and that's it. nobody will ever understand. i just wanna die. fucccckkkk kill meee nowwwwww
The Life of an Afraid
I stopped saying 'no'
because I am afraid
that I'll disappoint you,
I stopped getting angry
because I am afraid
that you'll end up mad too
I stopped speaking too much
because I am afraid
that I'll say something
you don't want to hear
I stopped opening up
because I am afraid
that you'll invalidate
my pain
I stopped asking for favors
because I am afraid
that you might feel being used
I stopped telling stories
because I am afraid
that you won't listen
I stopped saying sorry
because I am afraid
that you'll think I am
trying to gain sympathy
I stopped asking questions
because I am afraid
that you'll think
I am doubting you
I stopped showing
self disappointment
because I am afraid
that you'll look at me
like I'm just acting up
I stopped complimenting myself
because I am afraid
that you'll compare me to
someone better
I stopped telling my ideas
because I am afraid
that you won't trust my skills
I stopped expressing my emotions
because I am afraid
that you just don't care
I stopped being myself
because I am afraid
that you'll get tired of me
I stopped living my life
because I am afraid
that you'll leave me.
All I have to do is survive, so I can love you a little longer.
I wish I could see the reason to love myself. 🙂
I'm choosing to keep you over my whole being, but to what extent would you be willing to keep me?
To you, who can't sleep at night thinking where did you go wrong;
to you, who can't sleep at night doubting your worth;
to you, who only want acceptance and belonging, but was given the opposite;
to you, who only loves deeply but got tears in return:
you are enough. you are worth it.
not because someone made you feel worthless does it mean you really are,
only you could determine your self-worth.
most of the time, those who make us feel down are the ones who aren't worthy of our time
they know our worth, but doesn't acknowledge it.
but, if ever, someone doesn't really see our worth
it may be best to just let that someone go,
you'll never stop asking for your worth as long as you have that someone around you.
let us stick to those who are always after what's best for us
for they are the ones who really are worth keeping
we cannot choose who we can please, but we can always choose who we can keep.
Lapitan Ka
Tama na.
Ayoko na.
Di ko na gustong lumaban pa.
Paulit ulit nalang eh.
Pagod. Na. Ako.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos
Ay siya ring araw-araw na bagyo sa buhay ko.
May ginawa ba akong mali?
San ba nagkulang?
Bakit lahat sila, sinasaktan ako?
Bakit lahat sila, di ako pinapahalagahan?
Tama na.
Ayoko na.
Pagod na kong magpanggap na masaya.
Pagod na kong unahin ang iba.
Pero kahit kailan, di nila ako inuna.
Palagi nalang ako yung pangalawa.
Pwede bang sarili ko muna?
Pwede bang ako naman muna?
Ano bang pakiramdam maging una?
Tama na.
Ayoko na.
Naririnig ko nanaman ang mga boses
Boses na nagpapagulo lalo sa isip ko
Binubulungan ako na tapusin ko na
Wala na raw ako magagawa
Kundi sumuko na.
Pilit kong tinatakpan ang dalawa kong tainga
Pero bakit
Bakit lalo lumalakas ang mga boses
Sa tuwing ako'y nag-iisa
Tama na.
Ayoko na.
Pagod na ko sa ganitong senaryo.
Tatawa sa harap mo
Tutulo ang luha sa pagtalikod ko.
Napupuna bawat kilos ko
Pero walang nakakarinig
Ng mga hikbi ko.
Tama na.
Ayoko na.
Naisipan ko ng lumapit sa lubid
At kumapit sa patalim.
Ito nalang yata ang makakatapos
Sa delubyong ito.
Ito na nga lang ba,
O masyado lang madilim sa lugar ko
Kaya di ko makita
Ang dapat siyang magiging daan ko.
Tama na.
Ayoko na.
Natatakot na ako sa lugar na ito.
Pipikit nalang ako
Dahil ayokong makita ang kahihitnan ko.
Pero- pero-
Sa pagpikit ko, naliwanagan ako
Sa pagtulog ko, nagising ako
Hindi ako makaalis sa kadilimang ito
Dahil hindi ko hinahakbang ang mga paa ko
Tama na.
Tama na ang ganitong buhay.
Ayoko na.
Ayoko na manatili sa kinatatayuan ko.
Hinakbang ko ang mga paa ko
Palapit Sayo
At sa paghakbang ko,
Tinanggap Mo ako.
Tama na.
Tama nalumapit muli ako Sayo.
Ayoko na.
Ayoko nang muling lumayo Sayo.
Pinatigil mo ang mga boses sa utak ko.
Pinunasan mo ang mga luha ko.
Patawarin mo ako,
At ngayon lang ako lumapit sa Iyo.
Tama na.
Tama na ang pakikinig ko sa mga boses sa utak ko,
Di ko naman pala kailangan takpan ang mga tainga ko
Kailangan ko lang alamin kung sino ang pakikinggan ko,
Masyado akong naging malayo para marinig ang boses mo.
Ayoko na.
Ayoko nang maniwala na binabaliwala lang ako,
Di naman pala ako pangalawa,
Masyado lang akong naging bulag para makita
Na Sayo, lagi akong una.
Tama na.
Tama na ang naging desisyon ko.
Dahil sa muling paglapit ko sayo,
Naging tama na muli ang buhay ko.
Ayoko na.
Ayoko ng bumalik sa dating kinatatayuan ko.
Dahil sa muling paglapit ko sayo,
Napagtanto kong ayoko na pala lumapit sa lubid at kumapit sa patalim.
Tama na.
Tama na sa kakaisip na naging delubyo ang buhay ko,
Ako pala ang gumawa nito
Simula nung lumayo ako Sayo.
Ayoko na.
Ayoko ng isiping binabaliwala ako,
Ako nga pala ang bumaliwala Sayo,
Nung kinalumtan kong lapitan Ka.
Ang desisyon kong lapitan Ka muli,
Ang pinaka tamang desisyon ko.
Dahil ayoko na muli,
Bumalik sa buhay na wala Ka.
I always tell myself to kick you out of my life already, but everytime you knock; I always end up opening the door.
You are a depressant; I'm addicted to you.
Sadness seems epidemic, so I'll just shut my mouth up and keep my sadness from spreading.
Hi guys! Check out my new blog!!! Have been feeling stressed lately and I've decided to take life a little bit chiller. How about you, how do you deal with stress?
PISO
Nagsimula ang lahat sa piso.
Naaalala mo pa ba kung gano kita katagal kinulit
at kung gaano ka katagal nagsungit.
Sa bawat subok kong kausapin ka
ay ang siya ring pagkausap mo sa iba.
Sinisimulan ko pa nga lang ang aking kwento,
tumatalikod ka na sabay takbo.
Tuwing tayo pa nga'y magkakatinginan,
iirapan mo ko sabay tago sa likod ng iyong kaibigan.
Isang beses pa nga, di sinasadyang magdikit ang ating mga kamay,
tas dali dali kang nagspray ng alcohol na tila walang humpay.
Ang tagal rin non... tagal kong nagpakatanga... tagal mo kong tinaboy... tagal mo kong pinandirian... kaya nagdesisyon na kong tigilan ka na.
Akala ko ayon na, kala ko tapos na.
Pero hindi pa pala nagsisimula.
Naaalala mo pa? Kung saan nagsimula ang lahat.
Isang nakakapagod na araw noon.
Daming projects, bayad dito, bayad doon.
Binibilang ko ang pera ko habang naglalakad papuntang terminal.
Nalaman kong kulang ng piso ang pera ko.
Ano pa nga ba ang aking gagawin,
1 2 3 alam naman natin lahat kung ano ang ibig sabihin.
Nakasakay na ko't isa nalang sa tabi ko ang kulang.
"Bayad nalang ho ng mga wala pang bayad."
Nagkatitigan kami ng drayber.
Nanginginig.
Nagpapawis.
Di na malaman ang gagawin.
1 2 3 biglang may tumabi na sa akin
1 2 3 ako sayo'y napatingin.
Ibubuka ko palang ang aking mga labi
bigla kang dumukot sa bulsa mo sabay sabi
"Oh eto piso hanap ka kausap mo"
Ngiti ko'y umabot sa tenga.
Mga paa ko'y gusto magsilundag sa tuwa.
Oh giliw ko,
Hindi mo man kayang buoin ang buhay ko.
Kaya mo naman buoin ang pamasahe ko.
Naalala mo ba kung pano nagsimula ang lahat sa piso.
Dahil simula sa pisong iyon,
inaraw araw ko ang pakikipagusap sayo,
at ngayon, may ipon na ko.
Hindi na Muli (reverse poetry)
Magsasaya,
hindi na muling
malulungkot.
Magkasamang maglalakbay,
hindi na
magkakahiwalay.
Hahawakan ang kamay
hindi na kailanman
bibitawan.
Kasabay nito ay
ang paglaban.
Susukuan na
ang pait ng kahapon.
Babalikan
ang simula ng ating pagmamahalan.
Kalokohan
na
tayo'y magkakahiwalay.
Mahal,
hindi na kita
isusuko muli.
Pasasayahin,
hindi na muling
paiiyakin.