Closure?
Hindi ka ba makamove-on dahil wala kayong maayos na closure? Ang sakit lang diba? Yung tipong bigla ka nalang iiwan mag-isa sa ere. Yung kahapon ang saya saya niyo pero ngayon biglang naglaho nalang ng parang bula ang lahat. Yung tipong umaasa ka na baka bukas bumalik siya at maging okay kayo. Na baka may feelings padin siya sayo. Na baka mahal ka parin niya. Pero ganon ba talaga kahirap magpaalam at di niya man lang magawa? Kahit simpleng ba-bye di niya masabi. Basta nalang nawalan ng komunikasyon at naging awkward nalang kayo. Yung gusto mo siyang kausapin, itext, tawagan, ichat.. Pero di mo magawa kasi baka maistorbo mo lang siya. Yung tipong gusto mo lang malaman yung rason kung bakit bigla nalang siya nangiwan pero hindi mo magawa. Di mo malaman kung san ka nagkamali o nagkulang. Ang hirap magmove-on ng walang rason. Napakahirap. Araw-araw mong dinarasal na sana bumalik na siya, na sana panaginip lang lahat. Gabi-gabi kang umiiyak, tinatanong sa sarili mo kung saan ka nagkamali, kung san ka nagkulang, kung paano mo maibabalik ang lahat sa dati. Pero alam mong imposible nang bumalik kayo sa dati. Closure nga hindi niya maibigay, ang bumalik pa kaya kayo sa dati maibigay niya?












