Reaksyon sa Kanta
Nakilala ko ang pangalan ni Gary Granada dahil sa mga proyekto sa mga aktibitad namin sa eskwelahan. Naging tanyag siya dahil sa mga awiting kanyang naisulat na mayroong pulitikal na tema. Ginamit niya ang pagsulat ng awitin bilang isang paraan upang maipamulat sa kaniyang tagapakinig ang realidad.
Sa una, hindi ko naintindihan ang pinapahiwatig ng kantang Go-ngo o Once Upon A Tune ni Gary Granada. Ngunit, napag-isip isip ko na ang tono ay hinango sa mga pambatang mga kanta at unti-unti kong naiintindihan na ang mga liriko ay ikinokonekta sa gobyerno. Nakakagulat isipin na dati pa ang kanta, ngunit kahit sa panahon ngayon ay nakokonekta ko pa din ang kanta sa mga pangyayari ngayon. Masasabi ko na medyo may pag-ka’harsh’ ang mga liriko o linya sa kanta pero ito ay totoo at mas naimumulat ako nito sa realidad na nangyayari sa ating bansa. Sa linyang “mas mabuting may gobyerno o wala”, napaisip din ako dahil bumubuti ba talaga ang lagay ng bansa o mas lalo lang atang lumalala ang mga nagaganap. Sa linyang “kapag ang taongbayan, ay may problema, dalawang tenga, dalawang mata, laging nakasara”, nakakalungkot isipin na walang nagbago, ang kahirapan at problema sa taongbayan ang siyang nakakalimutan pa din alalahanin. Madami pa ding naghihirap, hindi napapansin, at lalo na hindi naaabutan ng tulong.
Nakasaad din sa kanta ang pangungurakot o korupsyon, dahil nakakapagtaka lang din na saan napupunta ang pera sa gobyerno na para dapat sa mga taong bayan, bakit madami pa din nag hihirap? Sa bulsa ata nila napunta ang dapat para sa mamamayan at ginagamit nila ito para sa sariling satispaksyon.
Nakokonekta din dito kung bakit nagrarally ang mga tao, dahil sa mga problema sa taong bayan kabilang ang kahirapan. Bakit hindi nila pinapakinggang ang mga salita ng mamamayan, dahil akala nila iyon ay mali? Hindi nila pinapansin ang mga sigaw ng mahihirap kaya naman nadami lalo ang nag poprotesta at mga problema sa bayan.
Sa halalan, ang vote-buying, bakit nila babayaran ang tao para botohin sila? Para ba ito sa pwesto o pera. Ngunit bakit din, kapag ikaw na ang na-elect bigla na lang naglalaho pagkatapos ka ma-elect, nakakapagtaka lang kase asan na yung mga pangako na da’t tuparin. Madaming proposals pero ni isa hindi natupad o natuloy, hindi tuloy natulungan ang mamamayan.
Mahusay na pagsasaad ng mga halimbawa ng mga isyung kontemporaryo sa lipunan.
Ms. Gab

























