On fangirling and Ben&Ben
Kahit nung teenager pa ako, hindi talaga ako yung type na sobrang fangirl. I mean yes, madami akong inaadmire na bands and celebrities. I looooove Paramore and Parokya ni Edgar growing up. As in kung kaya ng time at budget, gusto ko manood ng shows and concerts nila â pero hindi ko naman pinipilit. Nakikinig lang, ganun.
Pero iba talaga tama ng Ben&Ben sakin.
Minsan nga natatawa ako kasi feeling ko ang tanda ko na para mag-fangirl ng ganito. Late twenties na ako nung super nagustuhan ko sila, tapos feeling ko yung mga kasabayan ko eh puro high school students.
Nung una, naririnig ko lang sila sa mga OST ng movies and teleseryes. Tapos nung napanood ko yung Exes Baggage, gandang-ganda talaga ako sa Maybe The Night kaya napa-research ako tungkol sa kanila. Kinig-kinig lang ganun.
Tapos one time, nagbakasyon ako dito sa Dubai and nakita ko na tutugtog pala sila sa Expo. That was in 2022. Wala lang, nanood lang kami. Binitbit ko pa ate ko kahit hindi niya sila kilala. Pero grabe, dun talaga ako na-amaze.
Sobrang galing nila mag-perform. From start to finish, hindi bumababa yung energy. Hindi sila yung tipong tatamarin sa stage â ramdam mo talaga na nage-enjoy sila and nadadala ka din. Dun na talaga nagstart na mas i-follow ko sila and yung music nila.
Out of all their shows sa UAE, naka-apat na ako (kasi wala pa ako dito nung pinaka una silang pumunta). And every time, makikita mo talaga kung gaano nila ka-value yung supporters nila.
I wish I knew about them nung nasa Pinas pa ko. Siguro mas madami akong shows nila na napuntahan. Nung tumugtog sila dito sa Coca Cola Arena, talagang sinigurado ko na makakakuha ako ng front tickets. Kahit masakit sa paa kasi ang tagal nakatayo, sulit naman kasi they really give their audience the best show.
Hindi ko pa alam yung mga online communities nila noon â I didnât even know about Discord. Kung alam ko lang sana earlier, nag-join na ako para updated ako sa mga meet and greets and hangouts nila that time. Sayang din kasi feeling ko ang dami ko pang na-miss na chances to see them up close.
Pero aside sa music nila, isa talaga sa pinaka nag-draw sakin is kung paano nila i-treat yung fans nila. Grabe sila mag-appreciate. As in makikita mo na hindi pilit. Totoo talaga.
Hindi naman nila kailangang gawin, pero nag-eeffort talaga sila mag-organize ng hangouts whenever may shows sila kahit sobrang busy ng schedule nila. Tapos sila mismo nakikipag-usap â hindi lang manager or PR. Bukod pa dun, ang active pa nila sa pagreply sa fans sa Discord, Viber, Telegram, WhatsApp â as in sila mismo.
Naalala ko nung pumunta sila dito sa Abu Dhabi for Off Limits Festival. Sobrang gahol sila sa oras kasi 3 days lang sila dito sa AUH. Same day pa ng flight nila pabalik ng Manila (tapos sa Dubai Airport pa). So understandable naman na wala talagang time for a hangout.
Pero para lang mapagbigyan yung mga AUH Liwanag, nagpost sila na anyone can come to their hotel cafe para makipag-hangout and magkape with them bago sila umalis for the airport.
Honestly, pwede naman nilang gamitin yung 2â3 hours na yun para magpahinga, lalo na late na natapos yung Off Limits the night before tapos pagod pa sila performing sa init ng UAE. Pero hindi eh, they still accommodated us.
As in hanggang sa sumakay sila ng bus pa-airport, kasama namin sila.
Nakakatuwa pa kasi talagang tine-take time nila makilala bawat isa. Nagtatanong sila tungkol sayo, sa story mo, tapos effort pa sila tandaan names ng mga tao. Nakipagkwentuhan lang sila na parang tropa. Sobrang babait talaga.
Isa pa sa pinaka inaadmire ko sa kanila is kung paano nila mahal yung bansa natin. Hindi lang sila basta musicians â they really stand for something. I really appreciated kung paano nila pinakita yung support nila kay Leni Robredo during the campaign. Ang sarap panoorin na tumutugtog sila sa rallies at talagang vocal sila sa paninindigan nila.
Mas masarap humanga sa artists kapag alam mong aligned yung morals nila sayo. Yung alam mong nasa tamang side of history sila. Hindi lang talent yung hinahangaan mo, pati values din.
Just a few weeks ago, bumalik ulit sila to perform sa Global Village, and nag-initiate na naman sila ng hangout the next day kahit free time na sana nila yun. They really make time talaga.
Hindi ako nakapunta this time, pero may mababait akong Liwanag friends na tumulong magpa-sign ng Ben&Ben tumbler ko and kumuha ng video greetings for me. Nakakatuwa pa kasi naalala pa nila ako from last year.
Deserve na deserve talaga nila kung nasan man sila ngayon. Nakaka-proud sobra kung gaano na kalayo yung narating nila.
Looking forward na makabalik ulit sila dito sa UAE soon.
Sana hindi sila magbago. đ¤ Will forever be a proud Liwanag.