Ma dovraga i ti
I ova ljubav
Koja nam razara dušu.
I dovraga sve
I ceo svet
Kada ja svoj ne mogu
Da držim za ruku.
~Astrid
seen from Germany
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States

seen from United States
seen from Thailand
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Russia
seen from Mexico
seen from China
seen from Netherlands
seen from China
seen from China
Ma dovraga i ti
I ova ljubav
Koja nam razara dušu.
I dovraga sve
I ceo svet
Kada ja svoj ne mogu
Da držim za ruku.
~Astrid
-- ᴍʏ OTP ᴘᴏsᴛ.
Beautiful 🖤
What are everyone's personal feelings on hugs?
Letter to him... 💔
Alam mo ba yung rason kung bakit kita niloko??? Bakit ako nakipagtextmate dun sa kaklase ko? Oo. Panloloko na sakin yun, na halos kasuklaman mo ko dahil dun....
Natatakot kase akong ako na naman yung talo sa huli.
Natatakot akong malaman na ginawa mo na naman ulit.. Minsan mo na kong niloko... Isa, dalawa, tatlo... Hindi ko alam kung may pangapat o lima pa. Pero ano? Ikaw pa rin, tangina.
Natatakot akong dahil sa mas mahal kita, pagbibigyan na naman kita. Hindi mo na ba natatandaan na binaboy ko yung sarili ko para sayo? Pumayag akong maging kabit sa relasyon nyo ng ipinalit mo sakin para maging parausan mo kase ang sabe mo hindi siya pumapayag. Hindi mo man lang ba naisip na nasaktan ako ng sobra noong pinamukha mo sa aking siya yung pinipili mo... Na after all what I've done to you, akala ko maiisip mong ako nalang sana ulit...
But it all end up na ako pala ang magsasabe ng "AKO NALANG SANA ULIT"
Sorry ha... Dumating sa point na niloko na kita kase natatakot ako.
Natatakot akong sa huli, marirealize kong ako lang pala yung nagmamahal.
Kaso mali pala... Oo. Maling-mali na tapatan ng kasalanan ang kasalanan.
Honestly ngayon, naiisip kong gawin ulit yun... Ilang beses kong naisip subukan ulit kase ayoko netong nararamdaman kong parang nagmamakaawa ako sa atensyon mo.
Pero hindi ko na magawa...
Kase pangarap kong magkaroon ng masayang pamilya.
Magkakababy na tayo mahal. Kabuwanan ko na.. Nasasaktan ako sa naiisip kong hindi ko iaapelyido tong anak ko sayo.
Nasasaktan ako ng sobra kapag naiisip kong wala ka sa tabi namin.
Sorry kung ang possessive ko ha?
Hindi ko na alam kung paano alisin tong takot sa loob ko.. Sobrang naistress na ako at natatakot akong makaapekto to sa dinadala ko.
Hindi ko alam kung paranoid lang ako pero mas may tiwala kase talaga ako sa instinct ko kesa sa kahit na sino.
Hi my love, Gusto kong ipost sa IG tong photo mo pero syempre, hindi pa pwede. Noong nakaraan, doubtful pa ko na andyan kana kase wala naman akong nararamdaman. Yung mga symptoms nga na sinasabe nila at mga nababasa ko, wala ehh. But I'm happy, really happy! that you're safe. Sana hanggang 40th week healthy ka pa rin. 😊 ---
Change of plans.
I’m pregnant. 6 weeks and 4 days to be exact.
Shocked. A bit sad. Happy! Scared.
Shocked. Kase sumablay. Actually, hindi sablay ehhh, I enjoyed it actually. December 2016 palang sinusubukan na namin yun na gawin, yung sa loob pero hindi lage. We’ve been doing it for 6 months, Calendar Method. Wala namang nangyayare. But then, maybe God’s chances already passed. Feeling ko sa nangyareng ‘to, sinasabe nga sa akin na “Anak. Masyado ka nang pasaway. ” Hahahaha. 😅 naluha ako sa realization na to tas habang nagtatype ako, tumutugtog yung “You Love Me Anyway” by Sidewalk Prophets.
A bit sad. Kase ang dami kong plano for this year. Umuulan sa plano. Last year pa namin plano ng mga ka-org ko na kami-kami ulit yung sasali sa cheerdance sa second term para sa mga lalaban sa engineering week. Plano kong pumunta ng MIBF 2017 sa September. Lalo na kung pupunta si Kuya Marcelo Santos III. Balak kong bumili ng Irerelease na album ng The Script at plano ko ring pumunta sa concert nila (kahit wala pa naman silang sinasabe). VIP pa naman pinaghahandaan ko. Huhuhu
Happy. Kase syempre, it’s a baby. A blessing. Tanggap naman sya ng papa nya, hindi rin naman ako ganoong kabothered sa pera pero need pa rin magtipid. Sana nga’t paglabas nya, mabait na ko. Hehe
Scared. Hindi mawawala na matakot talaga ko. I’m just 19, turning 20 sa October. Sabihin ko mang ready na ko emotionally, hindi pa rin talaga mawawala yung takot ko na mawawala na sa akin yung mga nakasanayan ko. Hindi sa mawawala pero hindi ko na ulet magagawa yung iba. Oo. Mababawasan lang. Pero iba talaga. My friend knew me, na pasaway talaga ko. Mukha lang akong di makabasag pinggan sa harap ng mga relatives ko pero iba kapag nasa labas.
I’m not the wild one but then, I’m also not the one they think. I have a lot of secrets.
Ang iniisip ko na lang ngayon, si mama. Since naman noong nalaman ko, ang iniiyak ko lang talaga ay ang pagiisip kung paano si mama. I know na matatanggap nya ako but then, I’m the only girl in our family.
Bakit ba ngayon ko to iniisip?
Di ako nagsisisi pero di ko maiwasang mag-look back.
Hindi ako hipokrito na sasabihing “hindi ko sinasadya. ”. Sinadya ko. Curious ako ehh.
But Curiosity kills the cat.
Sana lang safe si baby.