Dapat kahapon ko pa iseshare 'tong kalokohan ko eh. Hahaha! So eto na nga.
Simula nung monday, pinag aaralan ko nang tantanan si Julius kahit mahirap. Ang shit ko lang kasi talaga. HAHAHA! As in, hindi ko siya kinakausap, parang hindi siya nag eexist sa mundong 'to, parang hindi ko siya kaklase, parang wala lang siya. At mukhang unit unti ko nang kinakaya :)
So nung monday, parang wala lang. Ang normal lang nung araw ko so wala akong iseshare =)) BUKOD SA PUSANG GALANG MALUPET NA PRACTICE NAMIN PARA SA SAYAW SA PE! HAHA! NAPAGOD LANG AKO PARA SA 1.75 NA GRADE!! LETSE! HAHAHA!
Nung tuesday naman, para akong sumali sa samazing race philippines! Kaloka! Paano ba naman, wala akong tulog nung monday nang gabi for some effin reason, tapos from antipolo, umuwi pa ako sa muntinlupa para kumuha nang uniform para sa susuotin sa finals sa p.e. na sayaw nga na 1.75 nga lang ang grade :((, tapos 1pm na ako umalis nang bahay para lang makapag-finals, dumating ako sa school nang saktong 3pm!! EH YUNG I.D. KO NANDUN SA KAKLASE KO NA NASA LOOB NANG SCHOOL, SYEMPRE HINDI AKO MAKAKPASOK AGAD DIBA?! LETSE!! Tumakbo pa ako sa likod ng school, dun sa gate malapit sa building namin para makuha yung i.d. ko tapos umulan pa! Ay nako po talaga po!
Nung P.E. na, worth it naman lahat nang pagod ko kasi nga 1.75 naman ang grade namin, paulit ulit. 1.75 talaga, isa pa. 1.75 nga lang :(( Malungkot man ako at 1.75 lang ay ayos na din, kesa sinko =))
Nung mag uuwian na, yung kaklase kong si Trian ay may pasurprise surprise pang nalalaman para dun sa MAHAL daw niya na si Cyrus. Syempre kasabwat ako, kaya nag effort na din ako kahit papaano.
Habang nagkakakiligan na sila dun sa building namin ay inatake ako nang kabaliwan ko, as in sobraa! Paano ba naman? pito kaming magkakasama tapos ako lang walang partner? Ay aba'y :( SO ayun na nga, nabaliw na ako!! Halo halong gutom, antok, pagod tapos gutom ulit at lungkot yung nararamdaman ko.
Sa sobrang baliw ko ay habang nag lalakad kami papuntang SM manila ay inaambahan ko nang suntok lahat nang humaharang sa daan ko, syempre dapat nakatalikod lang =))) Tapos kapag may bumubusinang sasakyan aambahan ko din nang suntok tapos hinahamon ko nang sapakan yung kotse, yung kotse mismo!
BUONG ARAW AKONG GANON! LAHAT NA NANG KAABNORMALAN GINAWA KO!!! HANGGANG KANINA!
LAHAT NANG HUMAWAK SAKIN, KAHIT KALMADO PA MASASAPAK KO TALAGA! HAHAHAHAHAH! Okay. share. Ang hyper ko eh. :3