You Don’t Owe Them One.
Hindi ‘bat mas madali kung lahat tayo mayroong “study sheets” na pwedeng ibigay sa mga taong nakikilala natin. Eto ako! The quirks! The flaws! Mga bagay na I’m totally insecure about! If only may magbasa lang ng isang chapter and suddenly kilala ka na niya ng lubusan.
Gusto natin na lahat ng tao ay nakakaintidi sa atin kahit na hindi naman natin into magagarantiyang mangyayari talaga. Kaya pinapapaliwanag natin ang ating mga sarili. Ineexplain natin ang ating mga actions sa kung anong rason ang maisip natin. Kinukwento natin an gating mga karanasan noon bata pa tayo para ma pinpoint ang mga moments na posibleng naging rason kung bakit tayo ganito ngayon. Hindi naman natin maikakaila na gusto natin at sinasabi ng ating isip na DAPAT ay naiintindihan tayo ng bawat tao. Na DAPAT malaman ng iba ang rhyme and reason kung bakit natin nagagawa ang mga ganiton bagay. It’s not wrong. All of us want to explain ourselves.
But guess what, YOU DON’T OWE THE WORLD AN EXPLANATION. Hindi mo kailangan ng explanation kung pano mo narrating ang kinatatayuan mo ngayon. Hindi mo kailangan i-explain kung san patungo ang pagbabago mo. Ang purpose ng buhay mo ay hindi para magets ng isang tao (na you barely knew) ang iyong eccentricities. Ang purpose mo sa buhay ay to find love, give love, receive love, get hurt, rise above it. Sa madaling salita ang purpose mo sa buhay is to FEEL. Your purpose in life is to find your way through it.
Hindi ko naman sinasabing magsisigaw ka sa kalsada ng “HINDI KO KAILANGANG MAG-EXPLAIN SA INYO BAKIT ANG SAMA NG UGALI KO!!! LALALA!” (Of course why would you do that? Hahaha). Kailangan mo paring tandaan na hindi ka immune for consequence. Naniniwala ka man sa Diyos o wala, basta maniwala ka sa karma. And aiming to be a kind, generous human being should be on top of your list.
But you don’t owe people explanations for who you are. Maaring maubos na ang hininga mo sa kakadescribe lahat ng bagay that make you up. Bakit napapakanta ka sa kantang yan. Bakit mo gusto ang ulan. Bakit ka napapatawa sa isang walang makabuluhang advertisement sa TV. Maari mong magustuhan ang kahit anong gusto mo gustuhin. Maari mong gawin ang mga bagay na ikakasaya at ikaeenjoy mo. Why feel the need to throw in “guilty pleasure” disclaimers? Bakit ba mas pinagkakaabalahan pa nating isipin ang kung ano ang nakikita ng iba sa ating kilos at sa ating pisikal na anyo. Why aren’t we concerned with how often we are honouring our authentic selves?
Sabi nga ng sikat na quote “No man is an island.” We are not solitary creatures. Naninirahan tayo sa society, hindi lang tayo ang nabubuhay. We are all coexisting with each other. Pero hindi nila hawak ang tadhana mo. Hindi nila hawak ang blueprint ng success mo. Hindi nila hawak ang susi ng kaligayahan mo. Hindi nila hawak ang kalungkutan mo o kahit ano pa yan. Wala silang hawak sa iyo. Minsan, okay lang to take breath at sabihing,
“Eto ako. That’s okay. At hindi ko kailangan i-explain ang sarili ko.”











