💖💖💖

Janaina Medeiros
dirt enthusiast
art blog(derogatory)

JVL

No title available
Keni
Not today Justin
Show & Tell
Lint Roller? I Barely Know Her
wallacepolsom
RMH

Origami Around
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Peter Solarz
I'd rather be in outer space 🛸
TVSTRANGERTHINGS

Love Begins
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
AnasAbdin
will byers stan first human second
seen from United States

seen from Brunei
seen from United States

seen from United States
seen from Malaysia
seen from Japan
seen from Spain
seen from Brazil
seen from Brazil

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Russia

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
@luna-amore
💖💖💖
“you’re so cute when you’re shy” first of all, i have anxiety
“One day you will thank yourself for never giving up.”
— Unknown
Kaya pa ba? 🥺
Me experiencing derealization and dissociation :(
I love you, the first woman I admired and looked up to. you were there, embracing me, making me feel safe in your arms, and giving light in a world where cruelty and darkness reigned. you are and will always be the person I need the most. I can’t see myself living without you.
happy mother’s day, mang! 😘
i watched everything turned into ashes, as if our love was extinguished by something i couldn't fight without burning myself
mismatched // ma.c.a
Lucky you, Lola 🥺
You're in there with God.
You're going to enjoy paradise without fears and challenges.
You'll be able to travel between heaven and earth whenever you want.
You're going to touch the clouds, the skies, and even the stars,
you can even kiss the sun and the moon.
You'll be happy to see us from above.
I am lonely that you left us like this, but at the same time, I am happy for you, Lola.
Imagine you're with God now.
You're going to rest in His palace,
You're going to be happy with no limit.
I hope to meet you soon, Lola.
We miss you and we love you so much. 😢😢🧡
Pahinga ka na, Lola.
Lagi mo po kaming babantayan. 😢
“Her aura is made of poetry, roses, and galaxies”
— Unknown
Don't Respond
I adore you,
but please don't respond.
Just listen to what I'm saying
as I dispense the contents
from my heart:
the butterfly,
showers of meteors,
storms and lightning—
it's a cascade,
spilling over and over again.
As a result, here I am,
allowing these feelings to roam freely;
I simply want you to be aware.
I adore you.
Please do not reply.
I am aware that you
don't share my sentiments
in this world,
and it's fine; I'll accept
gratitude's gaze,
silence from your mouth,
a nod at the speed of light.
You don't need to apologize;
it isn't your fault
if our stars aren't destined to collide,
to join forces to form a constellation.
I just wanted to let you know...
𝙲𝚘𝚗𝚏𝚎𝚜𝚜𝚒𝚘𝚗
— 𝕬𝖒𝖔𝖗 𝕷𝖚𝖓𝖆, 2022
Patuloy kitang hihilingin sa mga bituin.
Kasabay ng pagbukas ko sa bintana'y nakita ko ang nakangiting si Luna,
sabi sa aki'y "ngumiti ka"
Ako'y natawa sapagkat ang mga hikbi ko'y narinig na naman niya.
Napakagandang pagmasdan ang kalawakan,
kasabay ang malamig na hanging waring hinahaplos ang aking katawan,
ang mga talang anaki'y mga alitaptap, liwanag sa karimlan,
napakagandang tanawin mula sa kalangitan.
Ilang minuto pang lumipas, isang kurba ang 'di naisadyang naiguhit sa aking labi,
ngunit pinilit kong ngumiti.
Sandali pa'y ramdam na naman ang pagpatak ng likidong mga kristal sa aking paanan,
maaari mo akong tawaging tanga o di kaya'y baliw sa gan'tong tinuran,
paano ba naman napakaemosyonal parang may pinanghuhugutan,
subalit ang katotohana'y napadpad na naman ang mga alaala sa isipan.
Sa mga minutong 'yon, tumingala 'ko sa kalawakan,
sinarili ang mga katanunga't kahilingan;
Maaari bang maglakbay at hanapin muli ang kasiyahan,
sa mga oras 'yon, hinding - hindi na masasayang.
Alam mo bang sa pagbigkas ko ng mga salitang 'yon, siyang pagbagsak ng bulalakaw sa kanluran?
Palatandaan na kailangan ko nang maglakbay at hanapin muli ang aking kasiyahan.
Ngunit ako'y naguguluhan, sapagkat hindi alam saan sisimulan.
Masyado bang desperada 'pag paurong ang dinaanan?
Gusto lamang namang ibalik ang panahong hindi pa nasasaktan,
Upang sa kasalukuya'y hindi na maghahangad na ikaw'y makalimutan.
Maaari rin naman 'pag pasulong ang paghakbang,
Kung hindi lamang kasalanan.
Sa panahong iyon, patuloy na mag-aapuhap maging sa karimlan,
matiyak lamang na ang tadhana'y 'di na tayo paglaruan,
Magkasamang pagmamasdan ang gabay at regalong n'sa kalawakan;
kung maaari lamang maging makasarili... :<
Ngunit pinili kong manatili at 'di na lamang maglakbay sapagkat,
sino ako upang kontrolin ang oras sa nakaraa't hinaharap?
Kung hindi talaga tayo para sa isa't isa, sino ako para desperadang humiling't maghangad?
Sino ako upang agawan ang nakatadhana sayo't karapat- dapat?
– 𝙻𝚊𝚗𝚍𝚊𝚜 𝙿𝚊𝚝𝚞𝚗𝚐𝚘 𝚂𝚊'𝚢𝚘 💖
Photo: The anime movie "The Girl who Leaped through Time"
𝕬𝖒𝖔𝖗 𝕷𝖚𝖓𝖆, 2022
worst.
Ito na siguro ang wakas.
Katapusan.. hindi man lamang nasimulan.
Yung mga damdamin hindi man lang naipahayag sa tamang paraan, yung tipong maiintindihan at .. tatanggapin mong walang halong panghuhusga.. yung tipong tatanggapin pa rin ng buo kahit hindi mo masuklian...
Ito na ang siguro ang wakas.
Katapusang..ako lamang ang nakaaalam.
Sapagkat ang kwento nati'y ako nga rin lang ang may pakialam. Sabagay.. ako nga rin lang ang nagmamahal, mula noon hanggang ngayon. Ako lang ang nagmamahal.
Ito na siguro ang wakas.
Katapusang.. hindi rinig ang salitang paalam,
Sapagkat walang karapatang
magdamdam.
Huwag mo akong husgahan,
Hindi ako pipi. Sadyang sa una pa lang alam kong wala na 'kong laban.
Siguro.. hindi lang talaga ako kamahal-mahal.
Kaya, ito na siguro ng wakas..
Katapusan ng mga gabing inaasam-asam ka,
Katapusan ng mga kahilingang maaangkin ka,
Katapusan ng mga paghikbi dahil sa maling akala,
Katapusan ng mga alaalang nagiging sanhi ng pagluha,
Katapusan ng kwento kong minamahal ka mula pa noong una.
Ito na siguro ang wakas.
Ito na ang senyales na napapagod na 'kong hilingin ka sa mga tala.
Gusto ko lang namang sabihing mahal kita, ngunit madaya ka.
Gusto ko lang namang sabihing mahalaga ka, ngunit madaya ka.
Gusto ko lang namang sabihing ikaw ang paborito kong paksa sa aking mga akda, ngunit madaya ka.
Ito na siguro ang wakas.
Sapagkat ito ang iyong kahilingan.
Patawad, masyadong matagal ang pagproseso ng mga bagay sa aking isipan.
Patawad, kung pinipilit kitang isama sa magulo kong bugtong-bugtungan.
Patawad kung matatalinghagang mga salita ang ginagamit ko, batid kong hindi mo naiintindihan.
Alam ko! Wala kang pakialam.
Alam ko. Talo na 'ko, sapagkat kailanman 'dika naging interesado sa magulo kong mundo.
Ayoko pa ng wakas.
Handa naman talaga ako sa lahat, anumang mga pagbagsak,
Handa akong damhin lahat ng sakit sa mga sugat.
Ayoko pa ng wakas.
Kahit hindi mo kayang suklian ang damdamin,
handa naman akong magtapat.
Subalit ang kahilingan mo'y wakas.
Kaya ito na siguro ang katapusan,
Nang damdamin kong naihayag lamang sa bawat pahina ng aking mga aklat.
Ang damdamin ko'y mananatiling nakatago sa pinakaila-ilalim ng aklatan.
Pero bago ang lahat, gusto ko lamang sabihing
sa mga sandaling umabot ang madamdaming tulang ito sa iyo, at nabasa mo, huwag mo 'kong husgahan kung sa una palang hindi mo na 'ko naintindihan.
Ito na ang katapusan.
𝙿𝚊𝚊𝚕𝚊𝚖.
– 𝕬𝖒𝖔𝖗 𝕷𝖚𝖓𝖆, 2021
Ikaw ang inaasam ko, ang kahilingan ko ..
Huli na ba ang lahat?
Maaari mo bang pagbigyan ang aking pagliyag?
Handa na akong kumawala sa karimlan, upang hanapin ang dulot mong liwanag, mahal ..
𝙰𝚕𝚊𝚊𝚕𝚊.
– 𝕬𝖒𝖔𝖗 𝕷𝖚𝖓𝖆, 2021