Natatakot ako, oo. Natatakot akong mahulog. Natatakot akong hindi masalo.
seen from Italy
seen from India
seen from China
seen from Australia
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Germany
seen from Macao SAR China
seen from United States
seen from Canada
seen from Türkiye
seen from Greece

seen from Canada
seen from Brazil
seen from United States

seen from United States
seen from Brazil

seen from Brazil

seen from United States
Natatakot ako, oo. Natatakot akong mahulog. Natatakot akong hindi masalo.
Hinaing
Lyrics by: Ma. Fe V. Buban & Chin Chin C. Dumaycos
Music by: Chin Chin C. Dumaycos and Angela T. Pasigon
Intro:
Hanggang kailan ang hinaing,
Hanggang kailan…
Verse 1:
Ako’y isang dukha, sa buhay ay salat,
Araw-araw kumakayod sa gabutil na pagkain.
Gabi-gabi’y iisa’ng dalangin,
Hanggang kailan ganito?
Nasa’n ka… o hustisya?
Verse 2:
Kami’y batang paslit, alipin ng kahirapan,
Sa bawat hagupit, kami’y tumatangis.
Sa halip laruan aming ligaya,
Sa mapanlupig kami’y biyaya.
Nasa’n na… ang hustisya?
CHORUS:
Hustisya, ikaw ba’y ginto?
‘Di makamit, ‘di makuha.
Kahit saan mata’y ibaling,
Hustisya’y kay ilap.
Hanggang kailan ang hinaing?
Hanggang kailan…
Verse 3:
Walang malapitan kundi ang Panginoon,
Pusong nagmamakaawa, matang lumuluha.
Dinggin O bayan, aming hinaing,
Marubdob na pagtangis
Ng iyong… inang bayan. (REPEAT CHORUS 2x)
Ending:
Hanggang kailan. (2x)
Tutulong hindi manggagantyo
Marami akong nakikita, nababasa at naririnig na gusto raw nilang kumandidato, tumakbo sa pagka-mayor o sa kung ano-ano pang posisyon sa kadahilanang gusto nilang tumulong. Napapaisip na lang ako, talaga bang nangangailangan ng posisyon sa gobyerno para tumulong?
Ang pagtulong ay natural na para sa ating mga tao. Ang pagtulong ay kayang-kayang gawin ng isang musmos na bata, ng isang mag-aaral, ng mga matatanda, ng mga mahihirap, sa madaling salita ang pagtulong ay kayang gawin ng isang simpleng mamamayan.
Hindi mo kailangan ng posisyon o pwesto sa gobyerno para tumulong. Hindi mo rin kailangan maging mayaman, maging maimpluwensyang tao para tumulong. Hindi ka man Presidente ng bansa maaari kang tumulong sa maliit na paraan. Wala sa posisyon o kayamanan ang pagtulong, nasa adhikain ito ng isa.
Kaya minsan napapaisip talaga ako sa mga taong nagsasabi na “gusto kong tumakbo sa pagka-mayor para matulungan ang bayang ito”. Gusto mo nga bang tumulong? O baka naman gusto mong magpayaman? Huwag mong gamiting panakip butas ang pagtulong sa iyong kasakiman, mahiya ka naman doon sa mga minimum wage earner na totoong tumutulong sa mga batang badjao sa simpleng pag-abot ng makakain. Huwag mong gawing dahilan ang pagtulong dahil nagmumukha ka lamang hipokrito.
Isang beses narinig ko pang sinasabi ng mga tao “kapag naging mayaman ako, kapag nagkaroon ako ng maraming pera, magbibigay talaga ako”. Napapatanong na lang talaga ako sa sarili ko, sigurado ba talaga sila sa sinasabi nila? Noong wala ka pa ngang kayamanan ay hindi ka na marunong magbigay, paano pa kaya kapag nakahawak ka ng limpak-limpak na pera baka magka-amenisya ka. Kaya madalas masama ang kutob ko sa mga motibo ng tao, gustong tumulong pero kailangan may posisyon? Gusto magbigay pero kailangan may kayamanan?
Sa totoo lang hindi mo kailangan mapunta sa tuktok ng tatsulok para tumulong at para makita ang buong sitwasyon dahil karamihan ng nasa tuktok ay nasisilaw at minsa’y nabubulag pa nga sa ningning ng kanilang posisyon. Minsan sapat na ‘yong nasa laylayan dahil mas mulat ka sa karumihan at kababuyan ng sistemang ito dahil kung sino pa ‘yong mga taong nasa laylayan sa kanila pa mas totoo ang salitang pagtulong.
Ang pagiging mandirigma sa LRT
Umulan ng malakas kaya, as expected, traffic at mahirap sumakay. Kaya naman, nag-LRT na ako. Then, pak! Nakita ko, sa hagdan pa lang ay pila na. PARANG PILA SA SINEHAN TUWING MMFF ‘PAG PASKO. Owkay. Thankfully, ang mga may beep card ay pinauna na (VIP LANG ANG PEG!) dahil ang haba ng pila sa bilihan ng ticket pero walang pila sa pasukan at ‘di pa din naman gaano karami ang tao doon sa sakayan. Ang titiwasay ng mga PWESTOMATE ko sa Carriedo Station - cool lang, mapagbiro, tawa-tawa lang at higit sa lahat, hindi sinasalubong ang mga bumababang pasahero, MARUNONG SILANG MAGHINTAY. Kaya naman hindi ako nabagot kakahintay makasakay kahit na napakaraming tao at ‘di-ko-na-mabilang-kung-pang-ilan na tren na ang dumaan at lumagpas. Ito na, may tren na ulit, medyo maluwag kumpara sa iba at marami ding bumaba. TULAKAN, SIKSIKAN AT SPARTANSHIP GALORE ANG PEG NAMIN (Kung baga sa problem solving, yan ang given eh.Hahaha…) Finally, nakasakay din. Ako ang nasa unahan kaya naman kung may bababa sa susunod na istasyon, kailangan kong bumaba para makadaan sila. And so, I did nung nasa D.Jose Station na. Maraming bumaba pero di pa man nakakababa lahat, ramdam ko na ang pagtulak ng nasa likod ko. Aba'y gusto pa atang makipag-unahan. Nakadalawang sabi ako sa likod ko na saglit lang, waley epekto. Hanggang sa iilan na lang ang lalabas, biglang pumasok yung mga nasa likod ko.(Kung sa problem solving, ito naman yung ‘di mo alam solution kaya nanghula ka na lang, as expected, MALI SOLUTION mo…0 points ka. Very wrong eh😂) Ang SARAP BALYAHIN NILA ATENG NG OVER! Chos.😂 Ako pa napasama dun sa mga bumababa, teka lang daw bababa daw sila. Aba'y ateng, kung alam mo lang, ako ang nagparaya. GANUN TALAGA, MINSAN, IKAW NA ANG NAGPARAYA, IKAW PA ANG MASASAKTAN. Char!😂 Going back,‘DI BA OBVIOUS NA MAY BUMABABA PA?! DISIPLINA NAMAN MGA ATENG. Kaathar kayo.hahaha…Nakitang may bumababa eh. Patapusin muna sila ‘di ba? Lalong nagtatagal pag sinasalubong eh. ‘DI PO SILA BALIKBAYAN PARA SALUBUNGIN NIYO. Orayt?😂 ISA PA, ISIPIN MO NAMAN ‘YUNG BUMABABA, MAAWA KA NAMAN ‘PAG LUMAGPAS SIYA, IKAW AYOS LANG NA ‘DI MAKASAKAY, MAY DARATING PA NAMAN NA TREN. SANAY KA NAMAN NA MAGHINTAY, ‘DI BA?😂
Ito lang talaga napansin ko sa atin, WALANG DISIPLINA. MADALAS, ‘DI INIISIP ANG IBA, ANG MAHALAGA MAISAKAY LANG ANG SARILI. I KNOW, IT’S HUMAN NATURE NA UNAHIN ANG SARILI(PROBABLY, NOT UNLESS IT’S BETWEEN YOU AND A LOVED ONE) BUT TAKE NOTE, NASA HUMAN NATURE DIN ANG PAGIGING TRULY CONCERN SA KAPWA. MAYBE, IT’S JUST A MATTER OF KNOWING HOW TO BALANCE THESE TWO & KNOWING WHEN ONE IS ABOVE THE OTHER.:P Sa tinagal-tagal ng LRT na ganyan ang sistema, bakit kaya ‘di makaisip ng paraan o ng patakaran para maging maayos ang pagsakay? Gaya nung napanood ko sa FB ngunit sa ibang bansa: naka-linya ang mga sasakay sa gilid then, ang daan ng bumababa ay sa gitna. Suave! Aha! Naalala ko, nung nakasakay ako ng MRT, parang ganyan din pala ang sistema nila, maayos(pero hindi ang tren.😂chos!). Siguro, dahil din sa espasyo ng station kaya ‘di magawa yung ganun, ano? Medyo maliit kasi sa LRT eh, kung pumila man, mahaharangan na yung daanan.haha…Nasa sa tao na lang siguro talaga. 😂 So, PLEASE LANG AH, MAGING DISIPLINADO TAYO ‘PAG SAKAY NG TREN(Ito na ang solusyon sa problem solving natin.hahaha…) I admit, mahirap maging disiplinado kaya kahit sa pagsakay ng tren man lang matupad natin.chos!😂 GREAT THINGS COME FROM SMALL ONES. Unti-untiin, araw-arawin hanggang sa makasanayan na. HABITS BECOME ATTITUDE(A-ti-tud😂). Big word! Hahaha…
P.S. Hinahanap mo ba yung answer sa problem solving natin?😂 Malamang alam mo na naman ‘di ba? Magiging maayos ang pagsakay, walang mag-iinit ang ulo, walang mananakit, mas maraming makakasakay, walang mag-aaway, mas mabilis makakaalis ang tren, mas lalong pwede kang makipag-friends at makipagchikahan, mapayapa ang mundo. hahaha! Ang pagkakaiba lang, sa problem solving maraming ways, maraming solution pero iisa ang sagot, dito, isang solution lang gawin mo, maraming sagot ang maaaring ibigay. (Mema amp!😂)
-Pasensya na, mahaba. Nadala lang ng emotion. Chos! Hahaha…
Ang pagpili ko ng tunay na kaibigan ay gaya ng pagpili ng (girl)boyfriend (pang habambuhay na boypren hindi yung kalandian lang.)
paano ko nasabi?
well, may mga taong friendly talaga. alam mo yung friend mo lahat ng nasa paligid mo. lalaki, babae, matanda, bata, may sira sa utak o wala kahit mapa hayop man yan, kinakaibigan nya.
may mga taong mapili din sa kabigan. yung tipong kakausapin ka lang kung gusto ka nyang kausapin kung ayaw ka nyang kausapin, edi hindi. pake alam nya sayo?
may mga kaibigan din na seasonal. kaibigan mo ngayon, makalipas lang ang ilang araw, iba na ang kaibigan.
sa dinami dami ng pumapasok sa utak ko kung ano-ano ang klase ng kaibigan ang meron dito sa mundong ‘to. napa hinto ako’t napa-isip. ako kaya? anong klaseng kaibigan kaya ako?
kagaya ako nung nasabi ko na nasa itaas. mahilig akong makipag kaibigan. makipag harutan kahit kanino. mapa hayop man o tao, kinakaibigan ko. pero habang tumatakbo yung araw, mare-realize ko kung sino talaga ang tunay o nag stand out na maging tunay kong kaibigan.
ako yung tipo ng kaibigan na ako lagi ang mauna. maunang makaalam ng sekreto mo. unang makaalam ng mga hinanakit mo. ako lagi ang una mong pagsasabihan sa mga nangyayari sa buhay buhay mo. gusto ko ako lagi ang kasama mo sa tuwing may lakad, sa tuwing may pupuntahan ka. in short, gusto ko isali mo ako sa buhay na kung anong meron ka. gusto ko na ituring mo din akong pamilya.
ako yung tipo ng kaibigan na ipaglaban ang kaibigan ko kung alam kong may nang-aaway sayo. kung mali mo, ba! ikaw ang humanda sa akin. hindi kita tatantanan sa kaka-away o kakadaldal hanggang sa matauhan kang hayup ka!
ako yung tipo ng kaibigan na gusto kong kasama ka lagi sa lakad ng pamilya namin. pansin nyo ba? kung ano ang trato ko sa future boyfriend ko, ganun din ang trato ko sa kaibigan ko. kasi tinatrato ko ang kaibigan at boyfriend ko bilang isang PAMILYA. at pansin nyo rin ba? napaka selosa ko. :3
hindi ko mapipilit na ako lang lagi. na dapat ako lagi ang kasama nya. ako dapat ang mauna dahil may kanya-kanya tayong buhay at wala akong magagawa kong iba na ang gusto nyang maging kaibigan.
PS.
pasensya kung hindi na ako sumasama saiyo kasi alam ko namang may bago kang tinuturing na kaibigan.
HINDI AKO ANG NAWALAN NG KAIBIGAN.
Untitled.
Isang buwan pa lang nang nagsimula ang pasukan at parang isang taon na agad ang nagdaan. Ewan ko pero parang battle bawat umaga na kailangan mong labanan ang sarili mo para makapasok. Iisipin mo na lang ang mga estudyante mo, at sila ang dahilan ng pagpasok sa isang malaking kulungan. Kulungan na kung saan naka-kahon ang mga pwede mong gawin sa klase mo. Na para kang isang puppet na sunod lang ng sunod sa iuutos ng mga superyor mo. Hindi ko lubusang maisip paano tumagal ang mga tao dito pero kasi, mataas talaga ang sahod. Pero mamatay ang iba sa mga napag-aralan mo.
Baka love mo parin yung ex mo? Pano nmn ako? Are we just having too much fun ? Love mo ba talaga ako ? Paano ako makakasigurado ? Hanggang kailan ? Gusto mo ba talaga akong maging GF ? Ang daming tanong naglalaro sa isip ko. Pero pagkaharap na kita nakakalimutan ko na lahat e. Masyado mong nakukuha yung atensyon ko. Yung tipong okay, wag na tayong magsalita, titigal nalang. Lol. Pero ang nakakainis e yung pag magkasama tayo palaging agaw yung atensyon mo ng mga kachat mo. Katawagan, at kung ano ano pa. Medyo bastos. Really. Annoying!!! Hindi nga ako gumagamit ng cp pagkasama kita. Bawian kita minsan para nmn maramdaman mo. Yun e kung makakaramdam ka. Pag pumupunta ka dito samen si pare lng madalas kong kausap. Lalo na kanina. Pumunta ka pa di ga. Pero okay lang. Medyo ayoko kaseng i discuss yung mga bagay na napapansin ko. Alam kong hindi tama pero. Makaramdam naman di ga. Di makuha sa tingin e. I maybe smilling pero ginagayat kana ng mga tingin ko. Like that. Di pa na yata napapansin ying ganoong side ko. Alam ko naman kaseng wala akong magagawa sige. Nasabi ko nga yung mga ayaw ko o yung mga bagay na napapansin ko. Ang gagawin mo lang naman e mag explain then ill accept. Like sme old same old. Dami kong gusto pang sabihin e. Di ko malahat di ko pa maisip yung iba. Hindi oo pa alam kung paano ko i eexpress sa words yung nararamdaman ko. Hindi nman ako ganun kagaling mag explain ng sarili ko e.